CHAPTER 12

392 19 0
                                    

CHISHELLE’S POV

Lumipas ang isang linggo gano’n at gano’n pa rin ang ginagawa ko. Kain, tulog, kain, tulog. Nakakabagot ng sobra at hindi ko alam kung anong gagawin sa maghapon. Wala daw si Aziel ngayon kaya naman lumabas ako ng palasyo at narito ako ngayon sa may hardin. Ang ganda ng mga bulaklak at sobrang lago nilang lahat. Napangiti na lang ako ng masilayan ‘yon. Habang nagmumuni ay biglang lumitaw sa harapan ko si Aziel na syang ikinagulat ko.

“Maghanda ka aalis tayo.” Nangunot ang noo ko sa sinabi nya.

“Saan naman tayo pupunta?” takang tanong ko.

“Iuuwi muna kita habang hinahanda ang kasal natin sa sunod na b’wan,” sabi nya at biglang nagningning ang mga mata ko sa sinabi nya.

“T-talaga?” hindi makapaniwalang usal ko.

“Yeap. So---” Hindi ko na sya pinatapos at niyakap ko sya.

Sa sobrang sabik ko na makauwi ay agad akong tumakbo papunta sa k’warto para magpalit. Ang sarap sa pakiramdam nito at para akong nakalaya sa isang hawla. Kung ano man ang ginawa nya nitong mga nakaraan ay wala na akong pakialam ro’n. Lagi lang kasi akong nasa k’warto at hindi iniintindi ang mga nangyayare. Pero sa ngayon, makakauwi ako at makikita kong muli si tito Adonis. Nang makapaghanda ay masaya akong sumalubong kay Aziel. Agad akong kumapit sa braso nya at ramdam ko ang excitement sa katawan ko. Sa isang iglap ay nasa gubat kami at mula ro’n ay parang may pinto at hindi ko alam kung ano ang nasa loob no’n.

Binuksan nya ‘yon at nanlaki ang mga mata ko ng makita muli ang kalsada. Muli akong tumingin kay Aziel at nasabik. Narito kami ngayon sa condo at pumasok kami ro’n. Binati ako ng mga tao ro’n at hindi nakakapagtakang kilala pa rin nila ako. Sumakay kami ng elevator at ng makarating sa unit ay agad akong pumasok. Mula ro’n ay sinalubong ako nila Sun at Moon na ikinatuwa ko naman. Ang lalaki na nilang pareho at sobra akong natuwa dahil do’n. Tinignan ko ang buong k’warto at malinis ang mga ito. Tumingin akong muli kay Aziel at labis ang kasiyahan ko.

“Maraming salamat! Hindi mo alam kung gaano mo ‘ko napasaya.” Nakangiting sabi ko.

“I will do everything just to give your happiness,” sabi nito at naramdaman ko ang kabog ng puso ko.

Para itong nakikipag-unahan sa karera. Sobrang bilis no’n at parang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa  katawan ko. Normal ba ‘yon? Takang tanong ko sa sarili ko.

“Sobra na ‘to sa inaakala mo. Pero sobrang natutuwa ang puso ko. Dahil sa ‘yo, para akong nasa langit sa sobrang saya.” Matamis na ngiti ang ginawad ko.

Nakaisip naman ako ng kapalit bilang kabayaran sa ginawa nya. Inayos ko sila Sun at Moon. Nilagay ko sila sa isang bag na maari nilang sidlan para makasama sa amin sa galaan and itim at asul na lalagyan. Si Sun ay binigay ko kay Aziel na ikinataka nya naman pero inabot nya naman iyon. Ako naman ay si Moon saka sya nilagay sa likuran ko. May butas naman ‘yon kaya nakakahinga sila ng maluwag sinenyasan ko sya na gawin ‘yon at ginawa nga nya kaya napangiti akong muli saka sya hinawakan sa kamay at lumabas ng condo. Malapit sa condo ang mall kaya naman nilakad lang namin ito.

Sa pagpasok sa mall pinagtitinginan kami ng mga tao. Tapos ay ang ilan naaaliw sa dala naming dalawang pusa na sina Sun at Moon. Naro’n ang naiiritang mukha ni Aziel dahil nakikipag-picture sa kanya ang mga estud’yante na kinaiinisan naman nya. Nakakatawa dahil masyado syang mailap. Tawa ako ng tawa dahil halos hindi na kami makausad sa kung anong bibilhin namin dahil hinaharangan kami ng mga estudyante para makipag-picture. Sobrang naiirita si Aziel dahil ro’n.

Pumasok kami sa H&M para bumili ng damit. Nagsukat ako ng nagsukat habang sya naman ay taga tingin kung anong bagay sa ‘kin. Sina Sun at Moon naman ay prenteng nakaupo lang nagmamasid.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now