CHAPTER 17

345 17 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nagdaan ang tatlong taon. Nanumbalik ang paninirahan nila Amanda sa Pilipinas. Sa loob ng tatlong taon ay tahimik ang kanilang pamumuhay. Naging magalang na bata si Chishelle. Pinalitan na rin nila ito bilang Chishelle Anderson na kanilang anak at walang ibang nakakaalam na naiiba ito sa kanila. Kahit na sino ay hindi aakalain na hindi nila anak si Chishelle dahil na rin sa itsura nitong hindi nalalayo sa kanila. Mabait na bata si Chishelle, maunawain at magalang sa lahat. Active sa lahat ng subject sa kanyang klase at walang katumbas ang talino no'ng bata. Sa tatlong taon din na 'yon ay natutunan ng mamuhay ni Aziel, Fuji at Hiro ang manirahan sa mundong hindi kanila at mamuhay nang gaya sa mga tao.

Si Aziel ay mayroong kompanyang pinaghihirapan habang si Fuji ay naging husky upang pangalagaan ang sarili at tumagal sa mundo ng mga tao. Si Bryle at Franx ay ang magtropang nakilala ni Aziel na syang naging kaibigan na rin nya. Ang dalawang tao na ito ay kilala kung sino at ano sya sa mundong ito. Bilang isang hari mg Lamia ay ginalang rin nila ito ng naayon sa katayuan  ito. Sila ay naging katuwang ni Aziel sa kumpanya. Si Bryle ang nging secretary nya habang si Franx naman ang nagsisilbing CEO ng kumpanya.

Si Hiro ay naging priest sa iba't-ibang bansa upang itago ang kanyang totoong pagkatao. He always use his power to evolve his self of being human at hindi malaman na hindi ito kabilang sa mundong kanyang ginagalawan. Sa mga naglipas na panahon, unti-unting nanunumbalik ang kakaibang pakiramdam ni Aziel sa kanyang sarili. He need to find his chosen bride as soon as possible. Dahil kung hindi ay maaring maunahan sya ng mga warewolf sa babaeng kanya dapat.

Mula sa bahay ng pamilyang Anderson, naro'n si Chishelle at nilalaro ang kanyang toys. Habang ang mag-asawa ay pinagmamasdan sya. Alam nilang pareho na hindi magtatagal ay kukunin sa kanila si Chishelle.

"Hindi mo pa ba sasabihin sa kanya ang katotohanan, Amanda?" tanong ni Alex sa kanyang asawa.

"Hangga't nabubuhay ako, Alex. Pangangalagaan ko si Chishelle," sabi naman ni Amanda sa kanyang asawa.

Napailing na lamang si Alex sa kanyang asawa. Dahil sa kagustuhan ni Amanda ang pangalagaan si Chishelle ay halos ayaw nitong alisin ang paningin. Kahit ang malingat ay hindi nya magawa. Dahil sa takot na baka sa isang iglap ay mawala sa kanya si Chishelle. Mula ng araw nilang makita si Chishelle no'n sa simbahan ay naging mas malago ang kanilang negosyo. Maging maganda ang pagpasok sa kanila no'n at lahat ng gugustuhin ni Chishelle ay nakukuha rin nito.

Nang bumalik muli si Hiro sa Pilipinas galing france agad nitong pinuntahan si Aziel. Yumuko ito sa kapatid bilang paggalang sa kanya. Bilang isang prinsipe ay mas kailangan nyang galangin ang katayuan ni Aziel.

"It's been a long time, bro?" Aziel said.

Hiro nod at him saka ito umupo sa may cauch, "Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kapatid.

"I still feel the pain inside. But, I felt something weird." Napakunot ng noo si Hiro.

"Yow mga amo kong bampira," bungad ni Bryle ng buksan nito ang pinto.

"Fuck that, Bryle!" inis na sabi naman ni Aziel sa kanya.

"Luh, high blood ka kaagad amo kong---" Napatigil ito ng bumalandra sa harapan nya ang talim ng kutsilyo. "Joke lang naman amo kong bampira." Ang kulit nito'y halos hindi na makayanan ni Aziel.

Ngunit dahil sa kaibigan nya ito'y kailangan nya rin itong pagt'yagaan. Kasama nito ang anak nitong si Brix na sobrang maligalig na parang ama nya. "Why are you here?" Aziel asked on his secretary.

"Kasi boss, itong pamilyang iyong pinahahanap ay nahanap ko na." Nanlaki ang mata ni Aziel at mula sa kinauupuan ay lumitaw ito sa harapan ni Bryle.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now