CHAPTER 3

839 34 0
                                    

CHISHELLE’S POV

Nakatayo parin akong nakatingin kay Aziel at hawak ang dalawang pusa sa magkabilang braso habang si Fuji naman ay nakaharap lang sa kanyang amo. Ang kakaibang imahe sa isip ko’y hindi ko matukoy kung sino. Para kasing ang lalaking narito sa condo ko ay isang masamang panaginip sa nakaraan ko. Hindi ko alam pero parang ang bigat sa pakiramdam. May mga alaala atang nawala sa ‘kin ng mga panahon na ‘yon pero paano? Sino ba ‘yon? Napaitlag ako sa pagtitig sa kanila ng may mag-door bell at agad na binuksan ko ‘yon at nagulat ako sa tumambad sa ‘kin.

“Tita.”  Gulat na sabi ko.

“Kaya pala ilang linggo ka ng hindi umuuwi dahil dito ka na tumira? Sa’n ka kumuha ng pera!?” Napaatras ako at hindi ko alam ang sasabihin.

Biglang sumulpot si Aziel at walang emosyon na tinignan ang tita ko. Naro’n pala sa likuran nya sina Anna at Ninna. Gano’n pa man ay nakita ko kung paano nilang pagnasahan ang lalaking nasa likuran ko sa kanilang mga mata. Si Tita ay tila hinuhusgahan ako sa paglipat-lipat ng tingin nya sa ‘kin at kay Aziel.

“P-pa’no nyo ho nalaman na nandito ako?” takang tanong ko upang mabaling sa akin ang tingin nito.

“Hindi ako tanga  Chishelle! Anong akala mo? Hahayaan kita? Malaki ang utang na loob mo sa ‘kin!” ayon na naman ang litanya nya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at akmang susugurin ako ni Tita ng biglang humarang sa harap ko si Aziel. Nagulat si Tita sa ginawa nito at tila naiinis naman ang dalawang anak nito sa likod. Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan kong pagbayaran lahat ng paghihirap nya sa ‘kin samantalang bayad na ako para do’n dahil sa mga business na naiwan sa ‘kin ng mga magulang ko. Halos sila ang umangkin ng lahat na dapat ay akin. Bakit nga ba kasi hindi ako nakinig no’n kay Tito? E’di sana hindi humantong sa ganito ang lahat.

Akala ko no’ng una ay mabait si tita Mina pero nagkamali ako pero hindi ako galit sa kanya. Nauunawaan ko sya kahit pa ang init ng dugo nito sa ‘kin. Payuko ako dahil na rin sa hiya. Ako ang may mali.

“She’s done with it.” Napaangat ako ng tingin at nakita ko mula sa likod nya si Tito.

“Aba’t? Ano ang ginagawa mo dito! Siguro ay ikaw ang kumukunsinti sa batang ‘to ‘no? Para ano? Bawiin nya ang lahat at sa ‘yo mapunta?” Napailing si tito Adonis sa sinabi ni tita Mina.

Pero si Aziel ay tahimik lamang at nakikinig ng usapan nila Tita. Maski ako ay hindi rin nakapagsalita pa. I feel the pain in my heart, parang may libong crayom na tumutusok sa ‘kin. “She have a right para kunin ang kanya. Besides, you are just her Aunty… Mina.”

“Huh, and you are? Tito ka lang din naman nya.”

“But the decision is on her,”  sagot ni Tito.

Lumapit si Tito sa gawi namin at kunot noo na tumingin kay Aziel.  “I saw you before. Who are you?” takang tanong nito.

“Ah… Tito... A-ano kasi,” hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

“Tsk. Bata ka pa para lumandi. Tumira ka sa condo na ‘to para sa lalake mo? Makati ka ring bata ka ‘no?” sabi nito at hindi ko alam pero ang sakit no’n.

Pumatak ang luha ko at dumapo ang tingin ni Aziel sa ‘kin. Tumingin sya sa Tita ko at hinawakan ni Tito ang braso ko. Lumapit ito kay Anna at si Anna naman ay tila kinikilig sa kanya. Hinawakan nya ‘to sa pisngi na ikinataka ng Tita ko.

“Your daughter has a beautiful face like yours.” Tumingin si Aziel kay Tita saka ngumisi. “Pero kasi ang maamong mukha may kademonyohang tinatago,” makahulugang sabi nito na ikinagulat ko.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now