CHAPTER 14

366 18 0
                                    

CHISHELLE’S POV

“Daddy!” Napabalikwas ako ng bangon kasabay ng pagtawag ko kay Daddy.

Napahawak ako sa ulo ko. Paulit-ulit ang bangungot na ‘yon. Paulit-ulit sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit gano’n. Hindi ko alam kung bakit kailangan magpaulit-ulit ang bangungot na ‘yon. Ang takot ko ay paulit-ulit rin. Napabuntong hininga ako at napaisip. Ang lalakeng ‘yon sa panaginip ko ay may kahawig. Napangiti ako ng biglang sumampa sila Sun at Moon sa ‘kin. Bigla ay nawala ang takot ko at pag-iisip. Bumangon ako upang ihanda ang pagkain nila. Nang maihanda ito ay nag-asikaso na ako at nag-ayos ng aking sarili.

Nang matapos akong maligo at mag-ayos ng sarili ko binuhat ko si Sun at si Moon. Lumabas kami at nakangiting sinasalubong ang lahat ng katulong. Nakasalubong ko rin si Fuji at mukhang busy sa ginagawa nya.

“Saan ang punta mo?” tanong ko.

Nagulat sya sa ‘kin at tila nagmamadali rin sya. May nangyayare ba na hindi ko alam? Napabuntong hininga na lang ako at naisipang pumunta ng garden. Lalabas sana ako kaso bigla akong hinarangan ng mga guard nitong palasyo. Pinag-cross nila ang hawak na sandata hud’yat na hindi ako maaaring lumabas. Napakunot ang noo ko na nakatingin sa kanila. Napanguso nalang ako at bumalik na lang kaysa makipagtalo sa mga ito. Sakto naman na nakasalubong ko si Kalia at mukhang busy rin sya.

“Kalia! Anong mero’n?” tanong ko.

“Nako mahal naming reyna. Hindi kasi p’wedeng sabihin. Sige, mauuna na ako!” sabi nito at bigla syang naglaho sa harapan ko at ako naman ay naiwang mag-isa.

Ano ba kasing mero’n ngayong araw at kailangan maging ganito sila ka-busy. Napabuntong hininga na lang ako at bumalik na lang sa k’warto. Nababagot ako. Wala akong magawa. Nang makabalik sa k’warto ay naro’n si Aziel at nagulat ako kasi bigla na lang syang sumusulpot na parang kabute. Nakakainis naman. Bumaba sila Sun ay Moon at ako naman ay sinara ang pinto at saka lumapit sa kanya.

“Anong ginagawa mo dito? At saka bakit busy ata ang lahat ng tao dito sa palasyo? Anong mero’n?” takang tanong ko.

Binigyan lang ako nito ng matamis na ngiti at saka hinawakan nya ang kamay ko tapos hinila ako sa kama at umupo sya ro’m. Pinatpat nya ang binti nya hud’yat para paupuin din ako. Pero binigyan ko lang sya ng pagkunot ng noo. Hinila nya ako at napaupo ako ro’n sa binti nya at ang bilis ng kabog ng puso ko dahil sa ginawa nya.

“You are my little bride right,” bulong nya na syang nakapagpatayo ng balahibo ko.

“N-ngayon na b-ba ang k-kasal?” takang tanong ko at nauutal pa.

“Yes,” sagot nito at niyakap nya ako, “You’re going to be my Queen,” dagdag pa nito.

“P-pero...” Napatingin sya sa ‘kin at nangunot ang noo.

“Why?”

“K-kasi…”

“Shhhh.” He point his first finger on my lips.

Nagkatitigan kaming dalawa at ramdam ko ang bilis ng kabog ng puso ko. Ang pakiramdam na ‘to ay hindi ko kailan man naramdaman sa kung sino pero ang lalakeng kaharap ko ngayon ang tanging nakakagawa ng gano’ng bagay. Minsan naiisip ko. Bakit kaya nabuhay pa ako sa mundong ito? Mero’n sila na wala ako. Mero’n ako na wala sila pero hindi naman ako masaya. Ngunit, simula ng mag-decide akong tumira sa condo, nakilala ko sya. Pero hindi ko maintindihan. Bakit gano'n? Sya ng sya ang nakikita kong lalakeng sa panaginip ko at hindi ko ‘yong maunawaan ng lubusan. May bagay pa ba akong hindi alam sa kanya.

Bumaba ang tingin nya mula sa mga mata ko papunta sa ilong, hanggang labi ko. Napakagat ako ng labi ko sa ginawa nya dahil mas lalong dumadagundong ang kaba sa puso ko. Para akong kakapusin ng hininga. Unti-unting inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko, hindi ako makagalaw para akong kinukuryente. Kakaibang kiliti at kilig ang nararamdaman ko sa ginagawa nya pero hindi pa man naglalapat ang aming labi ng biglang bumukas ang pinto at napatayo si Aziel dahilan para malaglag ako.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now