CHAPTER 30

414 17 0
                                    

CHANTAL'S POV

Kinabukasan paggising ko tinamad akong bumangon. May pasok ako pero tinamad akong pumasok dahil sa nangyare kagabi. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung totoo ang lahat ng iyon. Hindi talaga ako bumangon. Hanggang sa marinig ko ang katok sa pinto ko at agad na napatingin do'n.

"Ano ba Charl!!! Sinabi sa 'yo ayoko!!!" inis na sabi ko.

"Charl is not here." Nanlaki ang mata ko ng marinig ang tinig.

Napatayo ako sa kama ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Sa'n ako magtatago? Mas lalo akong kinabahan ng pihitin nito ang door knob at sa sobrang taranta ko ay tumama ako sa pinto ng banyo at napasalampak ako sa sahig. Napainda ako sa noo ko. Nakita kong nataranta si Aziel at agad nitong nilapag ang hawak nya saka lumapit sa 'kin.

"King ina?" inis na sabi ko sa sarili ko.

"Do you think tatagos ka sa pinto?"

"King ina talaga. Nakakainis!!!" inda ko habang nakapabauktot.

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak. Hindi ko alam anong gagawin ko kung tatayo ba ako o hindi. Iyak tawa tuloy ako dahil sa sobrang lakas ng pagtama ko sa pintuan ng banyo. Inalalayan ako ni Aziel at saka pinaupo sa kama at napatingin ako sa salamin. Nanlaki ang mata ko ng makita ang sarili ko na may sungay sa gitna mismo ng noo.

"HAHAHAHAHAHA! KING INA TALAGANG BUHAY 'TO!" tawa ko sa sarili ko habang hawak sa noo ko.

"Sandali kukuha ako ice sa ref." Tumango lang ako kay Aziel at sa isang iglap ay narito na ulit sya sa harapan ko habang hawak ang ice pack.

Nilagay ko 'yon sa noo ko at nakangusong tumingin sa kanya. Kung hindi ba naman ako nataranta hindi sana ako tatama sa pinto ng pesteng cr na 'yon. Naamoy ko ang pagkain na dala nya at nakita ko 'yon. Ang paborito kong almusal sa umaga. Fried rice with fried egg and hotdog. Ang sarap no'n sa pang-amoy ko at natatakam ako ro'n. Inalis ko ang ice pack saka lumapit sa pagkain na nakahanda at saka tinikman iyon. Napa-waw ako kasi ang sarap nya magluto kahit friend rice lang 'yon.

"Mero'n nga kayong pinagkaiba pero hindi nalalayo sa panlasa."

"Ha? Sino?" takang tanong ko.

"Nothing. Just finish your food," sabi nya na sinunod ko naman.

Sa sobrang sarap no'n ay nag-request pa ako ng isa pa dahil hindi pa ako nabubusog. Muli syang nagluto at sumunod ako sa kusina. Hindi ko pinalampas na panoorin sya dahil ang g'wapo kasi. Pero paulit-ulit na nagpa-flash back sa 'kin ang nangyare kagabi at napahawak ako sa labi ko ng maalala ang mga sandali na 'yon. Napangiti ako ng bahagya at hindi ko inaasahan ay nagulat ako ng biglang lumitaw ang mukha ni Aziel sa harapan ko.

"Kabayo!"

"Do I look like horse?"

"Bampira?"

"Tsk."

"E, bakit kasi biglang sumusulpot!" inis na sabi ko saka umayos ng upo.

"Tapos na kasi itong niluto ko. Nagpapantasya ka kaya hindi mo 'ko naririnig." Napangiwi ako sa sinabi nya.

Muli ay natakam ako at muling kumain. Umupo sya sa harapan ko habang nakapatong ang parehong sino sa lamesa at ang mukha sa palad nya. Tuloy ay naiilang ako sa ginagawa nya kasi hindi ako sanay. Ganito ba talaga ang feeling matitigan ng g'wapo?

"Alam kong pangit ako. Hindi pa kasi ako naliligo."

"Alam ko."

"Na pangit ako?" takang tanong ko.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora