Kabanata 33

3.4K 86 8
                                    

Company 

It should be a fun dinner with my team mates. Libre ko e! I'm not guilty for spending money on them. My night was ruined because of his presence in this very room.

Kaunti lang nakain ko! Ito namang si Karen sinulit ang libre ko at nagpaserve pa ng dalawang plato ng karne. I sighed. Sila na lang ang kumain para sa akin.

Paunti-unti lang ang kain ko at nagpokus na lamang sa pakikipag-usap sa kanila patungkol sa Family med. I was also happy sharing to them my experience as an RN.

Matagal kami sa Samgyup kaya nang malapit nang mag-closing, saka kami nagpasyang umalis at magbayad.

I called the waiter for the bill but he wasn't responding. I called him the second time and I'm glad he went up to us.

"Bill po."

As I was about to grab my wallet, the waiter said, "Ma'am, bayad na po."

Nagulantang ako sa sinabi n'ya. "What? Paano nangyari 'yon e hindi pa kami nakakabayad?"

He scratched his head, na para bang nahihirapan sa sitwasyon n'ya. "E Ma'am m-may nagbayad na po para sa inyo."

Pinagtaasan ko tuloy siya ng kilay. "What do you mean? Who?"

"Sensya na po Ma'am huwag daw sabihin e. Hindi n'yo na po kailangan magbayad Ma'am." Iniwan ako ng waiter na laglag ang panga.

Napabaling ako sa mga kasama ko na takang-taka kung sino ang nanlibre sa akin.

"Hoy Andrew umamin ka na ah! Ikaw ba 'yon?" Paratang ko sa kanya.

His forehead creased and then shrugged. What? So hindi s'ya?

Potek naman 'tong buhay na 'to.

Laking pasasalamat ng mga ka-team ko ang paglibre sa amin noong mysterious person na 'yon.

"Baka naman may sugar Daddy ka Ana." Des thought out loud.

"Hoy! Wala 'no! Sana nga meron. Hirap maghanap!"

Buong gabi'y iyon ang aming naisip. Tungkol sa Sugar Daddy at Sugar Baby.

Hanggang sa pag-uwi ay ang laman ng isip ko ay kung sino ba ang nagbayad. I have a hunch but I don't want to claim such stupid idea.

Alam ko namang mayaman si Earl. Hindi naman n'ya ko kailangang i-libre dahil tapos na rin naman kami.

Siya nga itong sinaktan ko.

Teka ba't parang nagmumukhang ako na ang may kasalanan ba't kami nagkaganto?

Sa pagkakaalam ko ay nagsimula ito sa isang babaeng nagpost pa ng video na hindi naman recent. Ugh.

Ew. Ew. Ew.

Cringe.

Moving on, nang mag-umaga, tumawag si Ae at pinaalam sa akin na sa Linggo siya babalik ng Maynila. I was excited to be with her. Nasa parehong lugar pa kami magtatrabaho ngunit hindi ko makakaila na hindi naman komportable si Ae na magtrabaho do'n.

Kahit ako naman e. Para bang labag sa kalooban ko ang mag intern doon. Kaya mas gusto kong sa ibang ospital na lang para naman ma enjoy ko.

Ako muli ang nagpatulog kay Mason. Puwede naman akong matulog ng umaga na dahil night shift kami bukas. Ang pasok ko pa ay alas-cinco ng hapon hanggang alas-syete ng sumunod na araw.

I brewed a coffee using our Nespresso machine and reviewed my notes for today. I added those information for my review next year.

Kaunting tiis na lang Mare.

War of HeartsWhere stories live. Discover now