Chapter 4

228 110 25
                                    

Chapter 4
Lacey

"Ano, Chairman? Nakita mo ba si Senyorito Kier sa Hacienda? Hindi ka na bumalik dito kahapon ah? Anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Shane habang tumutulong sa pag-aayos ng stage na hindi naman nagalaw kahapon dahil hinintay nila ang hudyat ko bago magsimula pero hindi naman ako dumiretso dito kahapon.

"Tapos na bang gawin ang mga bandiritas, Jake? How about the tarpaulin, Justin? Nasaan na?" Pagbabalewala ko sa tanong ni Shane at iniwan siya.

"Ayos na, Chairman. Tapos na." si Jake. "Ikakabit na ba namin?"

"Oo, patulong na lang kayo sa iba."

"Sus, Chairman. Kahit hindi mo sabihin, talagang may tutulong. Malakas ka sa mga kabataan dito eh." Biro ni Dan sa akin. "Tingnan mo!" Tinuro niya ang mga lalaking tulong-tulong na nagbubuhat ng mga lamesang gagamitin at ang iba naman ay nagkakabit ng barikada sa gilid ng covered court.

Nang makitang nakatingin ako sa kanila, tumigil sila at ngumiti habang kumakaway sa akin. "Chairman, ayos ba?!" Sigaw ng iba.

Napangiti ako at kinawayan din sila. This is ridiculous. I never thought that I will love this job. Malaki ang naitulong ni Tito Vince at Ninong Xander sa akin. Para naman makabawi ako, sinabi ko sa kanila na magttrabaho ako kahit walang sweldo. Noong una, ayaw nila, pero nagpumilit ako, so in the end, wala silang nagawa. They asked me if I want to be the SK Chairman of Sta. Monica with 3 Sitios. I didn't know what Sangguniang Kabataan means the first time I heard about it. But I tried. Kahit ano, gagawin ko para makatulong.

Hindi ko rin namang inaasahang ibiboto ako ng mga tao dito. They trusted me so much to the point that they are willing to do everything just to help me without expecting anything in return. Simula nang mapadpad ako dito, nawalan na ako ng tiwala sa mga tao kaya hindi ko deserve ang tiwala nila.

I'm a liar. I don't want to lie to them but it's for my safety. Kahit matagal nang panahon ang nakalipas, hindi pa rin ako sigurado kung ligtas na ba ako laban sa mga taong gustong pumatay saamin. Hindi ko rin gustong ilihim ang tunay kong pangalan at dahilan ng pagkakapadpad ko dito, dalawang tao lang ang nakakaalam. Si Tito Vince at Ninong Xander.

"Ano, Chairman? Kwento ka naman oh! Alam mo bang bagay na bagay kami ni Senyorito? Nakikita ko na ang future ko sa kanya." Nilingon ko si Shane na sumunod pala sa akin at hindi ako tatantanan kung hindi ko siya sasagutin.

"Yes, I saw him yesterday. Saka, Shane naman, huwag ka nang umasa doon. Balita ko, maraming babae iyon, Lacey, Trish at huwag ka ng dumagdag sa mga baba—"

"Well... I want to be one of his girls." She said confidently bago ako tinalikuran at pasayaw-sayaw pa habang papalayo.

"Let me help you, Haven." Presinta ni Max at akmang tutulong ng pinigilan ko siya.

"Ako na Max, salamat. Doon ka nalang sa kabila." Sabi ko at pumatong ng ilang hakbang sa hagdanan.

Sunod kong inayos ang mga tela para pandekorasyon sa mga poste ng stage. Kailangan na namin itong matapos within 3 days, malapit na ang Gabi ng buong baryo, magkakaroon ng mga patimpalak sa pagsayaw, pagkanta, mayroon din beauty pageant, at sa makalawa na rin ang basketball game.

"Mamaya na ang trabaho, guys! Maraming dalang miryenda si Senyorito Kier!"

I was about to take another step upward when I slipped. Dumulas ang isang paa ko, buti nalang nakakawak ako sa barandilya. That was close, huh? Makakahinga na sana ako ng maluwag nang natanggal ang ikinakabit kong tela at malapit pang mahulog. I extend my arms to catch the falling drapery nang sumabay ang hagdan at marahan itong gumalaw. Saktong pag-abot ko ng tela ay ang pagkawala ng balanse ng katawan ko.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now