Kabanata 30

3.5K 60 4
                                    

Back

Na-upo kami ni na Karen at Des sa cafeteria at um-order ng kape. We plan to study while waiting for our turn. Andami kasing nag-e-enroll. Puro 1st year at iisa lang ang naka-deploy na secretary sa registrar office. Nasa pang 129 pa lang yung huling natawag nang umalis kami e pang 470 ako.

"I can't believe that we're medical interns." Karen said out of the blue. Humihigop lang s'ya sa kanyang mainit na kape nang sabihin niya 'yon. Des and I both nodded.

"Parang dati first year lang tayo ta's hirap na hirap agad sa Physio." Des chuckled.

Those were the days na sobra ang struggle ko. Kung noong high school, nakakatuwa ang biology lalo na kapag pinag-aaralan ang mga systems ng katawan. Noong Nursing days ko nga, hirap na hirap ako sa Anaphy pero noong tumungtong ako sa med school, pati microscopic anatomy ng bawat parte ng isang system ay inaaral.

Wala naman akong Eidetic memory para makabisa ang lahat ng parte lalo na iyong function (anatomy is the study of the structure. Physiology is the study of the function) ng pinakamaliit na parte ng katawan natin.

Kung mahirap nang pag-aralan ang mga cells at ang kanilang function, what more sa ibang parte ng katawan? The parts that's unknown to many.

Mahirap pero kinaya. Med school would really prove to you that intelligence is not the basis for a student to pass. With determination, passion, and discipline, you can survive and achieve your goal. That saying does not only apply to med students, it's universal.

"Naku-curious na talaga ako kung saan tayo mag-i-intern." Napanguso si Desiree pagtapos niyang sumimsim sa kanyang kape.

"Same." I said.

"Ako, ayoko nang isipin 'yan. Gusto ko nang maging ganap na doctor!"

"You're right!" Des chuckled.

"Nga pala, saang review center n'yo balak mag-enroll?" Karen asked.

I've actually thought about that before especially when the quintuplets decided where to review.

Nag-enroll kasi sila sa ADLRC. Halos lahat ng nagto-top ay nakapagreview doon. Though I don't know the accuracy of it but the school recommends it.

"ADLRC?" Sabi ko.

"Mahal do'n!" Reklamo ni Karen.

"Wala namang murang review center. At least doon, worth it ang bayad."

"Sabagay." She just shrugged.

We talked about all the review centers and their passing rate. Kumain na rin kami bago bumalik sa registrar. Muntik na nga kaming malagpasan. Mabuti na lang at number 467 ang tinawag nang makarating kami.

After enrollment, we bid our farewell.

Usually pag enrollment, makukuha na namin ang sched namin pero naalala ko na intern na pala ako, to be announced pa.

~

I was all alone in our apartment, reviewing. Umuwing probinsya si Thaia at Mason dahil kamatayan ng Papa niya. I understand.

There are times I would have small mental break downs in between my review, tulad nang nangyayari ngayon. Bigla na lang ako iiyak lalo na kapag hirap na hirap akong intindihin ang inaaral ko.

Kapag nagkakaroon ako ng mental breakdown, bigla na lang babalik ang mga nangyari sa akin. Minsan dinamdam ko pa rin ang pagkamatay ni Mama, ni Andeng, ang pagtulak ko kay Earl, but I would always find a way to be happy. Naaalala ko ang mga bagay na 'yon dahil naging parte iyon ng nakaraan ko. I don't want to dwell on such dreary place.

War of HeartsWhere stories live. Discover now