CHAPTER 22

290 15 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Three years before

Natuloy ang balak nila Lala at Zime mula kay Chishelle. Kinuha ni Zime ang dugo ni Chishelle at inilagay ito sa isang bote na maaring sisidlan nito. Lingid sa kaalaman ni Lala na hindi talaga balak ni Zime kunin ang dugo ni Chishelle upang maging malakas na Alpha. He wants it just to change the destiny of Chishelle. He wants her, he loves her more than his life. He doesn't need anything than her. Kaya nya gustong kunin si Chishelle mula kay Aziel dahil sa sobrang pagmamahal nito sa babae. Ano man ang magyare ay hindi nya hahayaan na mapunta ito sa iba. Gagawin nya ang lahat upang mapunta ito sa kanya kahit pa sa maling paraan. He also wants to save her from those evil who want to kill her because of who she is. Being a blooded angel human is not easy.

"Hindi ko aakalain na darating ang araw na ako ang aangkin ng katawan mo," he said.

Iba na ang anyo ni Chishelle. She's now a simple human without any blood of being angel. Nakuha ni Lala ang katawan at anyo ni Chishelle. Habang si Chishelle naman ay nabago ang anyo. Maganda parin ito ngunit hindi na katulad ng kung sino sya mula sa katawan nya. Katulad ng napagkasunduan ay dinala ni Zime si Chishelle sa mundo ng mga tao. Inasikaso ang kung anong dapat asikasuhin. Hanggang sa mabago nito ang pangalan ni Chishelle. Alam nya ang pangalan nito noon. Kaya naman ang unang pangalan ang inilagay nya at ito ang pangalan kamumulatan nya. Ilang b'wan ang lumipas bago tuluyang magising si Chishelle.

"Charmeine," agad na bungad nito sa kanya.

Hindi alam ni Chishelle kung ano ang ire-react nya. "S-sino ka?" she asked on him.

Nasisigurado ni Zime na hindi na naalala ni Chishelle kung sino talaga sya, "W-wala ka bang naaalala?" he asked.

Para makasigurado ay kailangan nya itong tanungin. Sunod-sunod na umiling si Chishelle. Kung gano'n ay tagumpay nga ang ginawa ni Lala. Ani nito sa kanyang isipan. Ngumiti sya kay Chishelle saka nito hinaplos ang buhok nito at ang mukha.

"I'm Zime, and I'm your fiancé. You are Charmeine Anderson," he said.

Ngunit hindi alam ni Chishelle kung paniniwalaan nya ba ito o hindi. Hindi sya sumagot at nanatiling tahimik. Walang kibo si Chishelle at wala 'ni isang tanong. Pilit na kinukumbinsi ni Zime si Chishelle sa pangalan at sa kung ano sya ngayon. Paulit-ulit nitong tinanong kung nasa'n ang mga magulang nya, sinong kamag-anak nya at ano ang nangyare sa kanya.

Ngunit taliwas na k'wento ang sinabi nito kay Chishelle na syang pinaniwalaan naman ni Chishelle. Pinagpatuloy nya ng pag-aaral si Chishelle at hinayaan sa kung anong gusto nito. Gusto nya ng maangkin lahat ng pagkatao nito ngunit kapag nababanggit ang kasal ay umuurong ito. Hindi pa handa si Chishelle para do'n at parang hindi nya kakayanin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ayaw ni Chishelle matuloy ang kung anong meron sila ni Zime no'n.

Ramdam ni Zime ang pagkailap ni Chishelle. Paulit-ulit na gano'n ang araw na lumilipas at patuloy rin itong iniiwasan. Nagiging mailap si Chishelle sa kanya at bini-busy ang sarili sa kanyang pag-aaral. Hindi sila nagkakatagpo kahit pa iisang bahay lang silang dalawa. Hindi alam ni Zime kung paanong makukuha ang puso ng kanyang minamahal.

Ngunit sa kaharian ng Lamia, kung sa'n naro'n si Lala sa katawan ni Chishelle. Nakukuha nya ang ano mang naisin nya. Nakukuha nya ang kung anong gusto nya. Pero si Aziel ay may hindi maipaliwanag na nararamdaman mula sa kanyang mahal. Iba ito sa kung ano sya no'n. Ang pagiging masyadong malapit nito ay hindi ugali ng taong mahal nya no'n. Lumipas man ang panahon ay alam nyang hindi gano'n kadali mula sa kanyang mahal ang magmahal pabalik.

"Do you remember when we first met?" tanong nito kay Chishelle.

Nangunot ang noo nya at hindi alam kung ano ang isasagot kay Aziel. Una sa lahat, sya si Lala, hindi si Chishelle kaya hindi nya alam kung ano ang isasagot. Pero mula sa memorya ni Chishelle sa kanyang katawan ay nakakaya nyang malaman ang bawat ditalye ng kanilang pagkikita.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now