Chapter 24

144 52 8
                                    

Chapter 24
Fight

Tumakbo na ako palabas ng office. Sinubukan pa akong habulin ni Tito pero pinigilan na siya ni Ninong. May nabangga pa ako dahil sa kamamadaling makaalis pero hindi ko na nagawang tumigil at humingi ng paumanhin.

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha na akala ko naiyak ko na lahat, na akala ko, ubos na, hindi pa rin pala.

"S-sorry..." May nabangga pa ako pero dumiretso lang ako sa pagtakbo nang may humigit ng braso ko at ikinulong ako sa bisig niya para mayakap. Mas lalo akong umiyak at niyakap siya pabalik.

"What happened, Haven?" Pag-aalala ni Sandro saakin at hinila ako papasok sa kotse niya. "Anong problema? Sinong nagpaiyak sa'yo?" Ngayon ko lang nakita ang galit sa mukha niya, ngayon ko lang din siya nakitang sumeryoso. Akala ko iinisin o kukulitin niya ako pero hindi.

I remained silent hanggang sa makarating na kami sa apartment ko. Hinayaan niya akong bumaba sa sasakyan niya at hindi na nagtanong pa. I tried to sleep but I can't. Umiyak ako ng umiyak at pinangako sa sarili na ito na ang huli at hindi na ito mauulit pang muli. I won't cry anymore. I'll try to fix myself. How do I keep breaking over and over again if I never get fixed in the first place, right?

Bumalik si Sandro na may dalang dalawang box ng pizza at dalawang plastic na may lamang iba't-ibang pagkain. Nakatingin lang ako sa kanya at pinagmamasdan ang ginagawa niyang pag-aalaga saakin.

"Kumain ka na, Loves. Ayokong nagugutom ka eh." Sabi niya. I know he's just making me feel good.

"Loves mong mukha mo." Biro ko din sa kanya. Tumawa siya sa di malamang dahilan.

"Anong nakakatawa? Tinatawanan mo ba ako?" umiling-iling lang ako.

Nang matapos na kaming kumain,siya na rin ang nag-presinta na maghugas dahil ayaw niya akong mapagod. Mas mabuti na 'yon, tinatamad ako eh.

"Pwede mong i-share ang problema mo saakin, Haven." Seryosong sabi niya at umupo pa sa harap ko. Tinataas-taas pa ang kilay. "Kung tungkol 'yan sa love, naku, Haven. I'm telling you, hindi maganda 'yan. Falling in love is like a rain. It's unpredictable."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Are you some sort of love expert?" Then I chuckled a bit.

"I'm a great lover, I'll bet." Mayabang na sabi niya at pinisil pa ang ilong ko.

"Great lover ka diyan. Ang dami-dami mo kayang babae!" Bulong ko. Lumapit siya saakin at bumulong.

"My heart is stolen...can I check your bra?"

"Letse ka, Sandro! Letse ka talaga!" Pinagkukurot at pinagsusuntok ko siya at siya naman todo-ilag.

"Tama na! Oo na,loves! Pa-kiss nga!" Nilalapit niya ang mukha niya saakin at ngumuso pa.

"So glad to know that you’re having fun, especially without me." Sabay kaming napalingon ni Sandro sa nagsalita. It was Kier with his dark aura. Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Sandro na nakayakap saakin kaya lumayo ako.

"Senyorito! Good evening!" Bati ni Sandro. Masamang tingin lamang ang binigay sa kanya ni Kier. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Kier na parang handa ng suntukin si Sandro kaya pumagitna ako sa kanila.

Hinila ko na siya sa labas at sapilitang pinasok sa sasakyan. "Sandro, sige na. Mag-uusap pa kami ni Senyorito para sa project niya eh. Salamat sa pagdalaw. Ingat ka sa pagmamaneho."

Babalik na sana ako sa loob pero paglingon ko, nasa likod ko na si Kier na masama ang tingin sa papalayong sasakyan pabalik saakin. "Kakauwi ko lang, ganito na agad ang madadatnan ko?"

Dumiretso na ako sa loob at sumunod naman siya saakin. "Kausapin mo ako, Haven. Hindi kita matawagan, hindi ka na rin nagre-reply sa mga texts ko. Nag-alala ako kaya umuwi ako dito...Haven! Ano bang problema mo?" Marahas niyang hinila ang braso ko.

"Bakit? Sino ba nagsabi sayo na umuwi ka?"

Nalaglag ang panga niya sa narinig. Nakita kong binasa niya ang kanyang mapupulang labi. Hindi ko matanggal ang tingin ko doon dahil para akong nahipnotismo sa ginawa niya kaya kinurot ko ang balat ko para makawala.

"What?! Ano bang sinasabi mo? Mag-usap nga tayo! Ano ba ang problema?" Iritadong sabi niya.

"Gusto mong malaman kung ano ang problema, Kier?" Lumayo ako sa kanya. "Sige. Pag-usapan natin ngayon. Para hindi na mabukasan at para hindi na kita makita pa." Kumunot na naman ang noo niya. "Will you explain this? Ginagawa mo akong tanga Kier!" Binato ko sa kanya ang magazine kung saan magkasama sila ni Grizzy.

Nagtangka siyang lumapit saakin pero pinigilan ko siya. Huwag na huwag kang lalapit saakin Kier, baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo.

"She's a family friend, Haven. Hindi kita niloloko. Baby please..." Family friend your face! And what? Hindi mo ako niloloko? Paano mo ipapaliwanag ang nangyari sa pamilya ko?

"It's okay, Kier. Wala akong pakialam kung may relasyon kayo o wala! Hindi ko naman na kailangan ng eksplanasyon mo diyan!"

"It isn't okay, Haven! Ano bang sinasabi mo? Can we please talk na hindi tayo nagsisigawan?"

"Hindi na Kier. Saka, hindi lang naman ikaw ang nagsinungaling eh. Ako din naman." Umiwas ako ng tingin. Hindi ko masasabi sa kanya lahat kapag tumingin ako sa kanya. Ayoko ng palampasin ito.

"What do you mean,Haven?I'm not lying,ano bang sinasabi mo?!" Lumapit ulit siya saakin at pilit akong niyakap.

His phone rang but he immediately canceled the call. Humarap siya saakin at magsasalita pa sana ng tumunog ulit. Bakit hindi niya sagutin?si Grizzy ba 'yon? Dahil sa hindi matigil-tigil ang pagtunog,nagulat ako ng ibinato niya iyon kaya nagkanda-basag-basag.

"Fuck!" He cursed.

"Kilala mo ako di ba? Bakit mo ako hinanap? Para maningil ng utang ng mga magulang ko? Bakit, hindi pa ba sapat na namatay sila? Papatayin niyo din ak—"

"Of course not! What the fuck are you saying?! Hindi ko alam na nandito ka!" Pilit niyang hinahawakan ang siko ko pero lumayo ako sa kanya.

Liar Kier! You're such a fucking liar!

"Do you want to hear a sweetest lie, Kier?" Tinatagan ko ang boses ko at pilit na tinatanggal ang yakap niya saakin. "Once upon a time, I was crazy falling in love with you...oh scratch that. I never fall in love with you. I never did. And I will never be." Sa wakas at nasabi ko na rin ng hindi ako nautal. Matagal kong pinag-isipan ito at hindi ko na babawiin pa.

"Don't say that, Haven...please...don't do this to me. She's just a friend, Haven. Walang namamagitan saaming dalawa...please..." Pagmamakaawa niya at lumuhod pa sa harapan ko habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Tama na Kier. Pareho lang naman tayong naglolokohan dito, at kapag hindi pa natin itinigil ito, pareho lang tayong masasaktan."

"No Haven. You're lying! Mahal mo ako! Mahal mo ako di ba? Tell me, Haven!...please baby."

"Sorry, Kier. But I didn't love you. Hindi mo rin naman ako minahal di ba? Kaya hindi tayo masasaktan."

"You made love to me, Haven! Anong ibig sabihin no'n? Binigay mo saakin ang sarili mo!"

"That was just a sex, Kier! Make love and sex are two different things." What the fuck Haven!!

Bigla siyang tumayo at nagulat ako dahil tinapon niya ang mga dala niyang pasalubong saakin, pati ang mga pinapatuyong plato at baso sa lamesa, pinagbabasag niya. "'Yon naman talaga ang gusto mo di ba? Binigay ko lang naman sayo. While were doing sex, nandidiri ako. Nakakadiri ka Kier—"

"What the fuck did you just say?!" Dumagundong ang boses niya sa loob ng apartment ko. Mariin niyang hinawakan ako sa balikat at niyugyog pa. "Sabihin mong hindi totoo lahat 'yan! Sabihin mo, Haven! Please!"

I removed the ring on my finger and put it on his palm. Pero hindi niya tinanggap iyon, kaya nahulog sa sahig.

"Umalis ka na,Kier." Tinulak ko siya palapit sa pintuan. At dahil sa nanghihina na siya dahil sa mga naririnig saakin, nailabas ko siya sa apartment ko. "Umalis ka na!"

Bago ko isarado ang pinto, nakita ko ang paglandas ng luha sa pisngi niya. He's crying? Tsk!hindi niya ako madadala sa pag-iyak-iyak niya, at alam ko naman na parte 'yon ng pagpapampanggap at pagsisinungaling niya.

You think that you have damaged me, Kier? No, you just made me much more stronger.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now