CHAPTER 28

327 17 0
                                    

AZIEL'S POV

Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko alam paanong gagawin. Tumingin ako kay Lala na ngayon ay nakangiti at masaya sa nakikita nya. "Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!!!" Mula sa pulsuhan ni Charmeine binaon ko ang aking pangil.

Kasabay no'n ang pagsipsip ko sa dugo nito. Naramdaman ko ang lakas na dumadaloy sa katawan ko. Hindi ko titigil hanggang hindi namamatay ang babaeng pumatay sa 'yo, pangako 'yan. Ipinikit ko ang mata ko at ramdam ko ang lakas mula sa dugo ni Chishelle. Sinugod ko si Lala at sa bilis ko ay hindi sya agad nakailag. Kaya naman tumalsik ito. Pero hindi sya nagpatalo at agad na bumangon saka muling nag-teleport sa harapan ko at sinipa ako sa t'yan. Napaatras ako ng bahagya pero hindi ko sya pinagbigyan kaya naman nag-teleport ako sa likuran nya at sinipa sya. Isang iglap lang ay tumalsik ito at saka tinignan ako ng masama.

Mula sa paligid ay inisa-isa ko ang mga kalaban at sa liksi at bilis ko'y naubos silang lahat. Nagulat sila Zime, Fuji at Hiro sa ginawa ko. Habang sila Jopheil at Alex naman ay hawak si Chishelle.

"Gano'n mo kamahal ang babae na 'yan? Tsk, Aziel, wala na sya! Hindi na kailan man maibabalik nyang galit mo ang babaeng wala na!"

"Hindi rin huhupa ang galit ko habang nakikita kitang buhay, Lala." Muling nag-teleport ako sa gawi ni Lala at saka ito sinuntok sa bandang t'yan nya.

Mula sa baba nakita ko ang espada at saka iyon pinulot at muling tumingin kay Lala. Mula sa kanang kamay ay inilabas nya rin ang espada nya. Kaya hindi rin ako nagpatalo pa. Sinugod nya ako at gano'n din ako sa kanyan. Sinalag ko ang espada nya at nagtitigan kami sa mata. Nakikita ko ang galit mula sa mga mata nya at ramdam ko ang galit nya dahil sa nanginginig nyang mga kamay. Sinipa nya ako dahilan upang napaatras ako pero hindi ako nagpatalo. Banayad ang bawat kilos naming dalawa at ramdam kong malakas rin sya.

Hindi ko aakalain na magkakaganito ang Lala na nakilala ko noon. She's beautiful and the kindest girl that I've ever met. I treat her as a sister of mine, and I was shocked when she confessed her feelings for me. But I don't have any feelings for her. Hindi ko aakalain na sya ang dahilan bakit ako isinumpa. Dahil sya din pala ang puno't dulo nito.

--- Flash Back ---

Habang nag-iisa sa gubat nakarinig ako ng tinig na nanghihingi ng tulong. Agad ko 'yon pinuntahan at nakita ko ang babaeng napapalibutan ng mga mababangis na hayop. Agad ko syang tinulungan at agad na kinalaban ang mababangis na hayop na 'yon. Natakot sila sa 'kin agad kong inalalayan ang babae.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Nakatulala sya sa 'kin at tila nakakita ng anghel. Ngumiti ako sa kanya. "Mukhang ayos ka lang?" muling sabi ko pa.

Nang makatayo sya ay inayos nya ang sarili nya at inilahad ang kamay sa 'kin. "Ako si Lala! Ikaw anong pangalan mo?" Nakangiting tanong nya sa 'kin.

"Aziel. Natutuwa akong makilala ka. Anong ginagawa mo dito sa gubat?" tanong ko.

"Naligaw kasi ako. P'wede mo bang ituro ang daan?"

"Sige, hahatid na kita sa inyo." Hinatid ko sya.

Mula rito sa gubat naro'n ang tirahan nila at nakikita kong galing din ito sa magandang angkan. Maganda sya at hindi iyong maipagkakaila. Ilang araw ang lumipas at madalas kaming nagkikita. Habang lumalaki kami'y pansin kong mas lalong dumidikit sa 'kin si Lala. Masaya kaming nagtatawanan. Minsan ay lumilibot kami sa buong Lamia. Nakilala na rin ng buong Lamia si Lala dahil narin sa galing nitong gumawa ng mga potions at mga gamot. Hindi kataka-taka iyon dahil isa syang mangkukulam.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now