CHAPTER 26

295 15 0
                                    

CHISHELLE'S POV

Hindi ko alam kung nong ire-react ko. Nanatili kami sa gano'ng pusisyon at hindi ko alam kung kakayanin ko. Tama ba ang nakita ko o baka ginagawa lang 'yon ni Lala para magalit ako kay Aziel at baguhin ang nararamdaman ko. Ang kirot ng dibdib ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pumatak ang luha sa mga mata ko at ramdam ko ang kakaibang kirot mula rito sa puso ko. Tumingin ako kay Lala at ngayon ay nakikita ko ang ngisi mula sa labi nya pero galit ang nasa mga mata nya.

Tumingin ako kay Aziel. Ang gabi na 'yon. Ang pangyayare ng gabi na 'yon ay hindi ko kailan man makakalimutan. Kaya ba sya ang nakikita ko sa mga panaginip dahil sya talaga ang tao na 'yon? Hindi ako makapaniwala. Napaatras ako dahil sa katotohanan na nalaman ko. Hindi ko alam kung dapat ko nga bang intindihin ko dapat ko na syang kamuhian at kalimutan ang pagmamahal. Pero hindi ko kayang makita syang mawala sa 'kin. Hindi ko kakayanin.

"Totoo ba?" tanong ko.

Napalunok ako ng sariling laway ko na kahit na masakit ay pinilit ko. Hindi ko magawang tignan ang mga mata nya dahil nagagalit ako.  "H-h'wag kang m-magpadala sa g-galit mo."

"Nagtatanong ako, totoo ba?" ulit ko.

Hindi sya nakapagsalita. Nanatiling nakatulala sa 'kin at pilit na sanasabing hindi totoo ang sinasabi ni Lala. Napaupo dahil do'n. Ang sakit sa dibdib. Hindi ko alam kung paanong tatanggapin ang katotohanan.

"All this time kasama ko pala ang halimaw ba pumatay sa mga magulang ko? All this time naniwala ako sa mga salita mo? Bigyan mo 'ko ng maganda dahilan kung bakit mo ginawa 'yon," ang sakit sa dibdib.

Hindi ako makahinga at nahihirapan akong huminga. Biglang may humila sa 'kin at sa isang iglap ay hawak na ako ng isang halimaw na kanina lang ay nakita ko. Pilit akong kumakawala pero hindi ko magawa dahil masyado itong malakas. Agad na sumugod sila Zime at Aziel upang iligtas ako pero mas dumami ang halimaw sa paligid. Ang dami nila ay hindi kakayanin ng dalawa lang. Maya-maya ay may liwanag ang bilang sumilay at mula ro'n ay nakita ko ang lalaking may magandang pangangatawan. Ang kanyang pigura at anyo ay bago lang sa paningin ko pero parang kilala ko. Hindi ko maintindihan at nararamdaman ko ang kakaibang pananabik.

Kinalaban nito ang mga halimaw sa paligid at tinulungan sila Zime. May lumabas pang mga anghel upang iligtas ako. Hindi ko maintindihan ang nangyayare. Ang bilis ng kilos nila Zime at Aziel. Gano'n ang iba pang mga anghel. Pero ang isang lalaki ay humarap sa amin. Pilit ko paring kumakawala sa isang halimaw. Nakikita ko ang tapang nito sa kanyang mga mata at sa kanyang tindig. Tumingin ito sa akin at ngumiti ito. Pinaparating nito na kailangan kong magtiwala sa kanya.

"Hindi ko aakalain na mangyayare ang araw na 'to," panimula nya.

Ang laki ng boses nya pero naro'n ang hinahon no'n. "Hindi ko aakalin na makikita kitang muli, Jophiel," sabi ng lalaking may hawak sa 'kin.

"Hindi dapat madamay ang bata na 'yan dito, Ipos," sabi naman no'ng lalake.

"Ang bata na 'to ang susi, Jophiel." Nangunot ang noo ko sa sinabi ng lalaking may hawak sa 'kin.

"A-anong susi? Bakit may padlock ba? Bakit nadamay ako?" takang tanong ko.

"Manahimik ka!" uyog nito sa 'kin na syang dahilan bakit ako napainda.

"Bitiwan mo ang bata na 'yan, Ipos dahil wala na sa kanya ang dugo ng isang anghel," madiin na sabi ng lalake.

Ano bang pinagsasabi nila at hindi ko naman sila ma-gets sa kung anong sinasabi nila. Hindi ko sila kilala at bago lang sila pareho sa paningin ko. Ano bang kailangan ng mga 'to sa 'kin.

I'M THE CHOSEN BRIDE OF THE VAMPIRE KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now