CHAPTER 27

313 16 0
                                    

CHISHELLE'S POV

Hindi ko alam na after many years ay makikita ko sya at nasa harapan ko sya ngayon habang yakap ko sya. "D-daddy," muli pang sabi ko habang yakap sya.

"Natutuwa akong ligtas ka, Chishelle," sabi nito habang hawak ang pisngi ko.

"Ano po bang nangyayare? Bakit ako ang habol nila? Ano po bang mero'n sa dugo ko? Hindi naman po ako anghel," naguguluhang sabi ko.

"May dugo kang anghel na syang susi sa pagbubukas ng lagusan. Ngunit dahil sa kagustuhan ng iyong ama na iligtas ka inialay nya ang buhay nya. Lalo na ng ipanganak ka, mabuti na lang at naro'n ang Mommy mo no'ng manganak ang iyong tunay na ina," lalo akong naguluhan.

"A-ano?"

"Ngayon na wala na sa 'yo ang dugo na 'yon, hindi sila titigil hangga't hindi nakakasigurado. Nasa'n na ang dugo?" Tumingin sya kila Aziel.

May nilabas itong bote at nang makita ko 'yon ay nanlaki ang mga mata ko. Ibig sabihin ang gabi na 'yon ay ang pagkuha ng dugo sa 'kin? Binigay ni Aziel 'yon kay Daddy at saka naman ito tinago ni Daddy. Sumugod ang mga nilalang na 'yon at agad akong hinawakan ni Aziel at saka inilayo mula ro'n. Pero hindi ko magawang iwan ang Daddy ko. Gusto kong itanong kung sino ang tunay kong mga magulang. Anong itsura nila at sinong kamukha ko. Hindi pa kami tuluyang nakakalayo ng may humarang sa aming harapan. Sumasabay si Lala sa gulo at alam kong hindi sya magpapatalo.

Nakikita ko kung gaano kagalit sya ngayon. Napatingin ako kay Aziel at nakikita kong galit rin ito kay Lala. "3,000 years ago, naro'n ako kasama ka. Masayang nagkukuwentuhan, masaya ang bawat sandali," nanatili kami sa gano'ng p'westo.

"Alam mong hindi kita gusto, Lala. Tinuturing lang kitang parang kapatid ko," sagot ni Aziel.

"Iyon na nga! Kapatid lang!!! Iyon ang ikinagagalit ko! Hindi ka magiging akin! Hindi kailan man kaya kita sinumpa! Kung hindi ka mapapasa akin mas mabuti pang hindi ka rin mapasa kanya!!!" galit nitong sabi.

"Itigil mo na, wala kang mapapala pa. Can't you just set me free? If you love me you need to accept the fact, Lala," sabi ni Aziel sa kanya.

Patuloy ang palitan ng salitaan. Hindi ko alam sa'n ako dapat lulugar. Ang gulo ng nangyayare.

"Nakikiusap kami Lala, please lang," sabi ko.

Napasinghap ako ng tumingin sya sa 'kin. Napahawak ako kay Aziel at naramdaman ko ng kakaibang kaba sa dibdib ko. "Hindi mo 'ko madadaan sa pakiusap. Isa pa, akala nyo ba papayag akong maging masaya kayo? Habang ako naman ay nagdudusa?" Ngumisi ito at naglabas ng espada mula sa kanyang palad.

Sumugod ito na agad namang sinalag ni Aziel. Alam nyang ako ang pupuntiryahin ni Lala at alam nyang hindi sya. Napaatras ako dahil do'n. Hindi sya nakatingin kay Aziel kung hindi sa 'kin. Buong buhay ko nag-isa ako, buong buhay ko kinaya kong harapin mag-isa ang mga pagsubok ko. Ang gulo ng basa paligid ko. Nagugulo ang utak ko. Hindi ko kasi alam sa'n ko dapat ilulugar ang sarili ko. Sa dami ng nangyare 'ni isa do'n hindi ko alam kung alin ang naging masaya. Feeling ko pinagkakait ng tadhana ang maging masaya ako. Kahit man lang sa piling ng mga taong nagmamahal sa 'kin.

Una ay nawala ang mga totoong magulang ko. Tapos nawala ang inuturing kong magulang. Tapos nang mawala sa 'kin si Aziel. Tapos ito na naman? Wala na bang katapusan ang pagpaparusa? Hanggang kailan ba ako dapat magdusa. Hindi ko maalalang may mabigat akong kasalanang ginawa. Hindi kailan man sa buong buhay ko nagawa ang bagay na alam kong ikasasama. Mula sa taas ay bumulusok si daddy ng bagsak kasabay no'n ang isang lalake. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at nakita ko ang sugat nito sa bandang t'yan.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon