CHAPTER 11

452 16 0
                                    

CHISHELLE’S POV

Habang nakaupo at nakapatong ang ulo ni Aziel sa lap ko ay pinagmasdan ko sya. Ang puti nya talaga parang wala syang dugo pero ang g’wapo nya tapos para syang si Edward sa twilight. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Una namatayan ako ng mga magulang. Pangalawa naiwan ako sa puder nila tita Mina. Wala akong ibang hinangad kung ‘di ang magkaroon ng masayang pamilya pero pinagkait ‘yon sa ‘kin. Kapalit no’n ang kayamanan na iniwan ng mga magulang ko sa ‘kin. Pero sa lahat ng ‘yon, wala naman akong ibang naging kasiyahan sa mga ‘yon. I have the things that all I want. But there’s nothing with that things makes me happy.

Tumagilid sya at napaangat ako ng kamay ko ng bigla nya akong niyakap at parang tumigil ang paghinga ko. Nang maramdaman kong hindi na sya ulit gumalaw hinaplos kong muli ang buhok nya. Hindi ko aakalain na mero’n pa lang mundong katulad ng Lamia. Ang mundo na ‘to ay sa libro ko lang nababasa. Bawat parte ng palasyo hindi pa rin ako makapaniwala. Nasa mundo ako na puno ng mga bampira. Ang mundo na ‘to ay hindi naman ako kabilang. Hindi ko alam kung ilang minuto kami sa ganoong pusisyon namin ni Aziel. Ewan ko nga kung paanong natagalan ko ang ganito dahil hindi ko naman ugaling umupo ng matagal. Nangangati ang p’wet ko kapag matagal na nakaupo.

Ang ganda ng lugar nila at hindi ‘yon maipagkakaila at sa totoo nyan ay nahuhumaling ako. But I want the world to which I belong with. I don’t want to be an outsider in this world that is full of vampires. Si Azeil ‘yong tipo na gugustuhin mo talaga. Handsome, caring, kind, smart, and sometimes short temper. At sya ‘yong tipo ng lalakeng hinahanap ng mga babae. Gustuhin ko mang gustuhin ka ay hindi ko alam kung paano. Ang ganda ng dagat at  tanaw pati ang palasyo. Nakakamangha talaga. Bumangon si Aziel na hawak ang kanyang ulo. Napakunot ako ng noo at nagulat ako ng tumingin sya sa ‘kin.

“Nakakagulat ka,” sabi ko.

“We need to go back,” he said.

Tumayo sya at tumayo rin ako. Bumalik na kami sa palasyo at sinalubong kami ng hari at reyna. Yumuko ako sa kanila bilang paggalang. “Nalalapit na ang susunod na kabilugan ng b’wan. Nalalapit na rin ang inyong pag-iisang dibdib,” sabi ng reyna at hinaplos ang mukha ko.

Tumingin ako kay Aziel na walang ano mang expression. Mula sa taas bumaba si Fuji at nag-anyong Harith na naman. Lumapit sya sa ‘kin at saka ako niyakap.

“Finally Mommy na kita,” sabi nito.

“You fucking husky!” inis na sabi namab ni Aziel.

“Baby mo ‘ko ‘di ba, daddy Aziel?”

“I told you! You are not my child!”

“Tch. Mommy Chishelle oh,” sumbong nya habang nakanguso.

“FUJI!” Napatingin ako sa batang babaeng parating.

Para syang si Nana sa mobile legend. Alah?  Ganito ba dito? Adoption ng mobile legend? Lumapit sya kay Fuji at niyakap nito si Fuji.  “Kalia,” banggit na sabi ni Fuji.

Tumingin ako kay Aziel at napatingin muli kay Fuji na yakap ang batang babae. Pareho silang cute tignan.  “Girlfriend mo, Fuji?” takang tanong ko.

“Opo!” proud na sagot nito na ikinagulat ko.

“What?”

“Ang tagal mong nawala sa’n ka nanggaling?”

“Sumama ako sa mahal na prinsipe,” sabi nito.

“Nakakainis ka naman!” sabi nito at muling niyakap muli si Fuji.

Nakakaenganyo silang tignan at napangiti ako dahil sa nakikita ko. Napaatras ako ng biglang nagpalit ng anyo sila Fuji at Kalia. Pero silang naging matured na tao. Maganda at g’wapo. Holy crap! Ang g’wapo ni Fuji at sobrang ganda ni Kalia. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanilang dalawa at pakiramdam ko nga ay tutulo na ang laway ko. Sobrang sweet nila sa isa’t-isa at natutuwa ang reyna at hari sa kanila. Uso ba talaga dito sa Lamia ang ganyang istura? Bakit sa mundo ng mga tao ay wala? Pero syet lang talaga sa mga pakining syet! Ang g’wapo ni Fuji sa totoo lang. Iisipin kong sya ang pinaka g’wapo sa buong mundo.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now