Chapter 10

186 87 16
                                    

Chapter 10
Death

Nakatulog ako ng mahigit isang oras dahil sa kakaiyak. Hindi na rin alintana sa akin ang gutom at pagod. Ang mahalaga saakin ngayon ay walang nangyaring masama saamin. Pero hanggang kailan kami tatakbo at magtatago sa mga taong naagrabyado at nautangan ni daddy? Hindi na kami pwedeng bumalik sa bahay baka balikan lang kami ng mga humahabol saamin. Hindi rin kami pwede sa Resthouse namin sa Batangas dahil nakasanla na iyon sa bangko kasama ng mansyon. Hindi ko rin alam kung may iba pa ba kaming property na pwedeng puntahan.

Lumabas ako ng kuwarto para hanapin si mommy and daddy. Kalagitnaan na ng gabi at malamig. The yatch isn't so big as I've seen before, pero may isang maliit na kuwarto at kusina. Nakakakaba ang katahimikan ng paligid.

Hindi pa ako nakakarating sa deck nang makaramdam ako ng lagabog. Buti na lang nakahawak ako sa maliit na poste bago pa ako tuluyang matumba. Mas lalo pa akong kinabahan nang makarinig ulit ako ng sunod-sunod na putok ng baril.

Tumakbo na ako sa labas at nagulat sa nakita. Nagbabadya nanamang tumulo ang luha ko. Si daddy na pinagbubugbog ng mga armadong lalaki na nakatakip ng mukha. At si mommy ay hawak-hawak sa leeg ng isang armadong lalaki. I ran so fast para tulungan si mommy pero may biglang lumitaw na isa pa. Parang gumuho ang mundo ko ng itutok nito ang baril kay mommy.

"Hide, Haven! Hide!" Sigaw ni mommy saakin kahit hirap na hirap na siya sa pagsasalita.

"MOMMY!" Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. He then pulled the trigger and the last thing I know, nakahandusay na sa sahig si mommy at naliligo na sa sarili niyang dugo.

Nagawa kong magtago habang hindi pa sila nakatingin. Lumipat ang tingin ko kay daddy na nagulat din sa nangyari. Tumakbo siya pero huli na ang lahat.

"HAVANNA! Bitiwan n-niyo ako! Honey—"

I froze when I heard another gunshot.

"D-dad..." Humandusay rin si Dad sa sahig at nagawa niya pang gumapang papunta kay mommy, nahawakan lang njya ang kamay nito pero hindi na siya umabot dahil umalingawngaw pa ang isa pang putok ng baril.

I saw blood dripping all over mom and dad's body. Hindi ko magawang humakbang, nakatingin lang ako sa kanila habang walang-awa nilang pinagpapapatay ang mga magulang ko. Pigil din ang hikbi ko para hindi nila ako marinig at makita.

Gustong-gusto ko na silang puntahan para yakapin manlang pero wala akong magawa. Naunahan ako ng takot. This is the first time I feel scared.

"Tara na! Patay na ang mga 'yan!" Dinig kong sabi no'ng isa.

"Paano 'yong anak? Lagot tayo nito kay boss!"

"Gago! Pasabugin na lang natin. May mga bangk—"

Hindi ko na narinig pa ang pinag-usapan nila dahil mabilis silang sumibat at lumipat sa dala nilang yate.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at tumakbo palapit sa nakahandusay, duguan at wala nang buhay kong mga magulang. They are all I have but why did He took them away from me this early? Bakit hindi na lang ako sinamang pinatay?

I hugged them both. One of the hardest things in life is seeing your loved ones dying in front of you with their blood on your hands. Parang pinatay ko na rin sila.

"M-mom... D-dad..." I cried. "W-why? How did this happened to us? P-paano na ako?" I know what this fucking tears won't bring them back to me. This is all my fault. Galit na galit ako at heto ako ngayon,umiiyak. I hate it! I hate this moment when my anger turns into just fucking tears. Walang magagawa itong pag-iyak ko!

I didn't think that life is so short as this. Kung sana alam kong mangyayari ito, sana hindi na ako nagmatigas na mag-aral na related sa business, sana natulungan ko si dad, sana hindi na kami nagkautang, hindi na sana nangyari ang lahat ng ito. They are my everything.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now