CHAPTER 2

1K 36 1
                                    

CHISHELLE’S POV

I went to the market to buy my groceries with my own money. Aunt Mina had no idea I had money. I have bank accounts where I keep all of the money that comes in from businesses. But I only assumed half because the other half was in my aunt’s name. All of my mom and dad’s businesses that were left are in her name. It was because I was still young that she made me agree. I was a fool that day, so they had everything I owned.

Kailangan kong mabawi na ang bawat ari-arian ko dahil sinabi naman sa ‘kin na maaari kong bawiin ‘yon kung kailan ko gusto. Pero alam kong isusumbat ng Tita Mina ko ang pagkupkup at pagpapalaki nya sa akin. Nang mabili ko na ang mga kailangan ko’y bumili rin ako ng mga gagamitin kong damit o pang-alis. Nagpatahi pa ako ng panibagong uniform dahil gusto kong lumipat ng school. Hindi naman nalalayo ang Crimpson University sa condo. Magkabaliaan lang naman ang Villa University at Crimpson buti na nga lang at agad akong natanggap sa Crimpson at p’wede na akong pumasok bukas.

Habang naglalakad sa mall ay aksidenteng natisod ako at akmang masusubsub ng may humawak sa bewang ko. Sobrang kaba ko’y muntik pa akong malaglag sa eskelator. “Socks.” Napasapo ako sa dibdib ko dahil sa kaba at napatingin sa taong nagsagip ng buhay ko. “I-ikaw?” Kunot noo kong sabi at tumingin pa sa paligid.

“Look at your way, little girl.”

Para akong napako sa kinatatayuan ko. I heard that before but I don’t know where and when. Nang muli ko itong tignan ay nawala na lang ito na parang bula sa kawalan. Napakunot ang noo ko pero gano’n pa man ay nagpapasalamat ako at nasalo nya ako. Nang matapos ako sa ginawa ko ay umuwi na ako para magpahinga. Nag-isip din ko kung sinong maaaring makasama ko sa condo para hindi naman ako magmukhang lonely. Narinig kong dumunog ang doorbell hud’yat na may tao sa labas.

Tumayo ako at pumunta ro’n at pagtingin ko ay wala namang tao. Pero nakarinig ako ng tila may nag-iiyakang pusa. Do’n ko nakita ang isang kulungan na may dalawang pusa. Persian cat at ang isa ay siamese. Napaupo ko at nakangiting tinignan ang dalawang cute na pusa. Baby pa sila. Sa’n naman kaya ‘to nanggaling? Tinignan ko muna ang paligid bago ko pinasok ang kulungan kasama ang dalawang pusa. Napansin ko din na may note do’n kaya binasa ko na.

Take care of them, you are now a fur parent of two little kittens. -unknown.

Walang nakalagay pang kahit ano bukod do’n. Tinignan ko ang dalawang pusa na cute at hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa mga ito. Gustong-gusto ko talaga ng pusa pero hindi ako pinapayagan ni tiya Mina na magdala ng alaga sa bahay dahil hindi nya gusto ‘yon.

“Ang cute nyo naman. Ano kaya ang magandang pangalan?” tanong ko sa sarili ko babang hawak ko sila.

Hindi ko alam kung isip ko ang nagsabi pero parang may nagsabi sa akin na pangalanan ko sila no’n. Sun and Moon. Tinignan ko ng nakangiti ang dalawang cute na pusa habang nakahiga sa kama. Inayos ko ang kanilang matutulugan saka naisipang mag-order ng milk and cat food sa online. Maya-maya ay dumating ang order ko pati ang parang buhangin na maari nilang dumihan.

“Ayan! Ikaw Sun, dito ka.” Nilagay ko ang siamese sa kulay puting higaan. Magkahiwalay ang kulungan nila bagama’t parehong malaki ‘yon. Sapat upang makagalaw. Every night lang sila d’yan, then every morning ay papakawalan ko sila. “Ikaw naman Moon ay dito!” Nilapag ko ang persian cat sa higaan na may hugis b’wan.

Ang ganda tignan. Pero naisip ko lang. Sino kaya ang nagpadalawa ng dalawang pusa na ‘to? Nang magutom ako’y nagluto ako ng makakain ko. Parehong nag-ingay ang dalawa at lumapit sa akin. Marahil ay nagugutom sila. Kinuha ko ang milk and cat food saka nilagay sa kanilang pagkainan. Sinundan nila ako at do’n ay namangha akong tignan sila. Ano kaya ang pakiramdam na may kapatid ka? Matapos ‘yon ay nanood ako habang kumakain. Maya-maya ay napagdesisyunan kong matulog dahil may pasok pa ako bukas.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now