Chapter 37

110 22 0
                                    

Chapter 37
Back

"Let's call this a night, everyone!" Sigaw ko at naglakad na palabas.

"Maaga pa, Haven. Mamaya na tayo umuwi." Nakaakbay si Marrah saakin habang papalabas kami ng bar.

Hinatid nila ako ni Loisa sa sasakyan dahil nagpumilit na akong umuwi. Medyo lasing na rin naman ako at gusto ko ng magpahinga.

"Dito na muna kayo, may flight pa ako bukas, guys. Hindi ako pwedeng ma-late." Sabi ko sa kanila.

"Hoy babae, kampanya ba talaga ng Tito mo ang uuwian mo sa Pilipinas o may iba pang dahilan? Ikaw ah! Magtapat ka nga!" Pamimilit ni Loisa.

"Maganda na ang buhay mo dito sa Hong Kong,Haven. You're the new face and body here. Sikat ka, professional model at ang ganda-ganda mo. Baka naman may pamilya na 'yong lalabs mo doon." Sabi naman ni Marrah at tumawatawa pa sa kalasingan.

"Lasing lang kayo. Mauuna na ako. Bye!" I kissed them both at pinaharurot na ang sasakyan papunta sa condong tinutuluyan ko.

Naligo ako pagdating. Namalayan ko nalang na natulala na pala ako sa dalawang malaking bag sa harap ko. Memories flashed on my mind again. But I know, I should stop. Walang mangyayari kung paulit-ulit kong babalikan ang kahapon at iyakan ulit.

In a span of three months, bumalik ako bilang professional supermodel ulit without the help of Ma'am Shallanie, hindi ko tinanggap ang inalok niyang tulong saakin.  I did everything sa sarili kong pagsisikap. Naungusan ko ang lahat ng mga sikat na modelo sa Pinas o maging dito sa Hong Kong. I'm always hitting the number one spots and highest ratings as "the chosen one" all over Asian countries.

Lahat ng gusto ko, nakuha ko na, lahat ng pangarap ko, natupad na. Pero alam kong may kulang pa rin, ayoko namang tanggapin pero,hindi pa rin ako masaya. Hindi ito ang buhay na gusto ko.

I'm leaving my passion. Hindi na ako tumanggap ng anumang projects at hindi na rin ako pumirma sa kahit anong kontrata galing sa malalaking kumpanya na kumukuha saakin. I'm giving up all of these.

Natutunan ko na may mas importante pa pala kaysa sa pera, sa kayamanan, sa katanyagan. Pero natatakot akong pangarapin ang isang bagay na hindi ko alam kung maabot ko, kung maaalagaan ko, at kung mapoprotektahan ko.

My phone beeped. It was from Shane.

Shane:
"Maid of honor kita, Haven. Hindi pwedeng wala ka dito. Kailan ba ang uwi mo?"

Hindi ako nag-reply. Aside sa kailangan ako ni Tito Vince para sa kampanya niya bilang Mayor ng La Tierra de Conde, a-attend din ako ng kasal ni Shane at Max sa susunod na linggo. Ang akala nila, sa mismong kasal na nila ako uuwi, pero hindi ko na kayang magtagal pa dito lalo na at gustong-gusto ko na silang makita.

My phone beeped again and it was from my manager.

Mr. Monroe:
"I already emailed to you your flight details. May maghihintay na rin sayo sa terminal para sa sasakyan mo. Mag-iingat ka. It was nice on working with you, Haven. I'll miss you. Call me when you need anything,okay?"

Nagmadali na ako patungong airport para sa flight ko. Maraming titingin-tingin saakin at nagbubulungan pa. Hindi naman nila ako makikilala dahil naka-sunglasses ako at naka-itim na jacket na may hood.

Pagkababa ko ng eroplano,may sumalubong agad saakin. Binigay niya saakin ang susi ng BMW'ng sasakyan at umalis na. Hindi na ako nag-book pa ng hotel dahil wala naman akong balak na mag-stay pa dito sa Manila ng matagal.

Bumisita ako sa sementeryo kung saan nakalibing ang labi ng parents ko. Nilapag ko ang dalang bulaklak sa dalawang puntod. Ang mga Arteaga ang gumawa ng paraan para magkaroon ng maayos na libing ang mga magulang ko.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now