CHAPTER 7

612 21 0
                                    

CHISHELLE’S POV

Nagising ako sa tahol na naririnig ko. napahawak ako sa ulo ko at pagtingin ko si Fuji pala. Napatingin ako sa kabuuhan ng k’warto at para akong na-amaze. Ang ganda nito at pang royal ang tema. Hindi ko naman naalalang may ganito kaming kalaking bahay. Isa pa hindi rin naman kami gano’n kaya naman. Napahawak ako sa ulo ko at saka ko naalala ang nangyare. Napatakip ako ng bibig ko at hindi makapaniwala. Lalong naguguluhan sa nangyayare at hindi ko alam kung anong dapat gawin. Totoo ba ang nakita ko ng gabi na ‘yon? Sino sya? Bakit parang kilala nya ako? T’saka si Aziel. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko mula ro’n si Aziel. Presko, g’wapo at bakit gano’n?

“Nasa’n ako?” tanong ko.

Ngumiti sya sa ‘kin saka nya ini-snap ang fingers nya at sa isang iglap ay nagbago ng anyo si Fuji as batang may tenga ng husky at buntot ng husky. Sa taranta ko ay napatalon ako sa higaan at lumapit kay Aziel.

“B-bakit... b-bakit ganyan? M-may magic ka? H-hindi ka aso, F-Fuji? T-teka ano bang nangyayare?” hindi makapaniwalang saad ko habang nauutal.

“Magandang umaga Mommy kong Chishelle. Isang malugod na pagbati mula sa anak ni Daddy Aziel!”

“Waaaa! Nagsasalita ka?” Lumapit ako kay Fuji saka hinawakan ang tenga at buntot nya.  “Ang astig,” manghang sabi ko naman.

Bigla akong hinila ni Aziel at napatingin ako sa kanya. Namutawi ang kaba sa dibdib ko at ramdam ko ang kuryenteng tila dumaloy sa katawan ko. Ang titig nya ay nakakatunaw na parang araw at ako naman ay parang ice cream. Those eyes are beautiful, yet it looks so deep ‘cause of their color. Mula sa pintuan lumabas ang mga maid at nakahelera silang nakayuko. Nagtaka naman ako at si Aziel naman ay sinenyasan sila. Bigla akong hinawakan no’ng isa at binitbit at ako naman ay nagpatianod. Hindi ko alam kung sa’n nila ako dadalhin. Hanggang sa huminto kami sa isang k’warto at pagpasok do’n ay namangha ako. Puno ng mga royal dress at ang gaganda.

“Kailangan nyo na pong maligo, Lady Cheshelle.” Nangunot ang noo ko pero binigyan ako nito ng tuwalya at saka robe.

Tinulak ako papasok ng banyo at namangha na naman ako. Ang laki nito at parang isang buong k’warto. Naro’n ang tub na malaki rin at kasya siguro ang limang tao. Nakahanda na rin ito at may petals pa na nakalutang. Hindi ako makapaniwala. Sinunod ko ang sinabi no’ng babae at naligo na ako. Matapos ‘yon paglabas ko ay inihelera sa harap ko ang sobrang daming dress.

“Ano po bang mero’n? Bakit may ganito?” tanong ko sa isang matanda na wari ko ay mayordoma.

“Naghahanda ang lahat sa isang selebrasyon. Ang pagdating ng itatakdang hari at ang mapapangasawa nito,” sabi niti at hindi ko maintindihan.

“Sinong hari?” takang tanong ko.

“Bihisan na sya.” Bigla naman akong hinila ng isang katulong at saka ako pinasuot ng isang blue dress with white sa may ibabang bahagi.

Ang ganda no’n at ang sarap sa mata. Sinuot ko ‘yon. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at do’n ko nakita ang magandang ako. Hindi ako makapaniwala ngayon lang ako nakasuot ng ganitong klaseng royal dress isa pa, hindi naman ako nakaranas ng debu dahil hindi ako pinayagan ng Tita ko. Lumabas na kami at mula sa labas ay naro’n si Fuji na naging aso na at si Aziel na g’wapo pa rin kahit na anong gawin nya. Napabaling ang tingin nya sa ‘kin at gano’n din si Fuji. Hindi ko alam kung anong nakita ko mula sa mga mata nila pero ang sarap yata no’n sa pakiramdam. Ang kinang ng mga ito at hindi naaalis sa ‘kin. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

“ARF!” Nagulat si Aziel sa tahol ni Fuji.

“Damn fucking you, Fuji!” inis na sabi nya at natawa ako dahil do’n.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now