Chapter 34

118 27 0
                                    

Chapter 34
Pag-aari

Pumikit ako. Inalala ang mga pinag-usapan namin ng kapatid niya kahapon. Nagulat ako dahil pagbukas ko ng pinto, tumambad saakin ang nakangiting si Crassini. She even hugged me tight kaya pinapasok ko. Buti nalang, wala pa si Kier dito, hindi pa dumarating baka kung ano ang isipin niya kung naabutan niya dito ang kapatid.

"I want to show you something, ate Haven." masiglang sabi niya saakin. Nilatag niya lahat ng laman ng malaking bag na dala niya. Nagulat ako nang makita ang sobrang dami ng magazines and pictures and photo albums na lahat mukha ko ang nandoon. Even my posters,at marami pang edited pictures na kasama siya, nandoon lahat.

"I'm... I'm speechless."

"Told you, ate. I'm your biggest fan ever! Wala lang akong time na bisitahin ka sa mga fashion shows and pictorials mo dahil super busy sa school. But I'm active, ako din ang admin ng page namin na 'Heaven Haven' ia-add kita."

Ang taba-taba sa puso habang pinakikinggan ko siya. Humingi siya ng autograph saakin kaya pinagbigyan ko na,pati ang mga magazines pinirmahan ko. Hindi ko naman alam at inaasahan na mayroon palang kagaya ni Crassini na sobrang naniniwala sa kakayahan ko. Na naniniwalang,kaya ko.

"Even Kuya Kier, ate! Active na active siya sa page na ginawa ko." Tumigil ako sa pagpipirma at tumingin sa kanya. Hindi niya napapansin na pinapakinggan ko siya. Si Kier? "Alam mo bang super fan mo din siya? Kung hindi ko pa siya pinasok sa kwarto niya, hindi ko malalaman na obsessed siya sayo. Sobrang dami ng magazines sa cabinet niya na ikaw ang cover, pati mga sexy pictures mo, nandoon. Akala mo, nilibot niya na lahat ng tindahan sa buong mundo para mabili lan—oopps... sorry, nasobrahan."

Napanganga ako dahil sa sobrang haba ng mga sinabi niya. Tumigil lang siya ng mapagtantong na marami na pala siyang sinasabi.

"Malapit na ang 18th birthday ko, ate. Pumunta ka. Kasama mo naman si kuya Tiller! Bye!" Dali-dali niyang niligpit ang mga gamit at lumabas ng apartment ko.

"Can't sleep?" Nabigla ako dahil lumapit na siya at umupo sa kabisera. Hindi ko siya matingnan dahil naiilang ako sa hubad niyang katawan.

"Uhm... yes." Sabi ko. He sipped on my cup of coffee at tumingin saakin.

Fuck! Uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

"Come here." Utos niya saakin. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Kier!" Nagulat ako dahil mabilis niya akong nahawakan sa bewang at napaupo sa kandungan niya.

Napasinghap ako nang mahawakan ko ang hubad niyang dibdib. Humalakhak siya! Kahit tawa, nakakaakit!

Naestatwa ako dahil hinahaplos niya ng marahan ang bewang ko. And it sent shivers down my spine. Inaakit niya ba ako?

Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko, hanggang sa tenga ko na. "Would you please tell me what's on your mind, Haven?"

Huminga ako ng malalim.

"I'm just thinking,Kier...paano kung natuloy ang kasal namin ni Tiller? Masaya kaya tayo ngayon?" Dumiin ang pagkakahawak niya  saakin,dumilim din ang mukha niya nag-iwas ng tingin. "I mean...kung hindi nagkamali si Grizzy sa akala niya na ikaw ang ipakakasal saakin at hindi ang kapatid mo, hindi sana mangyayari ito lahat."

"Hindi ka ba naging masaya kasama ako?" Nahimigan ko ang iritasyon sa boses niya.

I didn't answer him. Instead, I continue my thoughts. "Grizzy on the other hand, crazy in love with you. Hindi ko alam kung anong meron sa inyong dalawa no'ng hindi pa ako dumating but I know there's something about the both of you."

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now