Chapter 28

142 45 0
                                    

Chapter 28
Dare

Pagdating ko sa resort, pinagkaguluhan ako ng mga staff. Alalang-alala sila saakin dahil hindi daw ako mahanap kahapon.

"Ano ba talaga ang nangyari sayo, Miss? Pinahanap ka ni Sir Kier sa mga guards. Wala namang nakakita sayo na lumabas ka pala."

"Galit na galit si Sir, Miss Haven. Halos pagbabasagin ang mga gamit sa restaurant. Inaalo siya ni Miss Grizzy pero pinauwi ni Sir. Nag-away pa nga sila."

"Uhm...umuwi na ako kahapon eh. Medyo hindi naging maganda ang pakiramdam ko." Sabi ko nalang. Hindi pa sana nila ako tatantanan ng dumaan si Christy na hindi mapakali.

"Problema mo, Chris?"

"Ako kasi ang nakatoka ngayon na maglinis sa kwarto ni Sir, pero natatakot ako. Baka pagalitan ako lalo na at galit siya kagabi."

"Ako na. Saan ba ang room ni Kier?" Prisinta ko na ikinagulat nilang lahat. May nakakagulat ba sa sinabi ko?

"Sigurado ka, Haven? Baka ikaw naman ang mapagbuntungan ng galit ni Sir Kier?" Pag-aalala ni Neman.

"Mas mabuti pa nga, Miss Haven. Para naman makapag-explain ka na sa kanya." Sang-ayon naman ng iba. "Samahan mo na siya,Chris."

We made it to the 10th floor in Kier's room. Nasa harapan na ako ng kwarto niya pero gusto ko ng umatras. Malakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko pa siya kayang harapin lalo na hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga sinabi niya saakin kagabi.

Ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Teka nga lang, bakit ko ba iniisip kung ano ang sasabihin niya?

Agad akong pumasok. Halos mapatunganga ako dahil sa laki at ganda ng kwarto. The room has a large window facing the king sized bed with clean white bedsheet. Syempre, siya ang may-ari, kaya ganito kagara ang kwarto niya. Pero, bakit may kwarto siya dito? Hindi ba siya umuuwi sa kanila?

Iwinaksi ko nalang sa isip iyon at ipinagpatuloy na ang trabaho. Pinalitan ko ang bedsheet at punda ng tatlong malalambot na unan. Natigil pa ako ng maamoy ang pamilyar na pabangong naiwan sa unan ni Kier. Niyakap ko ang unan at inulan nanaman ang isip ko ng mga alaala way back 3 years ago.

Napaahon ako dahil bumukas ang pinto ng banyo at inilabas no'n si Kier. My lips parted when I saw him half naked with only towel hugging his waist and his pectorials,his massive chest,broad shoulders and the drops of water down to his rock abs makes my breathing hitched.

I saw his devilish smirk kaya mabilis akong tumalikod. What the hell, Haven! Bakit kailangan mo pang punain ang katawan niya?

"S-sorry, akala ko wala ka dito kaya pumasok na ako."

Naglakad siya sa harapan ko dahil malapit saakin ang closet niya. Tumalikod ulit ako. I can't see him like this! Nababahiran ng kung ano-anong pangyayari ang utak ko.

Saka pa lang ako naka-hinga ng maluwag ng makitang nakasuot na siya ng office suit. Naglakad ako palapit sa malaking salamin at sinarado ang kurtina. "May kailangan ka pa ba?" Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong-hininga bago humarap ulit sa kanya na ngayon ay nakaupo sa kama at nagpupunas ng buhok habang... nakatingin saakin!

Umiwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga papel sa side table na maayos naman na nakasalansan! Honestly, I couldn't breath anymore. Hindi ko alam kung ano ang sunod na sasabihin.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan?" Tanong niya at hindi pa rin ako nilulubayan ng tingin.

"Natatakot si Christy sayo. Baka daw pagalitan mo siya o sigawan." Diretsong sagot ko na ikinakunot ng noo niya. Ano Kier? Hindi mo alam na maraming natatakot sayo?

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now