Kabanata 32

3.3K 73 4
                                    

Turn on

Pumangalumbaba ako sa lamesa at kulang na lang ay isubsob ko ang aking mukha sa lamesa. I am tired from the trip. Kararating lang namin ni Thaia at Mason sa Manila kaninang madaling araw at maaga pa kami pinapasok.

Sanay naman ako magpuyat ngunit iba ang pagod ko ngayon.

I am physically and emotionally drained.

Tinignan ko ang oras sa aking wrist watch at kulang na lang ay sabunutan ko ang aking sarili sa tagal ng CI namin.

Pinatawag kami ng 6 am. 8 am na ay wala pa rin nangyayari.

I groaned in frustration. Napalinga sa akin si Desiree at pinagtaasan ako ng kilay.

"Akala ko ikaw ang excited dito. Parang ikaw lang ang 'di natutuwa sa gagawin natin ah." Tinabihan niya ako at nilapag ang kanyang iniinom na yakult.

"I didn't sleep this morning. Late na kami nakauwi." Para bang may magagawa pa ang pagsusumbong ko sa kanya.

Naeengganyo akong magsimula ng intern ngayon. I love doing this job. Ever since our white coat ceremony, feel na feel ko na ang pagiging Doktor. It's like I am one step closer to my dream and this is really happening.

"Ba't kasi ang layo ng kasal ng kaibigan mo?"

Ngumuso ako at para akong lasing nang luminga ako sa kanya.

"Doon lumaki asawa e."

Des does not look enthusiastic of my answer. Grabe ah! Nagtanong s'ya ta's i-is-snob-in lang ako? Hmp!

Nakarating na rin sa wakas ang CI namin at sundo. Ganito rin kami noong nag clerkship kami. Sa unang araw ay magkakasabay kaming pupunta para sa orientation ngunit sa makalawa at sa mga susunod pang araw, by group o individual na kaming papasok.

"Lacsamana!"

"Present." Tamad kong anunsyo.

Matapos ang attendance ay g-in-rupo na kami ng adviser namin.

I am relieved that one of my groupmates is Des.

Our group consists of 6 people. Ako, Des, Andrew, Karen, Kerwin, and Rica.

"Magkagrupo na naman tayo." Ani Andrew kay Karen. She gave him a death glare, ngunit ang nanalo ay si Andrew. His stare is still cold and stoic as ever.

May babae kayang makakatumba ng ego ng lalaking 'to? I bet no one.

Hindi napigilan ni Karen ang pagtawa at pagsampal sa braso ni Andrew na para bang nagbibiro iyong lalaki. She couldn't maintain a serious face, ever. She's jolly and full of energy to tease anyone, hence her leadership is what we need for a serious class such as this.

"Nakakainis! Kala mo namang gusto kong makita 'yang mukha mong napaka emotionless." I know she's teasing him but it sound offensive to me.

Oh well, that's Karen.

I looked at my group who seems comfortable with each other except for Rica. Nasa grupo pa s'ya ng kaibigan niya at parang labag sa loob niya ang sumama sa amin. I sighed.

Kahit anong pilit pa ang gawin ng klase namin na magkabuklod kami, may linya pa ri'ng nakaguhit sa'min. Nang sasakay na kami sa van at napahiwalay si Rica sa mga kaibigan niya, wala siyang motibong makipagkuwentuhan sa amin at sinalampak lang ang earphones sa kanyang tainga.

Tabi kami ni Karen na nakaupo sa double seater kaya binulungan ko s'ya.

"Ikaw na bahala kay Rica makisama sa'tin."

Her forehead crumpled. She noticed how hilarious my suggestion is.

"Ba't ako lang? E grupo tayo. Kayo talaga! Magiging komportable rin s'ya sa'tin." She grinned at me. Ngumiti akong umiling at dinungaw na ang tanawin sa labas. Mausok at trapik.

War of HeartsWhere stories live. Discover now