Kabanata 3

7.3K 151 119
                                    

Feeling

"You're injured. You should stay at my place," giit niya sa akin.

"Hindi. Gusto ko sa dorm," tinitigan ko siya nang masama habang nag da-drive siya. Nakakahiya din sa kaniya 'no. Saka, baka kung ano-ano pa ang maisip ko. Patawarin mo po ako Lord.

"Okay fine." And for the third time, he finally gave up.

Sinandal ko ang ulo ko sa may salamin at nanatili ang aking mga mata sa pamilyar na lugar.

Intramuros. Napaka-historical iyong wall na nakapalibot sa buong ciudad. Simbulo nang mapait na nakaraan. Madami din ang tourist spot. Tulad na lamang ng Fort Santiago, Luneta park at ang mga naglalakihang museo kung saan nakatala o nakalagay ang mga kinaiingatan na artifacts. Hindi ko gusto ang Intramuros kapag gising ang mga tao. Masikip, traffic at sobrang daming tao. Masaya ang night life sa Intramuros. Nangingibabaw ang kagandahan nang lugar na ito dahil sa mga ilaw. Para kang ibinabalik sa maka-lumang panahon.

Papasok na sana kami sa street nang dorm ko ngunit hindi lumiko doon si Eros. My forehead furrowed and stared at him with a questioning look.

"Hindi dito dorm namin. Nalagpasan mo na yung street," tinuro ko sa kaniya ang street kung nasaan ang dorm. Hindi na siya nag salita at lumiko na sa may highway.

"Saan mo 'ko dadalhin?" I panic in between words. Ano ba ang naiisip nitong lalaking 'to at gusto pa atang gumala. Four na nang madaling araw at mukhang ayaw niyang matulog. Sanay ba 'to sa night life? Nagagawa niya pa 'yun sa gitna ng sobrang daming aaralin? How to be you po?

"I told you. I will take care of you," he whispered to himself eventhough I heard what he said.

Hindi na ako nakapag salita dahil bigla niyang pinaharurot ang sasakyan ko. "Oh my gosh!" napahawak ako sa upuan at seatbelt ko sa bilis nang takbo. Beating the red light itong si Eros. Mabuti na lang at walang sasakyan. Sobrang bilis nang pintig ng puso ko at hindi ako makahinga sa bilis ng takbo. Hindi naman ako sanay na 180 kph ang takbo. Kapag nasa Manila ka, mabilis na yung kwarenta.

"Kung may balak kang patayin ako, please, gawin mo muna akong doktor!" natataranta kong pagkakasabi. Mahihimatay talaga ako kapag kasama ko 'to.

I heard him chuckled while his right hand is on top of the steering wheel and his left elbow is resting on the arm rest. Sobrang lalim na nang pag hinga ko. Hindi ko na nga magalaw ang aking binti, hindi ko pa magalaw ang buong sistema ko sa sobrang takot.

"Hold on tight," hindi na ako nakapagsalita at mas lalo niya lang binilisan ang takbo.

"Pota, Eros!" Pinikit ko ang aking mga mata sa takot. Narinig ko pa ang pagtawa niya sa reaksyon. Mamatay ako nang maaga sa ginagawa n'ya. Baka nga lasing pa 'to!

"Chill. There's no traffic," tukso niya. Napatili na lang ako nang mas binilisan niya pa ang pag-da-drive.


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nagtataka kung nasaan ba ako.

I scanned the whole room. Black, white and gray ang kulay ng kuwarto. Minimalistic din ang style. Uupo sana ako sa gilid ngunit hindi ko magalaw ang aking kaliwang binti.

"May tahi pala ako," I whispered to myself. Umupo na lang ako sa kama nang hindi ginagalaw ang aking binti. I flinched when the door of the room open. Sumalubong sa akin ang mapupungay na mata ni Eros. Hawak niya ang isang wooden tray nang pagkain at saka inilapag sa desk.

Kinuha niya ang tray table na naka tago sa drawer at inilagay sa harap ko. Inilapag niya doon ang isang plato ng bacsilog at inilapag niya din ang isang baso ng tsaa at inamoy ko pa ito.

War of HeartsWhere stories live. Discover now