CHAPTER 18

326 15 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Magmula ng araw na 'yon, hindi nakapagsalita si Chishelle dahil sa nangyare. Dumating ang mga pulis kasabay no'n ang biglang paglitaw ng kanyang tiya Mina na kapatid ng kanyang ina. Mula sa police mobile, kinakausap ng pulis si Chishelle ngunit 'ni isang salita ay walang lumabas sa kanya. Nanatili lang itong tulala at tila walang buhay ang mga mata. Dumating din si Adonis na kapatid ng Daddy nya. Sobrang nag-alala si Adonis sa pamangkin nya. Nagtaka ang mga pulis dahil sa marka mula sa kanilang leeg. Ito ay hindi karaniwan at batid nilang hindi ito mapapaniwalaan. Pero base sa authopsy nila'y bampira ang pumatay sa kanila.

Isang b'wan mula no'n, pinagamot ni Adonis si Chishelle sa isang Psychology. Base sa pag-aaral nila'y sobrang shock at takot ang kanyang naramdaman at trauma sa nangyare at nasaksihan. Kung ano man 'yon ay hindi nila alam. Mula din ng araw na 'yon ay nalaman ni Adonis na palihim na inaasikaso ni Mina ang paglilipat sa kanyang pangalan ng mga businesses nila Alex at Amanda. Dumating sa bahay nila Chishelle ang kanyang tita Mina. Naiwan ito mula sa kanyang pangangalaga.

"Hi, Chishelle." Nakangiting bati nito sa bata na nakatingin lamang at walang emosyon ang kanyang mga mata. "Tsk, kung hindi ko lang kailangan itong bata na 'to hmmp," bulong ni Mina sa kanyang sarili at muling ngumiti ng plastic kay Chishelle.

"Do you want to eat na ba? What do what to eat? Chicken? Beef? Pork? What?" sunod-sunod nitong tanong sa bata.

Ngunit 'ni isa sa mga iyon ay wala syang nakuhang sagot. Nanatiling nakatingin si Chishelle sa kanya at wala paring buhay ang mga mata nito. Mula sa kanyang kamay ay naro'n ang envelop na naglalaman ng mga documents para sa paglilipat ng company nila Amanda sa pangalan ni Mina. Ngunit alam din ni Mina na sa paglipas ng panahon at kung humantong na ito sa tamang edad o gulang ay maaring makuha ni Chishelle ang kumpanya muli sa kanya. Pinaamo niya si Chishelle. Pinagt'yagaan hanggang sa makuha ang thumb print ng bata.

Mula no'n nagpakasasa si Mina sa kayamanan na mero'n si Chishelle. Dinala nya ang dalawang anak sa bahay ni Chishelle at halos itaboy nila si Chishelle. "Magmula ngayon hindi na ito ang k'warto mo." Nangunot ang noo ni Chishelle.

"P-po?"

"Kailangan ko bang ulitin?" mataray nitong sabi.

"P-pero kasi t---"

"Do'n ka sa maids room matutulog. Simula bukas ayaw kong puro maid lang ang kikilos dito sa bahay. Ikaw na ang maghahanda ng almusal sa umaga. Except sa pagpasok mo sa esk'welahan." Mula ng araw na 'yon, si Chishelle ang gumagawa ng halos lahat ng gawaing bahay.

Naaawa ang mga maid sa kanya ngunit wala silang magawa tungkol ro'n. Mula sa hindi kalayuan ay tanaw ni Aziel ang nangyayare mula sa kanyang napiling bride. Hindi iyon ayon sa kanyang plano. Ngunit hindi pa iyon ang sapat na panahon upang magpakita sila. Lumipas ang limang taon, nanatiling gano'n ang buhay ni Chishelle. Nasanay nalang sya sa gano'n na bulyaw ng kanyang tiya. Pero wala na syang magagawa do'n. Mula ng magkaisip sya at gumaling after three years minulat naman sya ng tito nya about sa business company. Sa edad onse ay natutunan na nito ang magpaikot ng negosyo. Palihim nitong pinupuntahan ang tito nya at palihim na pumupuslit sa company nila.

Sa edad nitong trese ay halos napapalago na nito ng kumpanya nila ng palihim at hindi iyon alam ng kanyang tiyahin. Kahit pa man gabihin ito ng uwi o kung sa'n ito galing ay wala naman silang pakialam. Galing sa school dance practice si Chishelle at gabi na ito umuwi sa kanila. May tatlong lasenggo ang sa likuran nya'y nakasunod lang pero naro'n si Aziel na mat'yagang nagbabantay araw-araw kahit sa'n ito magpunta. Mula sa dilim ng daan ay palihim na sumulpot si Aziel sa harapan ng tatlong lasenggo at saka nito pinagbubugbog ang mga ito.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now