Chapter 42

116 20 0
                                    

Chapter 42
Annoyed

This will be my first day of courting Kier at kinakabahan ako. Kanina pa ako nasa loob ng sasakyan ko hindi kalayuan sa Hacienda. Hindi ko alam kung paano manligaw dahil hindi naman talaga ako nanliligaw. Sa buong buhay ko,ngayon ko lang ito gagawin. Sa katunayan nga,pwede naman na hindi na ako manligaw at sagutin nalang ang isa sa mga manliligaw ko kung gugustuhin ko eh. But I'm in love with Kier and I'll be lost if ever na mangyari ang kinatatakutan ko. 'Yon ay ang magmahal siya ng iba.

I took a deep sigh at pinaandar ulit ang sasakyan.

"Ma'am!pasok po kayo." Binaba ko lang ang bintana ng sasakyan ko habang binubuksan ni Kuyang Guard ang malaking pinto. "Iparada niyo nalang po ma'am doon sa gilid. May space pa naman po doon." Nakangiting sabi pa niya.

"Thanks Kuya!"

Pagkaparada ko ng sasakyan,bumaba agad ako bitbit ang niluto kong adobo bago pumunta dito. I'm planning to have lunch here, 'yon ay kung aayain ako ng isa sa pamilya ni Kier. Or better yet, si Kier mismo.

Hinatid ako ni Nanay Linda sa dining area. Nakita kong nagsisimula pa lang silang kumain.

"Hija!"

"Hi Tita!" Bati ko kay Tita Shallanie na kakababa pa lang ng hagdan. Sinalubong niya ako at nakipag-beso pa sa akin.

"Pasok! Tamang-tama ang dating mo. We're having lunch."

"Hi Tito! Don Manuel." Bati ko sa kanila nang makalapit na. "Crassini...Tiller!"

"Upo ka ate Haven! Dito ka na mananghalian." Si Crassini.

"Ano 'yang dala mo, Haven?" Si Tiller.

Sumulyap muna ako kay Kier katabi si Eva na nasa harap ko. He's looking at me intently straight into my eyes while brows were furrowed.

"Adobo. Niluto ko." Sagot ko sa kanya. Kinuha iyon ni Tita Shallanie sa kamay ko at inihain na sa lamesa.

"Mukhang masarap ah?" Puri niya.

"Marunong ka pa lang magluto,hija. Pwede ka ng mag-asawa." Biro ni Don Manuel at tumawa pa.

"Ano, Tiller? Asawahin mo na 'yang si Haven." Si Tito Gringo naman.

"Bakit hindi, Pa? 'Yon ay kung gusto ni Haven?" Dagdag naman ni Tiller. Hindi ko alam kung binibiro lang nila ako o ano? I'm not comfortable lalo na at nandito si Kier, nakikinig.

"Let me taste it, Haven." Umambang kukuha si Tiller ng adobong niluto ko nang hawiin ni Kier ang kamay ng kapatid at nilayo sa kanya iyon at isinarado ulit.

"This is for me, Tiller." Iritadong sabi ni Kier.

"Anong para sayo? Kuya, dala 'yan ni Haven. Don't be so selfish." Sagot naman ni Tiller. Nagkatitigan sila.

"Manliligaw ko 'yan. Maghanap ka ng sayo." walang emosyon na sabi ni Kier at nagpatuloy na sa pagkain.

"What? Are you crazy? Si Haven, manliligaw mo?"

"Why don't you ask her?"

Sa akin na ngayon ang atensyon nila. Hindi makapagsalita at pabalik-balik ang tingin nila saaming dalawa ni Kier. Bwisit ka Kier!

"Is that true, hija? I know he's just bluffing."

"Maniniwala pa ako kung siya ang nanliligaw sayo."

"Totoo ba, Ate?"

Tumingin si Kier sa akin. Naghahamon.

"Y-yes, po." Napasinghap sila sa sinabi ko. "N-nililigawan ko po si Kier."

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now