Chapter 31

107 31 0
                                    

Chapter 31
Brother

What is he doing here? Bakit sa dinami-rami ng pwedeng makita, bakit siya pa? Ang balita ko nasa Canada siya, nag-aaral at kumukuha ng degree. Pero matagal na 'yon, hindi ko pa siya nakikita simula no'ng bumalik ako tapos ngayon, sa hindi inaasahang sitwasyon at lugar ko pa siya makikita?

Kailan siya bumalik? Bumalik ba siya dito dahil nabalitaan niya na nadito ako at buhay na buhay? Para magkakasama sila ng pamilya niya at full force pa para pahirapan at pabagsakin ulit ako kahit bagsak na bagsak na ako? O baka naman hindi pa sila kuntento sa nangyari sa pamilya ko at gusto nila na mawala na talaga ako dito sa mundo?

No'ng una, si Grizzy. Hindi ako natanggap sa Runway at alam kong may kinalaman siya doon, ngayon naman si Tiller?

Teka, may kinalaman ba sila sa lahat? Ang tagal-tagal ko ng nago-auditon pero walang tumatanggap saakin!

Napatingin ako sa salamin at nakita ang repleksyon ng isang lalaki doon. Nagulat ako at biglaang napatayo. I didn't expect that he's going to showed up in front of me this close!

He smiled at me but I didn't smiled back. Is he mocking me or what?

"It's true. You're here." Nahimigan ko ang gulat at tuwa sa boses niya na para bang hindi makapaniwala sa nakikita.

"Yes. Then?" I hissed. Tumayo ako ng matuwid at matapang siyang hinarap.

"Look Miss. Hindi ko alam at wala akong alam sa nangyayari sa pagitan ng pamilya mo at pamilya ko noon." Sabi niya at lumapit saakin. Umatras naman ako that's why he stopped. "I want to explain my side, Miss. Can I? I won't hurt you at wala akong balak na gano'n. Please?"

I remained silent. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako sa kanya. But then, he looked serious and concern as well hindi katulad ng kapatid niya na saksakan ng kayabangan at kasinungalingan.

"I didn't know about the plans of our parents for our marriage for convenience. Nag-aaral ako sa ibang bansa para pag-aralan ang pamamalakad ng kumpanya and believe me, hindi ko alam na may planong ganoon si dad saakin, nalaman ko nalang nang..." Nakikinig lang ako sa kanya. Hindi na niya dinugtungan dahil alam niyang alam ko na 'yon.

"Honestly speaking, I'm not into business, I want to study medicine, pero hindi 'yon ang gusto ng parents ko. Napilitan lang ako dahil inayawan ni Kuya ang promotion bilang CEO and President of ArteaCorp many years ago, kaya walang pwedeng gumawa no'n kundi ako." Naibigay ko ang buo kong atensyon sa kanya ngayon.

Si Kier? Inayawan ang promotion? Bakit at sa anong dahilan?

"I'm glad that you're alive. Kakarating ko lang at dumiretso na ako dito. I'm the director of this company at hindi ko alam na nandito ka. Nakita na kita noon isang beses,sa isang social gatherings ng mga business elites. Hindi sana kita makikilala kanina hindi lang dahil sa ibang-iba ang ayos mo, dahil na rin no'ng nagpakilala ka."

"I'm sorry about what happened. It was all my family's fault. Nagpabaya kami. Pasensya na."

Ibang-iba siya sa kapatid niya. This man in front of me screaming of kindness na hindi ko nakita o napansin kay Kier. Kier is dangerous sa kahit anong aspeto but Tiller is his opposite. Wala siyang alam sa mga ginawa ng pamilya niya at biktima din siya dahil pinaglihiman siya ng mga ito.

Wala akong masabi. Hindi gumagana ang utak ko.

"Anyway, gusto kong makabawi."

"W-what?"

"You're a professional model way back, and I want to help you. I can offer you big stints. Are you still up for the Trend? Hindi natuloy ang career mo dahil sa nangyari. Gusto mo pa bang ituloy?"

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now