CHAPTER 23

281 14 0
                                    

AZIEL'S POV

"Alam mo amo kong g'wapo nalilito ako sa k'wento mo, e. Biruin mo? Hinalikan mo ang fiancé ng kaaway mong si Zime? Hindi ka patas among g'wapo! Hindi talaga!" ani ni Brix

"Oo nga tama si Brix! Hindi ka patas. Sabi mo mahal mo si Mommy Chishelle. Cheater ka!" sulsul naman ni Fuji.

"Both of you are stupid!" inis na sabi ko habang hilot ang aking sintido.

"Ayusin mo disisyon mo sa buhay, Aziel," sabi naman ni Frinx.

"Maayos ako, itong puso ko hindi." Sabay turo sa kaliwang dibdib ko.

"Imbis na solohin mo ang kung ano d'yan sa loob mo, bakit hindi mo sabihin sa amin ang dahilan?" seryosong sabi ni Fuji.

I looked at them with no reaction. I've always been with Chishelle, but I didn't feel the same feelings as before. Simula ng araw na 'yon sa palasyo ni Zime. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila kay Chishelle. Iba ang aura nya, iba sa Chishelle na binantayan ko ng sampung taon. Hindi ako makapaniwalang mangyayare 'to dahil una sa lahat, I'm in love with her. Pero nababago pala ang pagmamahal? Kinuwento ko sa kanila ang kung anong nakikita kong kakaiba kay Chishelle. Lahat ng 'yon ay hindi sila makapaniwala. Kahit ako ay gano'n rin. Pero mula ng bumalik kami rito sa mundo ng mga tao ay hindi ako makapaniwalang wala syang alam sa kung ano ang mero'n sya at kung sino ang Tito Adonis nya sa kanya. I was actually suspecting her. Pero ano nga ba ang nangyare bakit naging gano'n sya?

Mula ng makilala ko si Charm, I actually feel the pain inside me. I also feel the excitement at nararamdaman ko lang 'yon tuwing nand'yan si Chishelle noon. Ang kakaibang mata ni Charm ang syang nakapagpapukaw sa 'kin. Sa hindi ko malamang dahilan ay nakikita ko ang kakaibang reflection ni Chishelle sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang nangungulila ako gayong kasama ko naman sya sa mansyon araw-araw. Simula no'n hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong asarin at puntahan sya. Kahit pa alam kong masasaktan ko si Chishelle pero iba ang nararamdaman ko kay Charmeine. Kakaiba talaga at gaya ng kay Chishelle noon, sobrang lakas lagi ng kabog ng puso ko at sobrang nae-excite na makita sya sa school na 'to.

"Kailangan nating malaman kung ano talaga ang nangyare ng gabi na 'yon," I said, habang hinihimas sila Sun at Moon.

"Pero amo kong bampira paano naman?" tanong ni Brix.

Napatingin ako kila Sun at Moon. Tumingin ako sa kanila at napakunot sila ng noo sa 'kin. I know what I'm going to do now. Tumayo ako dala ang dalawang pusa na sila Sun at Moon.

"Boss sa'n punta?" takang tanong ni Frinx.

"Secret," I said, saka nag-teleport sa rooftop.

Tinignan ko ang buong paligid at hinagilap ng mga mata ko ang presensya ni Charmeine. Nang makita ko ito'y nilapag ko sila Sun at Moon. "Alright, babies. We have a mission. You need to choose between two ladies. It's either your Mommy Chishelle, or my chosen bride Charmeine. You need to recognize who's your Mommy to those two ladies," I said.

"Mweow," sagot ng dalawang pusa na ikinatuwa ko.

Maybe that's yes, "Ok, your Mommy was there over the garden. I know you know what your Mommy smells, right? Then, you need to help me to know if your Mommy Chishelle is real or not." Pinakawalan ko sila.

Bumaba ako at nilapag silang muli saka umalis at bumalik ng rooftop to watch what they going to do. I heard Brinx, Frinx, and Fuji's footsteps. But I focus myself on the cats. Nag-umpisa na silang mang-sniff.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now