Chapter 9

194 86 17
                                    

Chapter 9
Trauma

I can't sleep! Kanina pa ako paikot-ikot sa kama,nakailang lakad-tayo na rin ang nagawa ko pero hindi ko magawang makatulog. Tuwing ipinipikit ko naman ang mga mata ko, nakikita at naaalala ko lang ang nangyari kanina. Kier's image hunts me kahit sa pagtulog. Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang sinabi niya.

"Are you jealous?"

Hindi ako pinatulog sa pesteng tanong na 'yan. That's not even a big deal to me. I'm not jealous! Bakit naman ako magseselos? In fact, I'm not a jealous girl.

Alright. I do admit now. I never been jealous in my entire life... ngayon lang! I'm going crazy! I'd die first before he found out that I am jealous! Baka kapag sinabi ko sa kanya, lumaki ang ulo n'on. Mayabang pa naman din.

Saka pa lang ata ako dinalaw ng antok nang aminin ko 'yon sa sarili, 'yon nga lang, madaling araw na. I hate myself for still thinking about him. Ano ba ang meron sa lalaking 'yon?

"Anong pinag-usapan niyo ni Senyorito last week, Haven?" si Max habang nagd-distribute kami ng mga pagkain sa mga bata.

Isang linggo na ang nakalipas simula ng mag-usap kami ni Kier tungkol sa bagay na 'yon at hindi na naulit pa. Araw-araw din naman siyang tumutulong sa regular clean up drive namin, pinabibigyan niya lang ako ng pagkain pero hindi na niya ako kinakausap o tinitingnan manlang. Mas mabuti na 'yon at baka mag-away lang kami.

"Wala naman. It was about his project na malapit ng buksan." Sabi ko nalang para hindi na siya magtanong pa.

"That has nothing to do with you. Bakit ka niya tinatanong ng ganoon?" Medyo nahimigan ko ng galit ang boses ni Max. Binalewala ko iyon at nagpatuloy sa ginagawa.

Kids were lined up in front of us waiting for their foods. Kaming dalawa ni Max ang namimigay ng pagkain, sina Jason at Dan naman sa tubig, at sina Shane and Justin sa pamimigay ng school supplies.

"Nag-away kayo? Anong sabi niya sayo?" Akala ko tapos na siya sa pagtatanong. "Sorry, I'm just worried, Haven."

"Thanks for your concern, Max. But I'm okay. Hindi kami nag-away. Pinag-usapan lang namin ang project niya. He just asked my opinion then I answered him. 'Yon lang. Salamat." Nakangiting sabi ko.

He seems so unsatisfied with what I said but he just nod and smiled at me.

"Nakapag-enrol ka na ba?" Tanong ko.

Umaliwalas ang mukha niya. "Hindi pa. Gusto mo, sabay nalang tayo?"

"Sure. Next week?"

"Next week."

This will be the last day of our activities dahil dalawang linggo nalang, pasukan nanaman. Magpapa-enrol na rin pala kami for the second semester.

The day went smoothly. Kahit pagod, masaya naman.

"Ano guys. Jamming naman tayo! It's our time para makapag-enjoy naman! Doon sa Conde Mamita naman tayo, pwede naman sa Conde Victoria." Si Jason.

Nandito kami sa Barangay Hall, nagpapahinga at kumakain.

"Kailan ba? Doon nalang tayo sa Puro, malapit naman na buksan ang Casa Conde eh. Sulitin na natin ang pagkakataon habang hindi pa iyon nabubuksan para sa mga turista." Kit suggested.

"Sasama ka?" Tanong ni Max sa akin.

I was about to answer when Shane cut me off. "Ano, Chairman? Hindi ka nanaman sasama saamin? Sumama ka na oh! Ilang taon ka ng di naliligo sa dagat. Takot ka no?"

"Hindi siya marunong lumangoy, Shane." Pagtatama ni Jake.

Inirapan lang siya nito. "Pwede naman sa ibabaw lang siya, o kaya naman kahit hindi na siya maligo basta sumama. Ano, Chairman? Game?"

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now