Chapter 32

116 34 0
                                    

Chapter 32
Dinner

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko galing sa bintana ng kwarto. Ayaw ko sanang makita si Kier ngayong umaga pero wala akong magagawa. Magkikita at magkikita pa rin kami. Tumayo na ako at lumabas.

Nakita ko si Kier sa pintuan na may kausap. Hindi ko naman makita kung sino dahil natatakpan niya,kaya sinilip ko nalang. A girl wearing a short shorts and a sleeveless shirt talking to him. Nagli-lipbite pa siya habang nakatitig sa katawan ni Kier na walang pang-itaas.

Umagang-umaga, naglalandi? Hindi manlang ako napansin?

Sinadya kong sipain ng mahina ang trashcan sa gilid pero letse! Hindi manlang niya narinig dahil busy siya sa pakikipaglandian!

Pumasok ako sa banyo at naghilamos. Ilang minuto pa ako doon ng maisipan na lumabas na, siguro naman wala na ang babae noh?

"Thank you, sweetie." Saktong paglabas ko ay nagpaalam na rin si Kier at sinara na ang pinto.

Sweetie? Ke-bago-bago niya dito, may girlfriend na siya agad? Lupit naman talaga ng Arteaga'ng to.

"Let's eat." Malamig na sambit ni Kier at hindi manlang ako tiningnan. Teka nga lang, kanina ang sweet-sweet niya doon sa sweetie niya, tapos ngayon, ni hindi manlang ako i-greet ng 'goodmorning'. Not that I want a conversation with him this early. Nakakainis lang.

"Ano 'yan?" Puna ko sa dala niyang baunan.

"Galing sa kapitbahay." Sagot niya. Mainit na pansit ang laman ng bitbit niya na galing kuno sa kapitbahay. Oh really? Bakit siya magbibigay ng pagkain dito?

I rolled my eyes at nakita niya ang ginawa ko.

"Kumakain ka ba niyan? Mukhang hindi naman masarap." Sabi ko at nagsimula ng kumain. Hotdog,bacon and egg ang niluto niya para sa agahan namin. Anak mayaman talaga, nagtitipid nga ako eh! Saka, buti naman nagluto siya, dahil hindi ko kakainin ang binigay sa kanya no'ng babae.

"Mukhang masarap naman. Wanna try?"

"Huwag nalang." Iritadong sabi ko at bumulong sa sarili. "Ibinigay 'yan para sayo, hindi para saakin." Napatingin ako sa katawan niya. "Bakit hindi mo nalang pinapasok 'yong sweetie na 'yon para nagsabay na sana kayo mag-almusal?"

Nakita kong umangat ang gilid ng kanyang labi. "Sweetie? Who's sweetie?"

Deny pa. "Nevermind." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

"If you're talking about the girl a while ago, her name is Letty,not sweetie."

Hindi ako nakapagsalita. What the fuck! Pero, hindi pa naman malabo ang pandinig ko ah? "But you called her, sweetie. Right?" Tanong ko nang hindi parin umaangat ng tingin sa kanya.

"No and why would I?" Hindi ko na napigilan at tumingin na ako sa kanya. Saksakan talaga siya ng kasinungalingan.

"Because you like her. Tama ba?"

Nagulat siya and his lips pursed a bit. "Why are you asking?"

"Why don't you just answer?"

"No, Haven. I don't like her." Sagot niya. "Nakikipagkaibigan lang."

"Nakikipagkaibigan o nakikipaglandian?"

"We agreed to be just friends, Haven."

"Pero titig na titig sa katawan mo?"

"I didn't have time to wear shirt dahil kumatok aga—"

"You didn't have time or you did it on purpose?"

"Bakit ikaw? You like Tiller, right?" He sounded teasing. Bakit saakin napunta ang usapan?

"Why are you asking?"

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now