Kabanata 13

3.5K 85 6
                                    

Mother

The next day, he brought me to Martessem in Tanay.

Maaga pa lang ay tumulak na kami patungo roon para masaksihan ang pagsikat ng araw.

Nakahilig ako sa Barandilya nang maramdaman ko si Earl sa aking likod. He caged me in his arms, hugging me from the back. He rested his face on my shoulder blades. I tilted my head sideways to give him a bit space.

My heart fluttered in pure contentment. Buong buhay ko, puro panlalamig na lang ang aking naramdaman. Hindi ko naman naranasan ang pagmamahal ng isang ina dahil matagal na itong humiwalay sa amin. Si Papa naman masyadong abala sa trabaho kaya hindi kami natututukan ng maayos. All my life, I survived alone in the wild. May kapatid ako pero kahit sila nawawala na rin sa gubat, naghahanap nang pagkalinga ng magulang.

Hindi ko aakalaing mararamdaman ko ang ligayang matagal ko nang hinahanap kay Earl. He's like a sun that warms my cold heart.

Pareho kaming nakatitig sa pasikat na araw sa silangan.

"Are you feeling better?" Tanong nito.

Sumilay ang ngiti sa aking labi nang marinig iyon.

"Oo naman. Ba't naman hindi?"

"You look gloomy yesterday. It pains me to see you like that." Ramdam ko ang paghigpit niya sa yakap ko.

"Ayokong isipin mo na hindi ka karapatdapat sa akin... I want you to feel at home with me, Mare."

Napapikit ako sa luhang nagbabadyang tumakas sa aking mata. Hindi ko aakalaing nabasa niya ang saloobin ko base sa aking kinikilos. Tulad na lang doon sa nangyari sa spa at pati na rin hotel.

Lagi ko na lang iniisip na hindi ako puwede sa mundo niya. Sobrang layo niya sa akin simula noong una pa kaming nagkita at magpahanggang ngayon, hindi pa rin mawawala ang pangamba sa aking isipan na hindi talaga kami.

Na hanggang tingin lang ako sa malayo. Tulad ng talang maliwanag na kumikinang sa gabi. Nakakaakit at kapag itinaas mo ang iyong kamay, ang akala mo'y kaya na itong abutin. Ngunit hindi.

The space between these two things are far greater than you could ever imagine. Papangarapin mo na lang na maging isang talang maliwanag para tuluyan mo itong makapiling.

We stayed like that until the sun had finally ruled the heavenly skies.

May upuan at lamesa na tapat lang ng barindilya para matanaw pa rin ang bulubunduking tinatakpan ng hamog.

"Here." Inabot sa akin ni Earl ang dala naming sandwich.

Ngumuso ako para tapalan ang namumula kong pisngi.

Kahit palagi kaming magkasama, hindi pa rin napapawi ang pagiging mahiyain sa harap niya. Hindi naman ako ganito dati pero noong unti-unti nang namumuo ang nararamdaman ko para sa kaniya, naging ganito na lang ako.

Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa mga galawan niya.

Tulad na lamang ng ginagawa niya ngayon.

Dahil sa dami nang nilagay kong palaman sa tinapay, tumapon ito sa aking dibdib. Medyo expose ang pangitaas ko dahil sa suot kong spaghetti strap. Nagpatong lamang ako ng jacket ngunit hindi ko ito sinara.

Now, I'm in a messy situation. Kukunin ko na sana ang tissue sa harap ngunit agad itong pinunasan ni Earl.

"A-anong ginagawa m-mo?" I panicked in between words as I felt his hands wiped the stain.

Naramdaman ko na naman ang kakaibang namumuo sa aking tiyan.

"I'm just cleaning you up." He huskily said.

War of HeartsWhere stories live. Discover now