Chapter 30

126 42 0
                                    

Chapter 30
Tiller

Hapon na nang magising ako. Masakit pa rin ang puson at mga hita ko. Tumayo na ako dahil kailangan ko ng magpalit at maligo narin. I was about to get a napkin when I suddenly realized that I don't have any stock of it anymore.

Pinulupot ko sa bewang ang tuwalya at lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Kier sa sala na wala na namang damit. Maraming papel ang nakakalat sa lamesa, may laptop din sa harap niya. Kanina ko pa siya nakitang nagttrabaho and he's still there. Hindi ba siya napapagod?

"Saan ka pupunta?" He asked when he noticed I'm going out.

"May bibilhin lang diyan sa tindahan." Sagot ko. Bakit ba siya nagtatanong?

"Ng ganyan ang suot?" Inis akong lumingon sa kanya na ngayon ay nakatayo at may bahid ng galit ang mukha. Sinuyod niya ako mula ulo hanggang paa. "What are you going to buy? Ako na ang bibili." Agad siyang nagsuot ng damit at lumapit saakin.

My face heated thinking that Kier is going to buy a sanitary napkin for me? Napangiti ako sa naisip. If you insist, Senyorito Kier Arteaga.

"Ano ang bibilhin mo, Haven?"

"Sigurado ka ba? Ikaw ang bibili?" Pagpipigil ko ng tawa.

"Mukha ba akong nagbibiro? I won't let you go out like that." Seryosong sabi niya.

Nilahad ko sa kanya ang isang daan. "Sisters with wings." Diretsong sabi ko naman na ikinakunot ng noo niya.

"What's that?"

"Napkin, Kier."

His jaw dropped pero nakabawi rin naman agad.

Umamba akong bubuksan ang pinto pero naunahan niya na ako. "Stay here, Haven."

"Sabihin mo lang, napkin, sisters with wings." Binigay ko ulit sa kanya ang pera pero hindi niya kinuha at lumabas na.

Doon ko na pinakawalan ang kanina ko pa pinipigilang tawa. Ano nalang kaya ang sasabihin at magiging reaksyon ng tindera. Baka pagtawanan din siya. Mapilit siya eh.

Naglakad ako palapit sa inuupuan niya kanina. Bumungad saakin ang screen ng laptop niya na may nakasulat na 'ArteaCorp'. He's still working on their company and running the resort as well. Buti nakakaya niya pa. Dumako din ang mga mata ko sa cellphone niya na nasa gilid.

Na-temp ako na buksan iyon. Naka-default ang wallpaper. Pumunta ako sa message at binuksan 'yon. Maraming unknown numbers na hindi pa nabubuksan. Pero ang kumuha ng atensyon ko ay ang pangalan na 'Griz' so I open it.

Griz:
"Kier,hindi ka daw umuwi sabi ni Tita."

Griz:
"You're not in your condo. Wala ka rin sa resort. Nasaan ka ba?"

Griz:
"May board meeting ang ArteaCorp bukas, they need you to be there."

Griz:
"I'm worried, Kier. Please reply."

Kier:
"I'm okay, Griz. Susubukan kong pumunta. Don't worry about me."

Napataas ako ng kilay. How sweet.

Sinubukan ko rin na buksan ang isa pang text na galing sa babae.

Crassini:
"Where are you? We're worried in hell!"

Crassini:
"Please, go home."

Kier:
"I wanna ask you something. I'll call, okay?"

Crassini:
"She's getting mad and irritated and concern as well? That's what you call 'moodswings' kuya."

Kier:
"Mood swings?"

Crassini:
"She's on her menstruation, Kuya. Huwag mong gagalitin at iinisin. Teka, sino ba 'yan? Si ate Grizzy?"

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now