Chapter 38

119 18 0
                                    

Chapter 38
Memories

"Salamat po, Nanay Fe." Pinadala ni Shane dito ang mga invitation na hindi pa naipamimigay. She's busy so I insisted na ako nalang ang gagawa no'n since dito lang naman sa baryo at wala naman akong gagawin. Baka next time na ako tutulong kay Tito sa paglalagay ng mga posters sa labas.

Kinuha ko ang invitation na para saakin at binuksan iyon. My jaw dropped when I saw Kier's name on the list right beside mine. Hindi ko inaasahan na pupunta dito si Kier at mas lalong nakakagulat na malaman na siya ang Best Man ni Max! Kailan pa sila naging close?

My heart skipped a beat because of the thought that I'll see Kier again... at dito pa talaga. I have plans on talking to him in Manila right after Shane's Wedding and the election but then, I never expected na mapapaaga pala ang plano kong kausapin siya. Hindi na ba talaga makapaghintay ang tadhana na makapag-usap kami?

Kung mayroon man siyang girlfriend ngayon, ayos lang saakin. I broke up with him and walk away. He's free for whatever he want to do to his life. Malaya siyang magkagusto sa iba...malaya siyang magmahal ng iba.

I took a deep sigh and nodded. Nahagip ng tingin ko ang singsing sa aking daliri. Sinuot ko ito no'ng mag-decide ako na i-give up na lahat. Sabi ni ma'am Shallanie saakin dalawang taon na ang nakalipas, kapag mahal ko pa ang anak niya, isuot ko ito at bumalik.

Kahit hindi niya sinabi saakin 'yon, babalik pa rin ako. Did I ever fall out? Come to think of it...never.

"Oh Kier... I thought of you again today." Bulong ko at nagsimula ng ipamigay ang mga imbitasyon.

Tanghali na at tapos ko ng maibigay ang mga invitations sa mga bisita sa buong baryo except for Kier and his family. Nadaanan ko na kanina ang hacienda nila pero nilagpasan ko. Siguro naman wala pa siya diyan at hindi pa nakakauwi. I think he's busy with his work tulad ng ibinabalita saakin ni Grizzy.

"Miss!" Agad na binuksan ng guwardiya ang malaking pinto at lumabas. "Ikaw nga! Ang tagal ka naming hindi nakita at hindi ka na bumalik dito." Sabi niya.

"Hi Kuya." Bati ko sa kanya at hinanap ang isa niyang kasama noon.

"Naku ma'am, umuwi na po sa probinsya nila. Si Don Manuel ba ang sadya niyo?" Hindi ako agad nakapagsalita. "Tamang-tama ma'am,nandiyan ang buong Arteaga, kakarating lang kaninang madaling-araw. Pasok ka."

Mas lalo akong kinabahan. Nandito silang lahat? Matagal pa naman ang fiesta ah? The thought of seeing Kier and his whole family makes me just go back now and leave. Ano ang sasabihin ko sa kanila? I'm not yet sure if I'm now ready to see them especially Kier.

"Ate Haven?" Babalik na sana ako sa sasakyan at iiwan nalang ang invitation kay Kuya nang may tumawag saakin.

"Crassini?"

"Nice to see you again, ate. Pasok ka. Si Lolo ba ang sadya mo? Baka tulog pa sina Mama."

Hinila ako ni Crassini papasok sa loob ng Hacienda. Nakahinga naman ako ng maluwag ng sabihin niya tulog pa ang Mama at Papa niya. Hindi niya sinabi saakin kung nasaan ang dalawa niya pang kapatid pero ayos lang. Hindi ko alam kung galit ba saakin si Crassini dahil sa pag-iwan ko sa kapatid niya noon o hindi. But she's casual, hindi tulad ng dati na sobrang daldal niya sa harapan ko.

"Miss Chairman, ikaw pala. What brought you here?" Si Don Manuel na nakaupo sa may dining area, nagkakape.

"Good morning po, Don Manuel. Ibibigay ko lang po sana itong invitation." I wonder kung may alam ba si Don Manuel sa nangyari saamin ng pamilya niya.

"Sige, hija. Ilapag mo nalang diyan. Kumain ka na ba?" Tanong nito saakin.

"Ikukuha kita ng juice, ate." Si Crassini at dumiretso na sa kusina.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now