CHAPTER 8

580 20 1
                                    

CHISHELLE’S POV

Nagising ako sa amoy ng pagkain. Agad na kumalam ang t’yan ko at iminulat ko ang mga mata ko at saka napatingin sa side table. Naro’n ang pagkain at mukhang masarap. Dahil sa kalam ng t’yan ko ay kumain ako at nilantakan na ito. Hindi ko aakalain na magiging ganito kagutom ang paggising ko. Pero teka ka? Tama ba ang naririnig ko kagabi? They are all vampires? Matapos kong kumain saktong dumating si Fuji at agad akong dimamba.

“Oh, gosh, Fuji!” sita ko dahil nagulat ako sa ginawa nya.

“Arf!!”

“Nagulat ako! Alam mo bang kakakain ko lang,” inis na sabi ko at umayos naman sya.

“Sorry Mommy kong maganada.”

“PAKSYET!” gulantang na sabi ko dahil bigla syang nagpalit ng anyo.

“Aluh! Pasensya na,” agad na sabi nya.

Napasapo ako sa dibdib ko at napairap nalang sa ginawa nya. I don’t think that he’s a child with husky ears and tail. He looks like Harith in a mobile legend. Hindi kataka-kata dahil uso naman sa kanila ang magic’s. Tumayo ako at tumingin sa bintana. Sumilay ang araw at do’n ko nakita ang ganda ng lugar. Para akong na-excite at akmang lalabas sana ng biglang lumitaw si Aziel sa harapan ko kaya naman napaupo ako. What the hell is he doing? Hobbit nya ba ang maging kabute. Inis akong tumingin sa kanya at humawak sa ulo ko.

“Where do you think you are going?” Naka-cross arms nyang tanong.

“Nakita kong maganda sa labas. Gusto ko sana masilayan.” Nakangusong sabi ko.

“Stop pouting,” tila naiinis nyang sabi.

“Gusto ko ng umuwi. Paano ba umuwi. Kailangan kong mag-aral,” tila naiiyak kong sabi.

“Mommy kong maganda. Hindi ka na makakauwi pa oras na narito ka na. Ikaw kaya ang itinakdang bride ni Daddy kong g’wapo pero bampira.” Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Fuji.

“Shut the fuck up Fuji,” inis na hasik ni Aziel.

“Bride? Magpapakasal ako sa ‘yo? Bakit?” tanong ko.

“Kasasabi ko lang kagabi. Do I need to repeat what I’ve already said?” Napakagat ako ng labi ko saka umupo sa kama.

Sinamaan ko sya ng tingin at hindi kayang mabuhay sa mundong hindi naman akin. Mas gusto ko sa mundo ko. Pero kung narito ako ay hindi ko na makikita pa sila Tita Mina. Hindi ko na rin kailangan mag-aral. Pero kapalit no’n ay narito lang ako sa silid at walang ibang gagawin. Hindi naman ako matutuwa sa gano’n. Lumapit sa ‘kin si Aziel at hinawakan ang kamay ko at napatingin ako sa kanya. Hinila nya ako palabas at parang may mga kumikinang na bagay sa palibot nya. Sobrang nakakaadik ang mukha nya at hindi ko aakalain na ang sarap no’n titigan. Napatingin naman ako sa kamay kong hawak nya at parang kinikiliti ako. Ang lakas ng kabog ng puso ko at hindi ko alam kung ano ang ganitong pakiramdam.

Ngayon ko lang ‘to naramdaman at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no’n. Nakalabas kami ng palasyo at mula ro’n ay may kabayo. Nagningning ang mga mata ko ng makita ito at agad akong lumapit do’n at agad na hinawakan ito at ang dulas nya. Ang lambot ay ang sarap yakapin. Ngayon lang ako nakahawak ng kabayo. Lumapit si Aziel at pinasuot sa  ‘kin ang mahabang hoody. Una syang sumakay at inilahad nya ang kamay nya na inabot ko naman. Nang makasampa sa kabayo ay pinatakbo na nya ito. Napangiti ako dahil ngayon ko lang nagagawa ang bagay na ayaw ipagawa ni tita Mina.

“Dito nakatira ang lahat ng mga bampira?” tanong ko sa kanya.

Sobrang lapit namin at konti nalang ay mahahalikan ko na sya at parang ang lambot ng mga labi nya.  “Oo, lahat ng taong nakikita mo ay mga nasasakupan ko,” sagot naman nya.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now