CHAPTER 15

352 17 1
                                    

CHISHELLE'S POV

Nagising ako dahil sa may humawak sa paa ko. Nang imulat ko ang mga mata ko nakita kong may sinusuot do'n ang babaeng katulong at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko na naayusan ng ganito kagandang ayos. Napatingin ako sa buong kabuuhan ko at do'n ako mas lalong namangha. After ng nangyare kanina, itutuloy parin talaga ang kasal? Napatingin ako sa labas at nakita kong madilim na. Pero naro'n ang bilog na b'wan. Ang laki nito at ang sarap sa mata. Pero nang sandali ko itong makita, naalala ko ang nangyare sa mga magulang ko. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit ng mariin.

"Are you ok?" Napatingin ako sa nagtanong at si Fuji pala ito.

"B-bakit gabi ang kasal?" takang tanong ko.

"Tanong mo do'n sa Daddy kong bampira. Baka sakaling masagot ka nya." Sinamaan ko ng tingin si Fuji, "Charot lang Mommy kong maganda. Oo nga pala hinihintay ka na nila." Tumayo ako at mula rito sa kinatatayuan ko kitang-kita ko kung gaano kaganda ang gown ko.

Tube ito na med'yo malaki ang baba at kitang-kita ang bawat kinang ng maliliit na parang crystals sa bawat hibla ng tela. Nakikita ko ang sarili ko kung gaano kaganda at kung gaano ako katingkad. Parang ako ang pinakamakinang at matingkad na bituin sa kalangitan na katabi lamang ng b'wan. Napangiti ako at tumingin kay Fuji. Mula sa pinto iniluwa no'n si Kalia. Ang ganda nya sa tube dress na blue at bumagay iyon sa kanya dahil maganda talaga sya. Lumapit sya sa 'kin at saka tinignan ang kabuuhan ko.

"Hindi ko inaakala na super ganda mo!" puri nya sa 'kin.

"Kailangan na nating bumaba." -Fuji.

"Dahil wala kang mga magulang, kami ni Fuji ang maghahatid sa 'yo patungo kay haring, Aziel." Nakangiting sabi ni Kalia.

Napangiti ako sa sinabi nya huminga ako ng malalim saka kami lumakad. Nang lumabas kami ng k'warto hindi na naalis ang kaba sa dibdib ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga ito na para bang namamanhid na.

"Relax, hindi ka naman kakainin ni King," bulong na sabi ni Fuji sa 'kin.

"K-kinakabahan kasi ako," nauutal kong sabi.

"H'wag kang kabahan." -Kalia.

"E, iyong nangyare do'n sa lalake? B-baka kasi---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si Fuji.

"Wala ng magagawa dito si Zime. Kaya h'wag ka ng mangamba pa," pilit na pinapahinahon nya ang kaba ko.

Nag-patuloy kami sa paglalakad. Mula sa pinto ng k'warto ko ay may nakakalat ng petals na puti. Sobrang ganda at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha. Nang makarating sa baba ay napangiti ako sa nakita ko. Ang daming guest pero naro'n ang nagagandahan decoration sa buong palasyo. Ang ganda ng theme at sobrang nakakamangha. Bumaba kami at mula sa likuran ay inaalalayan ng mga maids ang mahabang gown ko. Napangiti ako kasi sobrang ganda talaga. Nang makababa kami at makalabas ay naro'n ang nakahilerang mga maganda at mga tanyag na guest ni Aziel. Mula sa harapan naro'n ang hindi ko kilalang pari.

"Hindi ba't takot ang mga bampira sa priest?" takang tanong ko.

"Pfft." Napakunot ako ng noo sa pagpipigil ng tawa ni Kalia at Fuji.

"Hindi naman lahat ng bampira ay takot sa pari o sa krus. Iyong iba nga nag-sisimba pa. HAHAHAHAHA," paliwanag na tawa ni Kalia.

Hindi ko magawang matawa sa sinabi nila kasi hindi ko naman alam kung anong joke sa sinabi nya. Pero patuloy kaming naglalakad sa gitna. Mula sa harapan ang g'wapo ni Aziel. Naro'n din ang kanyang ama at ina. Ang g'wapo at ang ganda. Ganito ba ikasal ang mga bampira? Hindi ko ma-gets. Nang makarating kami sa harapan at ng tuluyan na kaming nagtagpo iniwan na ako nila Kalia ay Fuji. Nanumbalik ang kaba sa aking dibdib. Ganito ba talaga ang kailangan kong maramdaman? Ang bilog na b'wan sa pagitan namin ay nangingibabaw. Sobrang laki no'n na ani mo'y ang lapit lang at madaling abutin. Pero iba ang nararamdaman ko.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now