CHAPTER 21

318 18 0
                                    

CHARMEINE'S POV

Nang makabalik ako'y sinalubong ako ng mga group mates ko na tuwang-tuwa. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang ngiti sa kanilang mga labi. Alam kong ito ang pinakahihintay nila at masaya ako ro'n. Mula sa likuran nila ay naro'n si Zyiar at nakatingin sa 'kin. Pero nanlaki ang mata ko ng makita ang babaeng nakita ko kanina sa mall. Agad akong tumalikod at napakagat sa aking kuko. Nagpaalam ko sa kanila at kailangan ko ng umuwi. Buti na lang at wala na rin kaming gagawin dahil tapos na ang mga kailangang ipasa. Evaluation na lang ang aalalahanin namin at ang graduation by next month.

Nang makauwi ng bahay agad akong sinalubong ni Zime at akmang hahalikan ako ng ako na mismo ang umiwas. Hindi ko gusto ang presensya nya. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Nakita ko kung gaano sya ka-porma at ka-g'wapo dahil sa kanyang suot. Pero sa loob ng tatlong taon, hindi ko alam kung mahal ko ba sya o inuunawa ko lang dahil nga mahal nya ako. Ngumiti ako sa kanya at gano'n din ang ginawa nya.

"Are you tired?" he asked.

"A little," I answered.

"I gotta go. I will come home early, I promise." Niyakap nya ako saka hinalikan sa noo at sumakay ng kotse.

Pumasok na ako sa loob at saka napasalampak sa sofa. Hindi ko maintindihan. Bakit hindi ko nararamdamang ang sinasabi nilang love? Pero 'yong lalake sa panaginip ko ay ang laki ng epekto sa sistema ko. We've been together, and I don't have a family except him. He told me that I don't have any relatives here in the Philippines. Hindi nya daw alam kung nasa'n ang mga ito at mas pinili nalang nyang alagaan ako. Pero 'ni isa sa mga sinabi nya ay hindi ko alam kung kaya kong paniwalaan.

Hindi naman sa hindi sya nagsasabi ng totoo pero feeling ko may kakaiba syang tinatago sa 'kin at hindi nya sinasabi. Napabuntong hininga nalang ako at napagdesisyunan na umakyat nalang. Matutulog nalang muna ako kesa ang mag-isip ng mag-isip. Nang makapasok sa k'warto ay kinuha ko ang speaker ko at saka ako nagpatugtog ng kanta.

(Play: I miss you =Goblin song=)

When I look at you, tears keep falling
I don't know why
Did you go round and round to come to me?
I can't avoid this love

I love you, love you, love you
I call it fate
And I miss you, miss you
You are my destiny.

Napahinto ako sa kantang narinig ko. Parang may pinatutungkulan, pero iyon ang nasa playlist ko. Napaupo ako sa kama, naramdaman kong parang may masakit sa loob ko at hindi ko alam kung ano 'yon. Pero naalala ko ang mukha ni Zyiar kanina. Nakikita kong may kakaiba sa mukha nya na hindi ko alam kung ano iyon. Pero nararamdaman ko ang kakaibang sakit dito sa puso ko ng makita ang kasama nyang babae kanina. Ang sakit no'n at sa hindi ko malamang dahilan ay bakit ko nararamdaman.

Why are you looking at me with those eyes?
Don't cry
Did you recognize me right away?
Why did you come to me now?

I love you, love you, love you
I felt that it was a fate
And I miss you, miss you
You are my destiny

Sa inis ko ay nilipat ko ang kanta. Sobrang sakit sa kalooban ko at ramdam ko ang pangungulila sa taong hindi ko alam kung sino. Pumatak ang luha ko ng hindi ko namamalayan at napaupo ako at napayuko. Hindi ko alam kung para sa'n itong pag-iyak at pagbanguynguy ko. Hindi ko alam kung para sa'n itong nararamdaman kong lungkot pero ang sakit. Nang-aasar ang kanta na 'to sa 'kin.

(Play: Love =Goblin song=)

Why are you in my dreams last night
Like coincidence, we keep running into each other
I'm getting used to your indifferent way of talking
This heart fluttering feeling isn't because I like you

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now