Chapter 6

196 97 18
                                    

Chapter 6
Hurt

Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Tumayo ako pero dahil sa sakit ng ulo,bumalik ako sa higaan. My head hurts as I remembered what did I do last night.

"Thank you and enjoy the party!" Si Ninong Xander na ngayon ay pinapalakpakan ng mga tao dahil naging successful ang pista namin.

Bumaba na siya sa stage at bumalik sa mahabang lamesa na para saamin. Si Ninong, si Tito Vince at ang dalawa pang Kapitan, si Don Manuel at ang dalawa pang Don, mga kapatid niya, si Sandro at ang iba pang mahahalagang panauhin.

Hindi ko makita si Kier na dapat nandito siya katabi ng Lolo niya pero wala. Syempre, nandoon at kasama ng maarte niyang girlfriend na akala mo naman kagandahan. Kung hindi ko lang napigilan ang bibig ko, baka nasabi ko na sa kanya na dati akong professional model at walang-wala ang mga gamit niya sa mga gamit ko noon. Baka naisaksak ko pa sa bunganga niya ang mga 'yon. Hindi naman talaga ako palaaway na babae,ayoko kasing naaagrabyado ako.

"Oh apo! Buti naman nakarating ka!" Dumako ang tingin ko sa bagong dumating. Kier with his usual black coat and white shirt na hapit-hapit sa katawan niya. Why the hell he looked good everytime he wears black? Bakit ang gwapo niya kahit nakakairita siya!

Naabutan niya ang tingin ko kaya nag-iwas nalang ako lalo na nakita niyang titig na titig ako sa katawan niya. Mas lalo lang akong naiirita dahil sa mapang-asar niyang ngiti.

"Of course, Lo." Bakas ang tuwa sa boses niya. Anong nakakatawa?

Naaalibadbaran ako lalo na nang tumabi na siya sa akin na dapat upuan ni Sandro. Nasaan na ba kasi ang lalaking 'yon?

"Saan ka ba galing? Nakaalis na ba si Trish? Hinatid mo?" Umirap ako sa kawalan dahil narinig ko nanaman ang pangalan ng babaeng 'yon.

An unknown feelings crept in me remembering how stupid I was on that day. Dahil sa pagmamadali kong makaalis sa Hacienda, kung minamalas ka nga naman, hindi ko pa nakuha ang mga dokumetong pinapirmahan ko kay Don Manuel. Nalaman ko nalang na si Kier na ang nagdala mismo kay Ninong Xander n'on sa Munisipyo at wala rin naman akong balak na bumalik pa doon.

Saka ano daw? Umalis na si Trish?buti naman sa kanya. Bakit nandito pa ang boyfriend? Hinatid na, hindi pa sumama?

Naramdaman ko ang kamay ni Kier sa likod ng upuan ko, kaya lumayo ako ng kaonti.

"Kumain ka na?" Narinig kong tanong niya. Hindi ako gumalaw dahil baka hindi naman ako ang kinakausap niya.

"Hi Senyorito!" May dumaang tatlong babae sa harapan namin at malanding binati si Kier.

"Hi." Sambit naman ng katabi ko saka humagikhik pa ang tatlo.

"I'm Hannah." The girl with a short hair wearing a pink mini skirt introduce herself. Sumunod naman ang dalawa niyang kasama na nagpakilalang Yassy and Colleen na hula ko, taga-kabilang Baryo at nakidayo lang dito.

"Have you eaten?" Tanong ni Kier. Bakit niya pa tinatanong? Pwede naman silang kumuha ng pagkain doon ah?

Lumingon ako sa kanya para sana pagsabihan pero nagulat ako ng makitang nakatitig siya sa akin. So, ako pala ang kinakausap niya?

Tumaas ang kilay niya na para bang hinihintay ang sagot ko. Hindi ako nagsalita dahil umupo na ang tatlo sa harap niya na hindi ko naman namalayan na nakakuha na pala sila ng upuan.

"Actually, pumunta kami dito dahil in-invite kami ng kaibigan namin." Oh really? Baka naman pumunta kayo dito dahil nabalitaan niyo na nandito si Kier?

"Happy fiesta pala, Senyorito. Malapit na rin ang pista saamin sa Sta. Ines, and I hope you'll come especially, invited din si Don Manuel."

Kung ano-ano pa ang mga pinagsasabi ng tatlo at tipid lang ang mga sagot ni Kier sa kanila, hindi ko naman naiwasang marinig, pero ang atensyon ko ay nasa gitna ng covered court. May iilang sumasayaw dahil ang iba,kumakain pa.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now