Kabanata 7

4.5K 114 48
                                    

Tickles

Naglalakad kami ngayon sa masukal na daan patungong bukal falls. Sobrang init ng aking nararamdaman dahil tanghaling tapat kami tumulak ni Earl patungo roon.

Hindi ko naman aakalaing pupunta kaming bukal falls. E'di sana nakapag handa ako ng bonggang swimsuit at saka nagdala ako ng camera. Mabuti na lang at may camera itong si Earl.

Mahigit trenta minutos daw ang aming tatahakin bago marating ang falls. Mayroon din kaming kasamang tour guide. Siya ang nasa unahan ko at si Earl naman ang nasa likod.

Medyo nakakahingal itong paglakad namin. Hindi na sanay ang katawan ko na mag exercise. Oras na ba para mag workout ako? Nakakatamad naman kasi mag gym! Baka wala pang five minutes, suko na ako.

"Water?" Hinahapong tanong ni Earl nang makarating kami sa isang pahingahan na gawa sa kawayan.

"Pahingi," inabot sa akin ni Earl ang kaniyang hydroflask. Kinuha ko iyon sa kaniyang kamay at uminom doon.

"Woohh! Ang lamig!" Sambit ko.

"Tara na!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at handa nang tumulak.

Humalakhak naman itong si Earl at saka umiling. Kinagat pa niya ang kaniyang ibabang labi bago bumaling sa akin.

"Hindi ka ba napagod?" He said with a hint of amusement in his tone.

Pagod ako, ngunit naalala ko na kailangan naming mag madali dahil may ibang turistang nag iintay. Dumami na nga sila nang paalis na kami sa office.

"Hindi ah! Gusto ko nang magtampisaw!" Tamad siyang tumayo nang hilahin ko siya.

"Ikaw ang may gusto ng trekking ta's pagod ka agad?" Tinawanan ko si Earl nang makita kong nakabusangot ang kaniyang mukha.

"Dami mong energy. Nakainom ka ata ng milo e," sambit nya.

"Uminom ka na rin! Ay nako! Beat the energy gap doc,"

Nakangiting umiling si Earl. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad kami, maraming mga sign board ang makikita mo. May isa pa nga doon ang naka agaw ng atensyon ko.

"Walanjo! 'Mag ingat sa pagbaba baka ma-fall tapos wala namang sasalo sayo!'" Tumawa ako ng malakas nang mabasa ko ang nakasulat sa tarpaulin.

Tinignan ko lamang si Earl at natawa na lamang sa itsura niya. Parang tanga.

Nakapamaywang na tumingin sa akin si Earl, "Hoy! Ba't ako tinatawanan mo d'yan? Aba! Baka mamaya ikaw ang ma-fall ng husto diyan sa crush mo,"

Kinurot ko siya sa tagiliran at napaatras sa ginawa ko.

"Piste! Kung alam ko lang kung sino crush mo, tutuksuhin na kita e! Bwiset!" Nangigil kong sagot.

Binelatan niya lang ako.

"Aba!" Sabay hampas sa kaniyang braso.

Sa sobrang galaw ko, ay nawalan ako nang balanse. Napatili ako nang wala sa oras.

Handa na sana akong maramdaman ang sakit sa pagkakatipalok ngunit mayroong kamay na pumulupot sa aking bewang. Sobrang lalim at bilis na ng paghinga ko habang pikit mata pa rin akong naka sandal doon.

Minulat ko ang aking mata at nakita ko ang concerned na mukha ng tour guide namin.

"Ayos lang po kayo ma'am?" Bumitaw ako sa pagkakahawak ni kuya.

"Sorry po," kinamot ko ang ulo ko.

Nakakahiya! Bahagya akong nanlumo sa nangyaring aksidente. 'Di ko alam kung nanlulumo ba ako sa katangahan ko o sa taong... nevermind.

War of HeartsWhere stories live. Discover now