Chapter 44

132 21 4
                                    

Chapter 44
Kneeled

"Congratulations, Mayor Vincent Aguirre!" That's what I saw in front of Municipal Hall. Nakasulat sa malaking tarpaulin. Nagdiriwang ngayon ang buong residente ng La Tierra de Conde dahil sa pagkapanalo ni Tito Vince.

Maraming tao sa Munisipyo maging sa bahay nila.

"Congratulations, Mayor Vince!"

"Congratulations, Mayor!"

Mas lalong umingay ang mga tao dahil sa pagdating ni Tito. He's with his men, and Archie and I on his both sides heading towards the living room. Lumapit naman si Sir Ian Ignacio para batiin si Tito sa pagkapanalo nito.

"Congrats,pare!" Si sir Ian at nagkamayan pa silang dalawa.

Nagsimula ng ihain ang mga pagkain sa mahabang lamesa sa likod ng bahay. Gutom na ako at kumakalam na ang aking sikmura.

"Shit!" Bigla kong iniwas sa harapan ko ang adobong nakahain. Bagong luto ba ito? Bakit ang baho ng amoy?

"Oh, hija? Kumain ka lang ng kumain,marami pa doon sa loob." Tinapik ni Tito ang balikat ko. Medyo nairita ako sa ginawa niya pero binalewala ko nalang. I just nodded and smiled at him.

Bumalik na siya sa loob dahil nandoon ang kanyang mga bisita. Lumapit naman si Archie sa akin at inaya ako na sumalo sa lamesa nila.

Si Tito, si Ninong Xander, nandito din si Don Manuel at ang iba pang konseho. Nag-uusap-usap sila. May pagkakataon na sinasali nila ako sa usapan, nakikitawa nalang ako.

"Ate, bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" Puna ni Archie.

Nginitian ko nalang siya. I swallowed hard. I can't. Masangsang ang amoy ng mga pagkain. Shit! What is happening to me? Nag-excuse muna ako sa kanila at naglakad papunta sa kusina.

"Ate, may juice po ba tayo?" I asked one of the cooks.

"Anong flavor, Chairman? May orange, strawberry, pineappl—"

"Mango, ate." Sabi ko. Mabilis naman siyang nagtimpla sa pitsel at binigay sa akin. I sit on a high chair at hindi na bumalik pa sa dining area. Hihingi pa sana ako ng hilaw na mangga kung meron, pero abala sila sa pagluluto kaya ako nalang ang naghanap.

"What are you doing, ate? Kumakain ka niyan, eh hindi ka pa nanananghalian." Sumulpot bigla si Archie at muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko.

Lumapit siya sa akin at kumuha ng baso. Nagsalin siya ng juice na tinimpla pero wala ng lumabas pa sa pitsel. "Oh? Naubos mo?" takang tanong niya.

I just shrugged my shoulder. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng mangga. She looked at me, curiously. Hindi makapaniwala sa inasta ko. "What?" Mataray na tanong ko sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.

"You're weird." She murmured. Napalingon kaming dalawa sa may pinto at iniluwa no'n si Don Manuel. Mataman siyang tumingin sa akin.

Agad akong bumaba at nahihiyang yumuko. "Good morning po, Don Manuel." Bati ni Archie. Hindi ako gumalaw o nagsalita. "Excuse me...ate, sunod ka nalang." Bulong niya sa akin.

"Hi, Miss." Si Don Manuel na naglakad papalapit sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nakitang titig na titig siya sa manggang nasa plato.

"You should eat your lunch first, apo." He suggested. I don't know how to react. Lalo na sa narinig kong tawag niya sa akin.

"Ah, opo Don. Mamaya po." Sabi ko.

"I want you to call me 'Lolo' starting today. You're part of my family now especially..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin at halatang may pumipigil sa kanya. "Anyway, sa apartment mo pala umuuwi si Kier?" He asked.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now