CHAPTER 25

303 15 0
                                    

CHARMEINE'S POV

Napagdisisyunan namin na makisalo sa kanila since kilala rin nila si Zime at kahit hindi ako masyadong komportable kay Chishelle. Ang sama parin kasi ng tingin nito sa 'kin. Naiilang talaga ako sa ganitong tema pero hindi ko naman maaring hindi-an ang invite. Gabi na rin at we prepared to have a dinner in a restaurant that Zime's property. Ginabi kasi kami kakagala kanin at gabi na rin kasi kami natapos kakapili nya ng kung ano-ano.

"Hindi ata maganda ang mood ng asawa mo?" Nagulat ako sa sinabi ni Zime kay Zyiar.

"She haven't sleep yet," Aziel said.

"Really? I think she's mad with my girl," sarcastic ang tono na 'yon ni Zime.

"And why?" tila nang-aasar din na tanong ni Zyiar.

Ayaw ko na. Hindi ko na alam kung dapat pa ba akong manatili o h'wag na lang. Naiilang ako sobra. "Tsk. I'm not mad. I just don't like your girlfriend, Zime," sabi nito na nakatingin sa 'kin.

"She doesn't like you too. Pero hindi sya gaya mo na naiinis at tila pinapatay sa pamamagitan ng pagkain." Sabay tingin sa pagkain nito.

Napangiwi ako sa sinabi ni Zime. Tumingin ako kay Aziel at nakita ko kung paano nitong titigan si Chishelle at parang may something sa mga mata nyang iyon. Naisipan kong magbanyo at saka nagpaalam na magre-restroom lang. Nang makarating sa banyo ng mga babae ay agad kong tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko maintindihan ano bang nangyayare? No'ng nakaraang araw, wala syang pakundangan na pumunta sa k'warto ko. Hindi ko alam kung anong dapat gawin gayong nalilito na rin ako sa kung anong pagkatao ang mero'n ako. Hindi ko alam kung paanong aalamin ang kung sino ako. Naghilamos ako at muling tinignan ang sarili ko sa salamin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nasa likuran ko. Ang reflection nya sa salamin ay nagsisimbulong malakas sya. Pero ang puso ko'y dumadagundong sa saya sa tuwing nakikita ang lalakeng ito. Pero paano syang nakapasok? Bawal ang lalake sa cr ng mga babae. Humarap ako sa kanya at napasinghap ako ng nasa harapan ko na sya at sobrang lapit nito. Hinapit nya ang bewang ko at sa isang iglap ay nasa isang k'warto na kami at hindi ko alam kung sa'n ito. Pero isa itong condo at pamilyar ang unit na 'to. Tinignan ko ang buong paligid at ang frame sa may side table.

Nang makita ko 'yon ay may kakaiba akong naramdaman sa dibdib ko. Ang sakit no'n at tila nangungulila ako sa dalawang taong nasa frame na hawak ko. Ang kanilang mukha ay pamilyar sa 'kin. Tumingin ako kay Aziel at nangunot ang noo ko.

"You know me right?" I said.

Lumapit sya sa 'kin saka ako pinaupo sa tabi nya. "I don't know if you are going to believe this but, you are Chishelle, Charmeine," mas naguluhan ako sa sinabi nya.

"W-what?"

"Zime, told me to tell you the truth now." Tumayo ako at saka napahawak sa ulo ko.

"He's a liar!!!" inis kong sambit.

"I know, but he need to do that just to save you."

"Save me from what?"

"You are half blooded angel, Charmeine." Napatigil ako at hindi nakapagsalita.

Half blooded angel? What are does mean? Tumingin ako sa kanya na may pag-aalinlangan at maraming tanong sa isipan. Pero nakarinig ako ng malakas na kalabog at mula sa pinto ay nakita ko si Chishelle at agad ako nitong sinugod pero agad na humarang si Aziel at Zime sa harapan ko. Nagpalipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at napatingin kay Chishelle. Ramdam ko ang galit mula sa loob nya at ramdam kong papatayin nya ako ano mang oras. Pero hindi ko parin gets kung bakit ako ang pinupuntirya ng babae na 'to.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora