Chapter 25

145 52 1
                                    

Chapter 25
First Day

Maaga akong gumising para pumasok sa trabaho. Alam na rin ni Emma na magttrabaho ako sa resort namin dati. Nauna na siyang pumasok kaya kailangan ko ng magmadali.

Wearing my black skinny jeans and loose white shirt paired with white rubber shoes, sumakay ako sa taxi papunta a resort. Marami akong nakitang turista at may nagch-check in. Pumasok ako at nakita ang babaeng receptionist. Nagdalawang-isip pa siyang lumapit saakin dahil nahihiya kaya ko na ang lumapit sa kanya.

"Hi. I'm Haven Alexi—"

"Hi ma'am. Pasensya na po kahapon."

"Ano ka ba? Ako dapat ang humingi ng paumanhin sayo, dahil sa inasta ko. Ginagawa mo lang naman ang trabaho mo eh. Saka, Haven nalang. Hindi na kami ang may-ari nito eh."

Tinanong ko kung ano ang trabaho ko dito pero hindi niya alam. Wala naman daw sinabi si Kier. Pinaupo muna niya ako at ipinakilala sa mga kasamahan. Hindi ko matandaan ang mga pangalan dahil sa dami pero natutuwa ako dahil maganda naman ang tungo nila saakin.

"Ang ganda niyo po pala talaga sa personal ma'am—Haven pala." Si Tommy, isa sa mga bellboys.

Matagal na silang nagttrabaho dito, no'ng si daddy pa ang namamahala. Wala naman daw silang sama ng loob sa pamilya ko kahit na ilang buwan din nilang hindi nakuha ang sweldo,naibalik naman daw iyon ni Kier at mas malaki pa sa dating pinapasahod sa kanila. Mabait si daddy sa kanila kaya hindi na sila nagreklamo. They also give their condolences to my family. Nagpasalamat sila na buhay ako. Akala naman ng iba, patay na ako dahil sa tagal kong nagtago.

"Good morning sir. Good morning ma'am." Tumayo ang mga kasama ko kaya tumayo na rin ako. Binati nila ang mga paparating.

Grizzy is beautiful with her high-waist pants and spaghetti shirt on top with her stilettos. Nakaangkla ang kaliwang braso niya kay Kier na pormal ang suot na itim na pantalon, black boots, and a polo shirt. Para silang rumarampa sa harapan ng maraming tao. Humalukipkip ako habang nakatayo at pinagmasdan sila papasok sa office niya. Sa likod nila ang mga naka-unipormeng lalaki na mukhang body guards pa ata nila. Napansin ako ni Grizzy at nginitian but Kier didn't even take a glance at me na para bang hangin lang ako at hindi nakikita.

"Ang ganda ng girlfriend ni sir noh?"

"Oo nga eh, kailan kaya ang kasal nila?"

Bumalik na sila sa kani-kanilang trabaho pero ako,nakatunganga lang. Hindi ko alam ang trabaho ko!Wala din naman nakalagay sa sulat kung ano ba ang posisyon ko dito, kung waitress ba, clerk, janitress o ano?

"Nancy, wala bang secretary si Kie--este si sir dito?" Tanong ko sa kanya na nagm-mop ng sahig.

"Meron, Haven. Pero hindi naman sila madalas nandito. May negosyo pang hinahawakan si sir, hindi lang itong resort. Nagulat nga kami dahil nandito siya eh. Isang beses sa isang buwan lang siya bumibisita dito, minsan nga hindi na."

Nagpatuloy na siya sa ginagawa at ako naman hinanap ang secretary niya na hindi ko naman kilala. Magtatanong lang naman ako.

May babaeng naka-corporate attire na sumalubong saakin at nagpakilalang Miss Beverly, ang manager ng resort. Katulad ng iba pang tauhan dito,matagal na rin siyang nagttrabaho dito at siya pawiin ang manager hanggang ngayon. Inilibot niya ako sa buong resort at sinabing wala namang binago o pinalitan si Kier, kung ano ang meron noon,meron pa rin ngayon kasama na ang mga tauhan na nag-resign pero binalik niya sa trabaho.

"Dito ka muna, Ms. del Valle, hindi ko pa alam kung ano ang trabaho mo dahil busy pa si Sir Kier, mainitin ang ulo kaya hindi namin nakakausap ng matino. Babalitaan nalang kita kapag meron na." Nagpaalam na siya saakin dahil marami pa siyang gagawin.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now