Chapter 29

128 44 0
                                    

Chapter 29
Boardmate

Nagising ako dahil sa mabangong amoy. Nagluluto ata si Emma ng almusal. Pero, lunes ngayon ah? Wala ba siyang pasok?

Dahan-dahan akong bumaba sa kama dahil sobrang sakit ng katawan ko. Para akong binugbog dahil sobrang nanghihina ako. Napansin ko rin ang iilang pasa ko sa legs at braso na ngayon ay nagkukulay-ube na. Shit! Ito ang pinaka-ayaw ko kapag dinadatnan ako ng buwan ng dalaw. Para akong lalagnatin.

Tumayo ako at nakitang may dugo sa kama ko. Kailangan kong pumasok kahit late na ako. Kumuha ng napkin at panty sa kabinet. Isa nalang ang natira sa stocks ko at kailangan ko ng bumili mamaya pagkauwi .

Lumabas ako at napansin ang naka-bukas na bintana. Nairita ako kaya sinara ko iyon ng padabog. Napansin ko rin ang nakakalat na mga libro na hindi nailagay sa tamang lalagyan. Itatapon ko na sana ang ibang basura ng makita ko ang kulay pink na sticky note na nakadikit sa plorera.

Haven,
Hindi na kita ginising dahil ang himbing ng tulog mo. Alam kong pagod ka sa trabaho kaya hindi na ako nakapagpaalam. My dad is in the hospital and he needs me. Uuwi na ako saamin. Don't worry, hahanap ako ng kapalit para may kahati ka sa pambayad dito sa bahay. I'll text you soon."
Emma

So, she left. Dapat ginising niya ako para masamahan manlang siya pauwi. Makakahanap din naman ako ng bagong boardmate—wait a second... kung wala na rito si Emma, sino ang nagluluto?

Kinabahan ako at lumingon sa kusina. Isang lalaking nakatalikod saakin ang nagluluto. I was stunned. Kahit hindi na siya humarap, kilalang-kilala ko kung sino siya.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya pagkalapit ko.

Lumingon din siya saakin at imbis na sumagot, bumaba ang tingin niya sa dala ko. Mabilis kong itinago ang napkin at panty sa likod ko. Uminit ang pisngi ko at lalo akong nairita. Nakakahiya! Ano ba talaga ang ginagawa niya dito!

Sinundan ko ang mga mata niya pababa sa suot ko. Naka-short at sando lang ako at magulo din ang buhok ko. Medyo na-conscious ako sa itsura kaya mabilis akong tumakbo papasok sa banyo. Shit, shit, shit!

Kung minamalas ka nga naman, nakalimutan kong magdala ng damit at short na pamalit! Paano ako babalik nito sa labas? So, no choice ako kundi gamitin itong tuwalya. Ano naman kung makita niya akong naka-tapis lang? Wala siyang pakialam noh!

Dahan-dahan akong lumabas at nadatanan ko siyang nakatulala sa niluluto niya at mukhang malalim ang iniisip. Kaya nagmadali akong pumasok sa kwarto. What is he doing here? Paano niya nalaman kung saan ako tumuloy?

Hindi kaya sinusundo niya ako dahil marami siyang ipapagawa saakin? O baka naman galit siya saakin dahil umuwi ako kahapon ng hindi nagpapaalam sa kanya?

Kasalanan ng Mama niya,ginalit ako eh.

"I told you to stay away from my Son." Galit na sabi ng Mama niya saakin pagkalabas ng opisina niya. Sinundan naman iyon ng lait ni Grizzy. "Hindi ka bagay kay Kier."

"Let's eat."

"Bakit ka nandito?" Umupo ako sa kabisera niya at nagsimula ng lantakan ang mga niluto niya. I feel so hungry lalo na ngayon na meron ako. Mas gusto ko na kumakain para hindi ako ma-stress o mairita.

"You have bruises Haven. Anong nangyari diyan?" Pag-aalala niya.

Binalewala ko iyon. "I was the first one who asked you a question so stop answering me for another question. Kailan pa naging sagot ang isa pang tanong?" Iritadong sambit ko.

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "I'll be your new boardmate, Haven."

Binagsak ko ang hawak na kubyertos at napainom ng tubig. Muntik pa akong mabilaukan kung hindi siya lumapit saakin at hinagod ang likod ko. "Careful, Haven."

"Pinaglololoko mo ba ako? Lumayo ka nga!" Hinawi ko ang kamay niya at bumalik siya sa upuan niya.

"I'm not, Haven. In fact, binayaran ko na ang upa sa mga susunod pang buwan hanggang kailan mo gustong tumira dito, pati na rin 'yong akin." Is he serious?

"Huwag mo akong binibiro ng ganyan, Kier. Hindi pinapayagan ni Nana Weng na may lalaking pumapasok dito."

"But she did."

Paano pa ako makakapaglakad-lakad dito sa loob ng naka-panty at bra lang? Sanay si Emma na ginagawa ko iyon kaya ayos lang sa kanya, pareho kaming babae eh. Pero ngayon,letse!

"Umuwi ka na, Kier. Baka kapag nalaman ng mama mo o kaya ng girlfriend mo na nandito ka,ano nalang ang iisipin ng mga 'yon?"

"She's not my girlfriend, Haven. How many times do I have to tell you that?"

I continue eating, hindi pa rin siya nagsisimula. "I don't care. Nga pala, hindi ka pumasok? Hindi naman ako tatakas eh—"

"Just eat, Haven. Nevermind the work. Hindi rin naman ako papasok."

Doon na ako napatingin sa kanya. Nagsimula na siyang kumain na para bang wala siyang pakialam sa mararamdaman ko. "Are you trying to pity me? Pinapamukha mo saakin na mahirap na ako at walang pera? Mayaman ka. You can live in a fancy house, condo, doon sa resort. Bakit dito mo pa napili?"

"I don't want us to fight in front of—"

"If you're not going to answer then you're free to leave."

His face darkened as he slowly lift his head up to glance at me. "If you really want me to answer your questions, Haven, trust me, you will hate me."

"Will you quit beating around the bush and tell me honestly what are you doing here?"

Binaba niya ang kutsara at hinarap ako. "I wanna live with you. I don't want you out of my sight. Okay na?" I was stunned. "Nasagot ko na ang tanong mo. So now, can we please just eat? Haven?"

Hindi na ako sumagot pa. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Pasulyap-sulyap pa rin ako sa kanya pero wala naman syang pakialam. Seryoso lang siya. Napansin ko ang pawis sa noo niya pababa sa leeg hanggang sa bumakat na ang pawis sa kulay abo niyang damit. I know he's not used to this kind of life, walang aircon pero may electricfan naman sa dalawang kwarto. Maliit lang ang refrigerator at limitado lang ang pagkain na pwedeng ilagay doon. Isang banyo lang din at maliit ang kama. I know for sure, hindi siya makakatagal dito.

Bumalik ang paningin ko sa katawan niya.

Tumayo na ako na ikinagulat niya. "Will you please change your shirt?" Iritadong utos ko sa kanya at bumalik na sa kwarto.

Kumuha ako ng malinis na panyo at lumabas ulit. Nakita kong pinupunas niya ang damit sa katawan. "Use this, Kier. Pawisan na 'yang damit mo." Inabot ko sa kanya ang panyo pero tinitigan niya lang. "Ako na nga."

"Baka magkasakit ka sa ginagawa mo." Bumaba ang kamay ko sa hubad niyang tiyan. Gosh! Huli ko nang mapagtanto kung ano itong ginagawa ko. I shut my eyes tightly na baka iniisip niya na nag-aalala ako sa kanya.

His lips parted a bit. Namangha sa sinabi ko. "Hindi ka pwedeng magkasakit. Walang mag-aalaga sayo dito. Hindi ako." Sabi ko at tinalikuran na siya.

How dare you Honquier Austen Arteaga! No matter how angry I am at you, and say I'm done with you, I really don't want to lose you! I really wish I could hate you. Damn!

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now