Chapter 7

192 91 16
                                    

Chapter 7
Problem

"Let's...get...party!" Sigaw ng mga kasamahan ko sa Vogue. Kakatapos pa lang ng Fashion Show namin at naging successful.

Different agencies offered a big stints locally and internationally. And I know, this will be the start of my career most especially I was offered by Trend, one of the largest brands in Asia. Ang pangarap kong makapunta sa tuktok ay malapit ko nang mapuntahan.

"You are now the idol of the youths nowadays, girl! And now,you are about to explore more mature roles!! You're big time!" masayang sigaw ni Jenna, my personal make-up artist.

"And mind to tell you this, guys, baka next offer, cover girl ka na agad! Ay bongga!" Sabi naman ni Drenn sabay piltik pa ng daliri niya.

"Toast to our supermodel, Haven Alexis del Valle!"

"Cheers!" We're all screaming in the middle of the dancefloor because of our success. Kasama namin ang tatlo pang model na ngayon ay parang may mga sariling mundo na nakaupo na lang sa couch.

"Girl, palapit na si Tristan." Siniko ako ni Brenna, my co-model at tinuro si Tristan, one of the bachelors ng batch namin. He's walking with confidence, arrogance and charisma with his office suit papunta sa lamesa namin.

"Wanna dance with me? Supermodel?" nakangiti habang nilalahad ni Tristan ang kamay niya sa akin.

"Sige na girl! Shoo!" Para akong asong basta nalang tinaboy ng mga kasamahan ko. Nang makalayo na kami, nakangisi sila saamin. Mga sira talaga.

While were dancing on a mellow song,we talked about so many things. Like, he wants to invest on my agency, he's offering me sexy themed shoots under his mom's agency, pati na rin ang paga-adverstise ng mga produkto nila. I'm comfortable with him dahil matagal naman kaming magkakilala but I can't help it. I'm too stiff today. Hindi ko alam kung bakit.

"Let's call this a night, guys! Good night!" nagpaalam na ako sa kanila because I think I'm drunk. But I can still drive,malapit lang naman ang bahay namin dito. Tristan insisted to drive me home but I refused.

Mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan kaya mabilis din akong nakarating sa bahay, 'yon nga lang,madaling araw na. Buti nalang at gising pa si Kuya Lito, security guard ng bahay namin at nakapasok pa ako. Inakala niya pa nga na hindi ako uuwi at matutulog dito like what I used to do.

For almost one week na wala ako dito dahil sa sunod-sunod na fashion show and photoshoot, ngayon lang ulit ako nakauwi at ganitong oras pa. I can see how mom and dad will going to scold me tomorrow.

"How could you do this, Enrico?! Hindi ka ba nag-iisip? What are we going to do now? Paano kami? Si Haven? Our future son?" Lapasok palang ako sa sala, dinig ko ang sigaw ni Mommy. "Paano natin mababayaran 'yan lahat? Saan tayo titira? Paano kung balikan ka ng mga 'yon? What the hell!"

Dumiretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Nanlalabo na ang mga mata ko at pasuray-suray na rin ako maglakad. I'm drunk and dizzy. Hindi ko alam kung makakaabot pa ba ako sa kuwarto but I tried my best.

"Oh my goodness, Haven! Bakit ngayon ka lang!" Si mommy na nagh-hysterical na habang inaalalayan ako.

"Hi m-mom...hi d-dad..."

Hindi ko na nagawang maligo o magpalit manlang ng damit dahil bumagsak na ako sa kama. Hindi rin nakalagpas sa akin ang mga sermon ni mommy na hindi ko naman naintindihan dahil sa kalasingan at nakatulog na rin ako kaagad.

It was a peaceful night for me until I wake up in the next morning. I heard shouting downstairs, umabot dito sa kuwarto ko and I'll promise next time, palalagyan ko na ito ng soundproof. Last week pa ito, hanggang ngayon ba naman?

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now