Kabanata 31

3.2K 79 21
                                    

Spotlight

"Hoy gaga gumising ka na!" Parang may giyera sa labas at sobrang lakas nang pagkatok sa pinto ko.

"Shut up, Aenna!" I hid my face with a pillow.

"May photoshoot pa sa kuwarto ni Cha! Alam mo, ikaw ang magpapalate sa kasal." I groaned and seated on the bed.

Today is Charlene's wedding. We're in Isabela, malayo sa kabihasnan.

"Hoy! Bilisan mo, Lala!" Padabog na naman ang pagkatok niya. Geez masisira ang pinto.

Pinagbuksan ko siya ng pinto para mapanatag na ang loob niya na gising na ako. Wala pa akong gana nang ayusin ko ang gamit ko. My gown is in Cha's room. Doon na rin ako maliligo. Wala namang pake si Cha kung makita niya akong nakahubad.

Nasubukan na rin naman naming maligo nang nakahubad noong kasama pa namin si Andeng. Nainggit pa sa akin ang mga gaga dahil ang laki raw ng boobs ko.

"Maligo ka muna!"

"Doon na ko maliligo." Tamad kong turo sa direksyon ng kuwarto ni Cha. Umiling si Ae.

"Saan si Cami?" I asked Ae as I closed my door. Nahulog pa ang susi nang kuwarto ko sa sobrang antok ko pa.

Ae sighed as she picked up the key I dropped.

"Nag-aayos na sila. Ikaw, sleeping beauty pa rin."

Naglakad na kami patungo sa kuwarto ni Cha. My feet felt cold and bare. Napatingin ako sa aking paa na walang suot na tsinelas. Naka-paa lang akong naglalakad sa hallway.

"Gising na ko." Pinanlakihan ko pa s'ya ng mata para ipakita na gising na ako.

"Nakainom ka ba? Hangover? Geez, ikaw ang unang pumasok sa kuwarto mo."

Nagtaas ako ng hintuturo para tigilan siya sa pagsasalita. "Nag-aral ako ng mga cases." I smiled at her.

Bagong ligo na si Ae. Shit. I need to move fast.

"Anong oras na?" Tanong ko nang buksan ang pinto ni Cha.

Inaayusan na si Cha ng make-up artist at hairstylists. Na-pressure ako kasi ako na lang ang hindi pa ayos na ayos. Si Ae magpapalagay pa lang ng make-up pero yung ibang bridesmaid naayusan na! Ako maliligo pa lang!

"The heck, Lala? Hindi ka pa rin ayos?"

Hindi ko na sinagot ang tanong ni Cha dahil pumasok agad ako ng banyo at nagsimulang maligo.

Mabilisang buhos at shampoo ang ginawa ko. Tss. Dito pala magagamit ang training ko sa pagmamadaling maligo dati.

Lumabas ako nang naka silk robe gaya ng sa mga bridesmaid. Ang iba ay hindi ko kilala dahil mga pinsan iyon ni Cha. Ang nakikilala ko lang sa grupo ay si Ae, Cami, at Bele.

"Cami!" I hugged Cha's friend. Antagal na kasi naming hindi nagkikita. It's been what? 4 years? Huling kita ko sa kanya ay noong inimbitahan ako ni Cha sa condo niya para makipaginuman.

"Hanggang ngayon late ka pa rin?" She chuckled.

I glared at her but it was quickly replaced by a smirk.

"Nagsalita ang palaging late." Pareho kaming nagtawanan.

"How's work?" I casually asked.

"Ayos lang naman. Hindi masyadong busy ang DGC dahil kakaunti lang ang projects." Tumango ako.

"Kamusta na nga pala si Engineer?" She asked referring to Ate Gladys.

"Ewan ko ba do'n. Tuwing weekend lang kami nagkakamustahan. Ang alam ko ay Spring na sa Australia kasi December ang summer."

War of HeartsWhere stories live. Discover now