Chapter 26

136 47 2
                                    

Chapter 26
Furious

"Pasensya ka na talaga ma'am! Dapat hindi mo nalang sinabi, nadamay ka pa tuloy. Sanay naman akong pagalitan ni sir eh." Umiiyak parin si Elle habang inaayos ang mga folders.

Ang sama talaga ng ugali niya! He's really ruthless, hanggang ngayon ba naman?!

"Okay lang. Anyway, how's your daughter?"

"Nandoon pa rin ma'am. Pero salamat talaga. Ako na ang gagawa nito, salamat."

"Nope. It's okay, I'll help you. Wala akong ginagawa, hindi ko pa alam ang trabaho ko eh."

Nasira nanaman ang araw ko. Ano ba talaga ang ikinagagalit niya? Wala ba siyang konsiderasyon sa mga tauhan niya? I hate him with the same amount of passion that I once loved him with. Pero hanggang doon nalang 'yon.

"Hindi naman talaga ganyan si Sir Kier eh. Suplado, oo pero maunawain naman, hanggang sa bumalik siya dito tatlong taon na ang nakararaan. Hindi siya umuuwi nang hindi pa tapos ang trabaho, minsan naman sa opisina na natutulog at madaling araw na kung umuwi,palagi na silang nag-aaway ng mommy niya." Tumigil muna ako sa ginagawa at tumingin sa kanya.

"Bakit daw? Anong pinag-aawayan nila?" Kuryosong tanong ko.

"Hindi ko alam. Wala namang nakakaalam sa nangyayari. Buti nga nagkakasundo sila ni Miss Grizzy at natitiis siya nito."

Natulala ako ng bahagya. Grizzy is with him all the time, huh?sm sila pa rin pala hanggang ngayon. Bakit hindi pa sila nagpapakasal?I continue what I'm doing pero hindi pa rin ako tinantanan ng isip ko. Marami pa akong gustong malaman but I remained silent while she's still taking.

"Hindi naman sila ni Sir Kier pero kung makaasta akala mo girlfriend. Ang sama naman ng ugali. Mukhang mabait sa labas pero may itinatago namang kulo sa loob."

Wait...what? She's not Kier's girlfriend?pero—I was about to ask her when her phone rang. She excused herself to me.

Bumalik ulit siya at mukhang may problema.

"I understand. Go on, I can do this. Don't worry, this time, tama na ito lahat." I smiled to assure her that it's okay.

"Hindi na, Miss Haven. Tatapusin natin—" hinawakan ko ang kamay niya para pigilan sa desisyon. "Maraming salamat...salamat talaga. Ituturing kong malaking utang na loob ito sayo, Miss Haven."

Niyakap niya ako ng mahigpit at maluha-luha pa. I understand her situation now. Kung ako naman ang nasa sitwasyon niya, ganito rin ang gagawin niya saakin. Pamilya niya 'yon at alam ko kung gaano kahalaga ang pamilya. Family is not just an important thing. They're everything, they are the greatest blessing we ever received kaya kailangan pahalagahan bawat oras na kasama sila. 'Yon ang dapat na ginawa ko pero hindi.

Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na ang ginagawa kaya napabalikwas kaagad ako at tumayo. Shit! Magaa-alas diyes na at hindi pa ako natatapos. Pero nagulat ako ng makitang wala na ang sandamakmak na folders sa lamesa at ang natitira nalang ay ang mga natapos ko na. O nagkakamali lang ako at natapos ko naman talaga lahat?

Iwinaksi ko nalang sa isip iyon at sinuot na ang damit na hinubad ko kanina. Naka-bra lang ako dahil sobrang init talaga. Wala naman pumasok dahil sinara ko ang pinto. Lumabas na ako at nilingon ang office ni Kier. May liwanag akong natanaw sa bintana kaya lumapit ako.

Sinilip ko kung nadoon pa ba siya and yes, I was right. Nakaupo siya, tulala habang nakatitig sa baso na may lamang alak. Gulong-gulo ang kanyang buhok at nakakunot ang kanyang noo na para bang malalim ang iniisip, kahit madilim sa banda niya, nakita kong malamlam ang kanyang mga mata. Bumaba ang tingin ko sa labi niya,na ngayon ay pulang-pula na at mamasa-masa pa dahil sa alak.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now