CHAPTER 9

510 23 0
                                    

CHISHELLE’S POV

Nagising ako nang kinaumagahan na med’yo masakit ang ulo ko at masama ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko nilalamig ako at hindi ko alam kung bakit. Sobrang sama ng pakiramdam ko at hindi ako lumabas ng k’warto mula nang magising ako. Tinatamad ako at ang bigat ng katawan ko. Nilalagnat nga ata ako, e. Hindi ko alam kung bakit ako nagkasakit samantalang ang lakas naman ng katawan ko. Nanginginig ang katawan ko at pakiramdam ko ang lamig ng buong paligid. Narinig kong may kumatok sa pinto at mula doon ay nakita ko si Aziel. Nangunot ang noo nitong nakatingin sa ‘kin at agad na nilapitan ako.

Kinapa nya ako at do’n nya napagtantong mainit ako. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nya. Bakit gano’n? Narinig kong tinawag nya ang katulong sa labas. Sobrang lakas ng boses nya at pakiramdam ko ay galit sya sa ‘kin.

“Magmadali kayo!” sabi nito at saka umupo sa tabi ko. “Why you didn’t tell me that you were sick!” he said with a calm voice.

“I can’t get up. Nang magising ako ang sama na ng pakiramdam ko,” sabi ko naman habang nanginginig.

“Shit.”

“P-p’wede bang... yakapin mo ‘ko para mawala kahit paano ang lamig na nararamdaman ko,” sabi ko at nakita kong nalito sya sa ‘kin.

Kahit na nalilito sya ay ginawa nya pa rin ang kung anong sinabi ko at saka sya tumabi sa ‘kin at niyakap ako. Hanggang sa dumating na ang manggagamot. Infernes naman sa mundong ito ay may mangagamot din pala. Hindi ko na alam kung anong ginawa sa ‘kin. Basta inantok na ako at gusto ko ng matulog.

----------

Narito na naman ako sa k’warto kung sa’n ako no’ng gabing naririnig kong tila humihingi si Mommy ng tulong. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung paano akong tatayo. Nanginginig ang buong katawan ko at ramdam ko ang bawat pag-iyak ng magulang ko.

“Ch-Chishelle,” banggit nila sa pangalan ko.

Pero lakas loob kong tumayo at pinihit ang door knob. Hanggang sa makita kong nakahandusay sila. Walang buhay at puno ng dugo ang paligid. Isang tao ang nakatayo sa harapan ko at hindi ko man lang sya maaninag. Itim ang nakikita ko. Natatakot ako.

----------

“Mommy!” Napabalikwas ako ng bangon at nakita kong nalaglag ang towel sa noo ko.

Napakunot ako ng noo dahil do’n. Hindi ko aakalain na magigising ako sa isang bangungot na naman. Pinagmasdan ko ang towel at mula sa kabilang side ay nakita ko ang natutulog na Aziel. Naro’n din si Fuji na tulog. Napabuntong hininga ako at napahawak sa ulo ko. Muli akong humiga at tumulala sa kisame. Hindi ko maintindihan. Sino ba ang lalakeng ‘yon? Bakit sya ang lagi kong nakikita sa panaginip ko at parang sya ang tinutukoy na sanhi ng pagkamatay ng mga magulang ko.

Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas at bumungad ro’n si Brix. “OMG amo kong maganda magaling ka na ba?” nag-aalalang tanong ni Brix dahilan upang magising si Aziel.

Agad na tumingin sa ‘kin si Aziel at kinapa ang noo ko. Napatitig lang ako sa ginawa nya at gano’n din si Brix. Tila nakahinga naman sya ng maluwag ng mapagtantong wala na akong lagnat. “Mabuti naman at magaling ka na,” sabi nya habang nakahawak sa kamay ko.

“Pasensya na. Med’yo kasi hindi pa ako sanay dito,” sagot ko naman.

“It’s ok, malamang ay namamahay ka pa,” sabi naman nya at saka ako tumango.

Pero sandali akong napatitig sa kanya nang mapagtantong pareho sila ng pigura nang lalakeng basa panaginip ko. Pero ang lahat ng ‘yon ay masamang alaala ko na at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala. “I will prepare your breakfast,” paalam nito at saka nya ako hinalikan sa noo na syang ikinagulat ko.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now