CHAPTER 19

316 19 0
                                    

CHISHELLE'S POV

Nagising ako sa kamay na humaplos sa aking mukha. Nang imulat ko ang mata ko ay do'n ko nakita ang mukha ni Aziel. Ang liwanag no'n. Ang mata nya ay kulay pula na habang ang labi nito'y gano'n na rin. Maputla ang kanyang balat pero ang g'wapo parin nya. Bumangon ako at mabuti na lang ay maayos na ang pakiramdam ko. Tinignan ko ang kabuuhan nya. Ang daming nagbago pero still, si Aziel parin ang kaharap ko. Ang kurona mula sa kaniyang ulo ay nagbibigay ng mensaheng makapangyarihan sya. Napangiti na lang ako dahil sa nakita ko.

"How's your feeling?" tanong nya.

Tinignan ko ang kamay ko. Pinakiramdam ko ang katawan ko at much better na ako ngayon. Napatingin ako sa salamin at mula ro'n ay nakita ko kung gaano nagbago ang itsura ko. Sa puting bestida lumabas ang aking tunay na ganda at tumingin ako sa kanya.

"Much better, unlike yesterday," I said with smile.

"What do you want to eat?" he asked again.

Napaisip ako. Ano nga ba ang gusto kong kainin? "Kahit ano basta luto mo," sagot ko.

"Ok, I'll cook for you. Better to get up and take a shower first." Tumango ako sa kanya bilang sagot saka ito lumabas ng k'warto.

Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Hindi ko maintindihan pero alam kong may kakaiba mula sa aking katawan. Makalipas ang ilang araw na halos hindi ako makabangon at para akong lantang gulay at ngayon ko lang muling naramdaman ang ganitong pakiramdam. Para akong bagong silang. Tumayo ako saka inasikaso ang sarili ko. Nang matapos maligo at magbihis ay bumaba ako para puntahan si Aziel. Nang makarating sa kusina, agad kong naamoy ang kanyang niluluto. Napangiti ako dahil do'n at nang masilayan sya ay mas lalo akong napangiti. Kahit saang angulo tignan ay ang g'wapo pa rin talaga nya. Hindi 'yon maipagkakaila at sobrang nakakahumaling. Muli kong naramdaman ang kakaibang kaba sa aking dibdib.

(Play music: Ganito na pala ang pag-ibig)

Kumakatok, sa dibdib
Ito na ba ang pag-ibig
Nalilito, nababaliw
'Di mapanatag ang damdamin

At hindi napapansin
Takbo ng oras sa tuwing
Ikaw ay kasama
Walang ibang ligaya

Napangiti ako sa naririnig kong kanta mula sa hindi ko malamang dahilan. Napatingin sya sa 'kin at napahinto ako ng makita ang ngiti nya. May namutawing kiliti mula sa aking sistema.

Ganito na pala ang pag-ibig
Ala-ala ka sa araw gabi
Sa pagtulog ko at sa paggising
Laman ka ng bawat dalangin
At ikaw ang hangad
Nitong pusong sabik
At labis ngang nagmamahal
Sa isang iglap lang
Ay nahulog na nga
Ganito ganito
Ganito na pala ang pag-ibig

Lumapit ako sa kanya saka namangha sa mga handa nyang pagkain. Hindi ko aakalain na magaling syang magluto.

"Required ba pag nagluluto ka na may korona?" Natatawang tanong ko.

"Tch. I'm a king." Nakangiwing sagot nya.

"P'wede ba tayong bumalik sa mundo ko for the next semester?" tanong ko.

Lumapit sya sa 'kin saka hinawakan ang kamay ko. "Gawin mo ang gusto mong gawin. Basta uuwi ka rito after semester," he said.

Ang amo ng boses nya. Hindi gaya noong una kaming nagkita at nagtagpo na parang walang buhay. Ngayon ay maamo na parang ang possessive. Bago ito sa akin at hindi ako sanay sa kung anong pinapakita ni Aziel. Tingin ko ay may hindi ako alam mula sa kanya na hindi nya kayang sabihin sa 'kin. Kumain ako at pinagmasdan lamang ako ni Aziel na kumain.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt