Chapter 39

114 22 0
                                    

Chapter 39
Katapat

"Nandoon na sila Dan, susunod kami. Sumunod ka na rin." Agad na pinatay ni Shane ang tawag.

Naghanda na rin ako. They planned an outing,doon sa Casa Conde Beach Resort. I wear my black two piece under my big loose shirt hanggang tuhod at short.

"Loves!" Pagbukas ko ng pinto,nagulat ako nang tumambad saakin ang nakangiting si Sandro. Niyakap niya ako at halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang higpit no'n kundi ko pa siya sawayin. "Sorry naman, Loves. Na-miss lang kita."

Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi na rin masama ang pagpunta niya sa Canada. Ngumiti siya saakin at pinalabas pa ang malalim niyang dimples sa magkabilang pisngi. I won't deny na gumwapo pa siya lalo. Pero hindi parin nawawala sa itsura niya ang pagiging playboy.

"Ano? Tara na?" Aya niya saakin. Tinaasan ko lamang siya ng kilay. He's with his beach short and shirt na may nakasabit pang sunglasses sa damit niya.

"Sasama ka? Sino naman nag-invite sayo?" Pang-aasar ko pero nginisihan niya lang ako.

He pinched my nose at inakbayan ako palabas ng apartmeko. "Yes, Loves. Sasama ako at in-invite ako ni Shane at Max. Saka, kahit hindi naman nila ako i-invite, pupunta parin ako doon. Kaya, tara na?" He was about to open his car door for me pero lumayo ako sa kanya.

"May sasakyan ako, Sandro. Saka, mauna ka na. Pupunta pa ako sa bayan."

Tumingin siya sa sasakyan kong nakaparada sa gilid. "Eh di, sasama ako!" Sabi niya at pumasok na sa sarili niyang sasakyan. Sumunod saakin papuntang Bayan. Namili ako ng mga pagkain, dahil 'yon lang ang maiaambag ko sa outing namin.

Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan ko pagkaparada sa gilid ng Resort. I saw Sandro's wide smile. Inirapan ko lang siya. Sinalubong kami ng mga bellboys para kunin ang mga gamit sa likod ng sasakyan ko at binati si Sandro.

"Good morning, Sir Sandro!"   Binati si Sandro ng mga babaeng naka-uniporme, mukhang nagttrabaho dito sa resort.

"Hi, girls!" Si Sandro gamit ang malandi niyang boses.

Ang sabi ni Shane hindi daw natuloy ang project ni Kier sa pagtatayo ng hotel dito. Nalaman ko din na ibinigay ni Kier kay Sandro ang proyektong 'yon. What Sandro did is he planned on just make it just a beach resort instead. Kaya, sa kanya itong resort. Pero nagi-invest si Kier dito.

Maraming guests ang nagkalat. Girls are wearing their bikinis, may mga naliligo sa pool, sa dagat, at may mga tao din doon mismo sa Puro Island. Magkasama kami ni Sandro papunta sa dalampasigan at natanaw ang mga nakahilerang cottage sa gilid, hindi kalayuan sa dagat. At may mga balsang kubo na nakalutang sa gitna ng dagat, that was so picturesque!gusto kong sumakay doon at panoorin ang iba't-ibang klase ng isdang naglalanguyan sa ilalim.

"Dito, Haven! Sandro!" Sigaw nila Shane.

"Kumusta na Sandro? Successful na itong resort mo ah?" Tanong nila ng makarating kami.

I remove my big hat and sunglasses at umupo, tinanaw ang mga guests na masayang naliligo sa dagat even the fishing boats that scattered on the area.

A group of low-lying hills surrounding the gentle valleys along the coast, tanaw na tanaw ko ang Trinity Island. Hindi ko man napagmasdan ng matagal ang islang iyon, I know that it's pebbly, a sandy shore, has a boscage of lush trees, and a blue lagoon.

"Senyorito Kier!" .y body become stiff when I heard his name. Hindi ako lumingon sa kanila at paniguradong kasama nanaman niya ang girlfriend niya.

"Sandro." Si Kier.

"Girlfriend mo, Senyorito?" Sandro asks.

"Hindi pa, hindi niya pa ako sinasagot eh." Mabilis pa sa alas-kwatro akong napalingon sa kanila. Nanliligaw? Si Eva? Kay Kier? "I'm Eva a,anyway. Nice meeting you."

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now