Chapter 35

119 24 0
                                    

Chapter 35
Save

Hindi ko na nakayanan. Umiyak na ako pagdating namin sa boarding house. Sobrang bigat ng dibdib ko. Maraming taong nagsasabi na sobrang tapang ko, na wala akong kinatatakutan, na malaya kong nasasabi ang mga hinaing ko, pero letse lang! Bakit pagdating kay Kier, nawawala at nanghihina ako?

Ganito ko na ba talaga siya ka-mahal? To the point na nagiging big deal na saakin ang mga panlalait ng mga tao, na hindi ako bagay sa kanya,na may mas deserving pa kaysa saakin.

"I'm sorry,baby..." Yakap-yakap ako ni Kier ngayon.

"Ayos lang ako, Kier." Pilit kong pinunasan ang luha ko at tinulungan niya ako doon.

"Anong sinabi ni Mama sayo?" Tanong niya.

I just smiled at him. "Wala, Kier. Pahinga ka na." Bumitiw ako sa pagkakayakap niya. Bago ko pa siya matalikuran para makapasok na sa kwarto,nagsalita siya.

"Haven, please... talk to me." Hindi ko siya nilingon.

"You don't deserve me, Kier..." Sabi ko.

"Fuck!" He cursed. "Don't say that, baby. Please..."

"Umuwi ka na sa inyo. Hindi ako gusto ng mama mo para sayo. Si Grizzy, doon ka nalang sa kanya—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil padabog niyang sinara ang pinto ng kwarto niya.

Pumasok na rin ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Huminga na ako pero hindi ako makatulog. Mulat na mulat pa rin ang mga mata ko. I'm worried about Kier. Tulog na kaya siya?

Bumangon ako at lumabas. Saktong paglingon ko sa kwarto niya ay papasok din siya doon. Bagong ligo at naka-tapis lang ng tuwalya. Nilingon niya ako at aambang papasok na ng tuluyan pero tinawag ko siya.

"Kier..." Hindi siya nagsalita at nag-iwas lang ng tingin.

"Matulog ka na."

"I can't sleep." Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at niyakap siya habang nakatalikod siya saakin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko lalo na at nahawakan ko ang matigas at mamasa-masa niya pang tiyan.

I felt his breathing hitched. Marahan niyang hinawakan ang braso ko para tanggalin sa pagkakayakap sa kanya. Humarap siya saakin. Pumungay ang kanyang mga mata.

"Hindi ka ba makatulog sa kakaisip kung paano mo ulit ako ipagtatabuyan?" Umiling ako. "Then what do you want, Haven?"

I breath hard and deep. He was about to leave but my words stopped him. "Make love to me, Kier." nagulat siya sa narinig.

"Make love to me all night."

Umawang ang labi niya at nag-iwas ng tingin. Napahiya ako...ulit. Ano ba ang pumasok sa isip ko? Bakit ko iyon sinabi sa kanya?

"Sorry..." Tatalikod na sana ako pero hinigit niya ang braso ko.

"I can't, Haven. I can't make love to you when in the end you'll tell me that this isn't a make love, this is just a sex." Mapait niyang sabi. Namuo ang luha sa mga mata ko. He suddenly wiped away my tears. Kung nasasaktan siya, mas nasasaktan ako. "I don't want you to feel disgusted."

Kaya pala hindi niya ako magawang halikan kahit ako na ang nagi-initiate dahil doon sa mga nangyari noon.

Akala ko, nakalimutan na niya ang mga sinabi ko sa kanya. Kung sabihin ko ba sa kanya ngayon na hindi totoo 'yon lahat, na nagustuhan ko ang ginawa namin, pagbibigyan niya ba ako sa gusto kong mangyari ngayon? Nababaliw na talaga ako.

"Pumasok ka na sa kwarto mo, Haven. Susunod ako, babantayan kita." Pinal niyang sabi at tuluyan ng pumasok sa kwarto niya.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko, bagkus, pinihit ko ang pinto ng kwarto niya at pumasok doon.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum