Chapter 40

121 18 0
                                    

Chapter 40
Feelings

Naiwan ako dito sa sala matapos kumain. May bibisitahin ang mag-asawa kasama si Crassini sa kabilang baryo kaya umalis din kaagad. Si Don Manuel naman, pumunta sa Munisipyo, kakausapin daw si Ninong Xander. Si Kier at Eva, hindi na bumalik sa hapag kanina at hula ko,baka nandoon na sila sa burol, namamasyal.

Hinihintay ko naman si Tiller dahil sa pabor niyang ilibot ko siya dito sa buong Hacienda nila. Hindi naman ako makatanggi dahil hindi naman siya ibang tao,he's my friend.

"Senyorita, inumin niyo daw po ito sabi ni Senyorito." May lumapit na kasambahay saakin at nilahad ang tasa, may gamot at tubig.

"Salamat po. Pakisabi po kay Tiller, aalamat." Inamoy-amoy ko pa ang nasa tasa. "Ano po ito?" Tanong ko sa kanya dahil sa amoy.

"Namamalat ka nga. Pinakuluang luya 'yan para gumaling na ang ubo mo at para bumalik sa dati ang boses mo. Saka hindi si Senyorito Tiller ang nagpapabigay niyan, si Senyorito Kier."

I stared at the cup blankly. Where is he? Akala ko sinamahan na niya si Eva? Saka, paano niya nalaman na ito ang makakagamot sa akin?

Unang tikim ko pa lang no'ng pinakuluang luya, halos isuka ko na dahil ang pangit ng lasa. Hindi ko ito mauubos. Ibinaba ko 'yon at ininom nalang ang gamot.

"Tara na?" Si Tiller. Napansin niya ang tasa sa lamesa. Kinuha niya iyon at inamoy. "Pinakuluang luya? Sino ang nagbigay?"

"Si...uhm...si ate, 'yong kasambahay niyo." Sabi ko nalang at lumabas na kami.

Dumaan kami sa likod ng bahay at naglakad sa pilapil,sa pagitan ng palayan, papunta sa burol. Nagreklamo pa siya dahil sobrang layo daw ng nilakad namin at pwede naman na sa kalsada nalang kami dumaan.

Napangiti ako habang tinatanaw ang napakagandang tanawin sa ibaba ng burol. Walang pinagbago,ang sarap pa rin sa pakiramdam na nandito sa itaas.

"Ang ganda pala dito, Haven. This is my first time to be here. Saan ang sunod nating punta?"

"Sa farm niyo? Hindi ka pa ba nakakapunta doon?" Lumingon ako sa kanya pero hindi ko na siya nakita. Saan naman kaya 'yon nagpunta?

Pagtingin ko sa kaliwa, hila-hila na ni Tiller ang kulay brown na kabayo. "This is Abreu, Haven."

Namangha ako sa nakita. Saan niya nakuha iyan? Hindi ko alam na meron pa pala silang ibang kabayo dito. I thought si Lacey lang. Where's Lacey anyway?

"Hiniram ko kay Kuya, sa kanya itong si Abreu eh. Kasama niya si Eva. Do you know Lacey?" Tanong niya habang inaalalayan akong makasakay sa likod ng kabayo. Hindi rin siya sumakay pa at hinila nalang si Abreu pababa ng burol.

"Yes, I know Lacey. Pinagkamalan ko pa nga 'yon na girlfriend ni Kier noon." Sagot ko sa kanya. He looked at me meaningfully.

Binati siya ng mga trabahador pagbaba namin sa farm nila.

"Teka, Haven. Titingnan ko lang sila." nagpaalam si Tiller saakin para makiusyoso sa mga nag-aani ng mga gulay. Gusto niya daw kasing matuto kung paano.

Hindi naman gumagalaw si Abreu at hindi ako marunong magpatakbo nitong kabayo. Sinubukan kong bumaba para sundan si Tiller. Pagbaba ko, saktong gumalaw si Abreu kaya nawala ako sa balanse at nahulog.

"Shit!" I cried. Namilipit ako sa sakit na naramdaman sa aking bukung-bukong.

"Haven! Shit! Are you okay?" Nakita kong mabilis na tumakbo si Tiller papunta saakin at binuhat ako. "Sorry, Haven. I shouldn't leave you here. I'm sorry." Pag-aalala niya.

"Ayos lang,Tiller. Kasalanan ko. Teka,saan tayo pupunta?" Buhat-buhat niya pa rin ako. Napapangiwi nalang ako dahil masakit pa rin ang paa ko.

"Gagamutin kita. Don't move, Haven." sumeryoso siya nang tiningnan ko. His brows were furrowed. Humalakhak ako at tinampal ng bahagya ang dibdib niya.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now