CHAPTER 1

1.5K 47 0
                                    

CHISHELLE’S POV

“MOMMY!!!!” Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip.

That nightmare again. I didn’t know what happened that night. Ang naaalala ko lang ay ang nakahandusay na walang buhay na katawan ng aking mga magulang. Sampung taon na ang nakaraan pero tila sariwa sa akin ang mga ‘yon. I looked at my clock and I sigh, I need ready their breakfast. Maaga akong naligo at nag-asikaso, nagluto ako ng breakfast nila Anna at Ninna dahil may pasok. Nang magising ang mga ito’y pumupunga ang kanilang mga mata, halatang bagong gising.

Umupo sila sa kanya-kanyang p’westo at ako naman ay inayos muna ang sarili bago rin maupo. Lumabas na rin si tita Mina at umupo. Tinignan nya ang nakahain at tinignan nya ako. “Where’s my coffee?” Kunot noo nitong tanong sa ‘kin.

Dali-dali akong tumayo upang ipagtimpla sya ng kape. Ngunit namali ako ng galaw at natapon ang tasa sa aking paa at saktong mainit ang tubig. Nabasag ang baso at nabanlian ang aking binti. Do’n ay dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Yari na naman ako. Agad na tumayo si Tita at nakita nya ang nabasag na tasa. Mabilis sa alask’watro ako nitong nilapitan at hinigit ang aking buhok.

“Ahhh---tita, s-sorry po.”

“Anong sorry ha! Ikaw lang ang tanging nakabasag ng aking mga gamit! Nagdadabog ka? Pasalamat ka at kinupkop kitang bata ka. Kung hindi dahil sa akin ay nasa kalye ka lang!” sumbat nito sa akin.

Tumawa ng pagak sina Anna at Ninna sa akin. Ramdam ko ang bagong kulong tubig na bumanli sa aking binti ngunit mas ramdam ko ang sakit ng sabunot ni tita sa akin. “Sorry po, tita. Hindi ko po sinasad’ya na---”

“Anong sorry! Hala! Hindi ka mag-aalmusal at mananghalian! Wala ka ring baon!” Napahawak ako sa kamay ko.

Naro’n ang aking luha at nagbaband’yang pumatak ‘yon. Ngunit masakit man sa lalamunan ay napalunok ako at pinigilan ang luha ko. Pumanhik ako sa k’warto at inasikaso na ang sarili sa pagpasok. Matapos kong mag-ayos ay saktong wala na sina Ninna at Anna kasabay ng kanilang sasak’yan. Naro’n si tita at tinignan ako ng masama. Inabutan ako nito ng bente at pinagpasalamatan ko ‘yon dahil kahit papaano ay may baon ako. Iyon nga lang ay mukhang lalakarin ko ang esk’welahan mula rito sa bahay.

Simula ng mawala ang mga magulang ko ay si tita Mina na ang tumatayo kong ina. Sila ang nagpapatakbo ng negosyong naiwan ng aking mga magulang. Pero ang kapiranggot na aking hinihingi ay sinusumbat nila. Ang bawat sentimo na kanilang pera ay galing sa akin. Dahil ang buong kayamanan ng magulang ko ay sa akin pinamana. Pero lahat ng ‘yon ay tila wala lang dahil hindi ko ramdam. Lalo na ng malaman ni Tita na mero’n akong mana ay dagli syang kinupkop ako.

Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng kakaiba. Ang paligid ay tila hindi maganda. Inangat ko ang aking tingin at do’n ko nasilayan ang maulap na himpapawid. Napangiwi ako ng mapagtantong wala akong dalang payong at mahuhuli na ako sa aking klase. Buti na nga lang at isang subject lang ang mero’n ako ngayong araw. Kinakailangan kong mag-aral ng Business Administration Major In Marketing. Dahil sa naiwan na business nila Mommy ay kailangan ko na itong mabawi mula sa tita ko. Naramdaman ko ang vibrate ng phone ko at nasilayan ang numerong hindi naka-rehistro sa aking cellphone.

“Sino naman ang tatawag sa akin?” takang tanong ko sa sarili ko.

Pero sinagot ko ‘yon. Mula sa kabilang linya ay may nahihimigan akong tao. Tila pamilyar sa akin ang kanyang pagngisi maski ang paghinga nito. Nakaramdam ako ng matinding takot at dobleng kaba sa dibdib ko. “Hello my little bride.” Bigla ko iyon pinatay ng walang alinlangan.

I looked around to see if there’s was someone watching over me, but there was no one. Ramdam kong may nanonood mula sa malayo. Mula ng magsampung taon ako ay ganito ang pakiramdam ko. Parang may nagmamasid sa akin at tila pinapanood ang bawat kilos at galaw ko. One time ay pauwi ako galing sa practice at ginabi na ako ng araw na iyon. May mga tambay sa kanto at sobrang dilim ng daan pauwi sa amin. May nakabuntot na limang lalake sa akin at tila may masamang mga pakay. Pero nang lingunin ko’y nawala na parang bula ang mga ‘yon. Laking pasakamat ko at nakauwi ako ng bubay. Pero ang takot at kaba sa aking dibdib ay hindi maalis.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon