EPILOGUE

728 19 14
                                    

RATED SPG (Slight lang HAHAHAHA)

CHANTAL'S POV

Nang makarating sa kinalalagyan ni Aziel. Namutawi na naman ang kaba sa dibdib ko.  Parang nangyare na 'to noon? Tinignan ko ang mga mata nya at wala na ro'n ang repleksyon ni Chishelle kung hindi ang totoong ako na. Ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang pakiramdam. Mula sa sinag ng b'wan, nakikita ko ang ganda ng buong paligid. Hinawakan ni Aziel ang kamay ko at mula sa harapan naro'n ang pari. Nangunot ang noo ko at tumingin sa kanya.

"Hindi ba takot ang bampira sa mga priest?" takang tanong ko.

"Maraming bampira na ngayon ang nagsisimba, ija," sabi ng priesg at napasinghap ako ng bigla syang magsalita.

"Ayy father." Gulat kong sabi. "Ang galing?" wala sa sariling sabi ko.

Tumingin ako sa kanilang dalawa at na-confuse. Gano'n pala? "Uumpisahan na ba natin o magkukuwentuhan muna tayo?"

"Teka lang father. Kasi, ang bilis nitong hinayupak na boss ko. Inaya akong maging bride without saying yes? Pero hindi 'yon ang issue ko." Tumingin si Aziel sa akin na nakakunot ang noo.

"E, ano?"

"Kasi may kilala akong, Maria. Gusto nyang iparating na mahal na mahal ka nya ano man daw ang mangyare. Salamat daw at pinalaya mo na sya d'yan sa puso mo at nagpapasok ng iba. Grabe, ang ganda ng babae na 'yon," k'wento ko.

Nanatiling nakatitig sa akin si Aziel at hindi ko naintindihan kung naintindihan nya ang sinabi ko baka may mali akong nasabi. Tumingin ako kay father at nagkibit balikat lamang ito sa akin. G'wapo naman si Aziel kung totoosin pero bakit parang abnormal sya sa pagkakataon na 'to?

"Chishelle," wala sa sariling usal nito.

Ang pangalan na 'yon ay hindi bago sa 'kin. Kasing ganda naman kasi nya ang pangalan nya. Nakakatuwa at nakausap ko sya kanina sa panaginip ko. Bigla akong niyakap ni Aziel at naramdaman ko ang pagtaas baba ng balikat nito. Hindi ko alam kung para sa'n ang iniiyak nya pero tama bang maging ganito sya ka-emotional ngayon?

"Easy lang, h'wag kang masyadong madrama. Masayang-masaya si Chishelle ngayon. Buti na lang at pina---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla nitong hulihin ang mukha ko at hinalikan ako.

Nanlaki ang mga mata ko ng ginawa nya 'yon at hindi ako nakagalaw kaagad. Hinapit nya ako kasabay no'n ay ang pagpikit ko ng mga mata ko. Ang sarap no'n sa pakiramdam at ramdam ko ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Banayad at ang gaan sa pakiramdam. Matapos 'yon ay unti-unting inilayo ni Aziel ang labi nya sa labi ko. Pinagdikit nya ang noo ko sa noo nya at ramdam ko ang pagmamahal nya sa 'kin. Totoo ba 'tong nararamdaman ko? O baka dahil nakikita nya sa 'kin ang reflection ni Chishelle kaya gano'n.

"Hindi ko inaasahan na muli akong magiging ganito. Three hundred years ago I felt like I'm alone, all alone by myself. Not until nang makilala kita. Your figure was her figure. Her reflection is your reflection. I thought I can't love again because all I want is Chishelle. But now that you are here, in front of me and as my chosen bride. Soon you will be my queen forever. Hindi na ako mag-iisa dahil kasama kita," parang bigla akong naguluhan sa sinabi nya.

"Bilang ako ba o bilang representative kay, Chishelle?" Naiiyak na tanong ko.

"No, no, no. Not that. She said it already, I set her free. Because you are here. Not as her, because of who you are," sabi nito at ramdam kong totoo ang sinasabi nya.

Napangiti ako ng sabihin nya 'yon at hindi ko alam kung paano pa akong aangal.  "Ehem! Itutuloy pa ba?" Pareho kaming napatingin kay father at parehong tumawa.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon